X

605 35 6
                                    



E N C O U N T E R







"She's the girl that master's been talking about?"

"Ssh! Keep your voice down idiot."

"What? This is my lowest voice dimwit."

"... You're impossible."

"You--"

"Ssh! She's moving. Let's go."





"...pie. Sophie? Hey!"

"Ah!"



Kamuntikan na akong mahulog mula sa pagkakaupo ko sa swing nang mapansing sobrang lapit nang mukha ni Theo sa mukha ko. Agad naman niyang hinawakan ang mga kamay kong nakahawak sa chains kaya umuga lang ang inuupuan ko.



"Woah! Muntik na," aniya sa ganoon paring posisyon.

"P-Pasensya na. Kanina ka pa ba d'yan?" Kabado kong tanong. Hindi pa kasi maalis 'yong gulat ko mula kanina.

"Medyo. Bakit ka pala nandito sa playground? Tapos mag-isa ka na naman," aniya tsaka umayos nang tayo.



Pinagmasdan ko siya at napansing hindi siya nakasuot ng uniporme ngayon. Black t-shirt at comoflodge na pambaba ang suot niya. Naka-rubber din siya at cup.

"Bakit ganyan ang suot mo?" Tanong ko matapos siyang tignan mula ulo hanggang paa. Itinaas niya ang mga kilay at sandaling nag-isip.

"Secret lang natin 'to ha, don't tell this even to Cleo and Yorie."

"Ha? Bakit pati sa kanila bawal i-kwento?"



Nagkatitigan kami ng mga ilang minuto bago niya naisipang umupo na din sa katabing duyan sa kanan ko. He stretched his legs to the ground as he tried to push himself backward.



"Kahapon kasi may audition sa gym para sa recruitment ng mga bagong dancers ng Wolves," pagkukwento niya habang nakatingala sa langit.



Mukhang nahihiya at ayaw pa talaga niya itong ipagsabi lalo na sa'min nila Cleo, pero heto siya a agku-kwento sa'kin.



"Talaga? Nag-audition ka ba?" Tanong ko tsaka marahang idinuyan ang sarili.



Tumango siya ng isang beses bilang tugon sa tanong ko. Nahihiya talaga siya, pero bakit ikinuwento pa din niya sa'kin?



"Theo," pagtawag ko sa kanya. Tumingala din ako sa langit at pinagmasdan ang gumagalaw na mga ulap. "You don't have to force yourself just to begin a conversation with me. Masaya na ako kahit ganito lang," pahayag ko tsaka nakangiti siyang nilingon muli.



Isang seryosong Theo naman ang bumungad sa'kin kaya hindi ko maiwasang maipakita sa kanya ang pagkagulat ko.



"I'm not forcing myself," aniya nang hindi inaalis ang tingin sa'kin. "I...just really want to share this...with you," paliwanag niya na bumuo sa'king pagtataka.

A Pure blood's VowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon