XXII

94 5 0
                                    




D E F Y I N G

W O R D S




''Stay here and don't even try to do something reckless.'' Utos niya bago sumunod kay Vladimir na mukhang hindi pa tapos sa paga-amok at nanggugulo naman sa mga kalapit na lugar na sakop ng kaharian.

Kanina ko pa tinititigan lang ang mga pagkain na inihain sa harapan ko dahil hindi ko din magawang kumain. Hindi pa kasi siya bumabalik. Nagaalala na ako.

''You haven't touch your food Lady Sophia. What's the matter?''

Napatingin ako sa butler na inatasan ni ILion na pagsilbihan at samahan ako habang wala siya. Ang pangalan niya'y Hansel. Nakakapagtaka dahil may kilala din akong Hansel pero bata pa.

''I'm just worried,'' walang gana kong tugon.

Naglalaban na naman ba sila gaya kanina? ILion haven't feed on my blood today and he's now using his power to fight Vladimir. Baka matalo siya. Baka--!

Napatayo akong bigla kaya kamuntikan nang mahulog ang mga pagkain nang matabig ko ang mesa sa aking harapan. Agad na sumaklolo si Hansel at napigilan itong mangyari.

''It's so clear to me that you can't relax due to His Highness leaving your side, BUT you can't let yourself starve to death,'' madilim ang presensyang pagpapaalala ni Hansel.

''You're being exaggerated. I can't die just yet,'' wika ko tsaka napabuntong hininga.

''I see. Then, let me prepare you some tea.'' Nagpasalamat ako tsaka siya sandaling umalis ng silid.

Now's my chance.

Buong pagmamadali ngunit may pag-iingat akong kumuha ng coat at isinuot ito tsaka dumaan ng bintana para tumakas. I know he told me to stay, but I can't keep my calm after witnessing how strong Vladimir is.

Kung dadaan ako sa harap ay paniguradong mahuhuli ako o mapapatay nang hindi sinasadya ng mga kawal. Kaya naman sa hardin ako nagtungo at doon dumaan patungong kagubatan.

''ILion...''

Napag-alaman ko kay Hansel na sa kalapit lamang na kastilyo nagtungo ang grupo ni ILion para sundan si Vladimir. At kung susundan ko ang daan kung saan madaling makita ang tore ng kastilyo na iyon ay mas madali akong makakarating doon ng hindi naliligaw.

Natigilan ako sa paglalakad nang may mapagtanto. ''Bakit parang sinadya niyang sabihin sa'kin?'' Tanong ko sa sarili. 

''That's right.''

''Kyaa!'' Tili ko tsaka isinalag ang aking mga braso para protektahan ang sarili mula sa napakaraming paniki.

''His Highness is right. You really did what The King told me you'll.''

Iminulat ko ang aking mga mata at unti-unting ibinaba ang aking mga braso nang makitang si Hansel na naluhod sa isang tuhod sa aking harapan.

''H-Hansel?'' Hindi makapaniwala kong sabi. Hindi ko akalaing sinadya niyang sabihin sa akin lahat ng iyon para lang makita na gagawin ko ang inaasahan ni ILion. ''Hindi ako babalik! Pupuntahan ko si ILion--!''

''Then what?'' Pagsingit niya na nagpatigil sa akin. ''Are you going to fight Vladimir for His Highness? Are you willing to be The King's shield?'' Sunod-sunod niyang tanong na sobrang nakaka-offend na.

''Yeah right! Tao lang ako! I'm weak, powerless, fragile being, I'm nothing compared to Kurasuma and Kuromaru, but I won't let ILion get hurt again! So just let me go!'' Bulyaw ko sa kanya bago tumalikod at nagpatuloy sa paglalakad.

A Pure blood's VowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon