VII

698 53 26
                                        



O W N
W O R L D





"Good morning Sophie!"





Napaangat ako ng tingin at nakita si Yorie na papalapit na sa'kin. Kitang-kita ko din kung paano siya pagmasdan ng mga estudyante sa daan. Tulad ko kasi ay namamangha sila sa taglay na kagandahan ni Yorie. Maputi, makinis ang balat, sexy, matangkad, may mapupulang labi, matangos na ilong, singkit na mga mata, tsaka saksakan ng pheromone, maganda pa ang tinig, magaling sumayaw, mabait, palakaibigan, at kahit madami pa ang tao ay lilitaw pa rin ang kagandahan niya. Sa labanan ng kagandahan sa paaralang ito ay wala pang nakakatalo sa kanya.




"Good morning Yorie!" Nakangiti kong bati sa kanya, not minding the people staring at us.



Pati kasi ako ay nadamay na yata sa dalang kagandahan ni Yorie. Noon ay siya lang ang binabati, binibigyan ng flowers, letters, chocolates, at kung anu-ano pa ng mga fans niya dito sa school, pero ngayon ay pati ako at maging si Cleo ay nakatatanggap na din ng mataas na pagtrato. Nakakahiya nga dahil ayokong tumanggap ng mga regalo dahil hindi ko sila ka-anu-ano at wala silang obligasyon para gawin 'yon.





Nakatingin na naman sila...nakakailang.





"Aaahh! Ang cute-cute mo talaga!" Nagulat ako sa biglang pagyakap sa'kin ni Yorie kaya nawala sa isip ko ang tingin ng mga tao. "Don't mind them Sophie, hanggang tingin lang naman sila. They can't hurt you."






Natigilan ako sa huling mga sinabi ni Yorie. Gano'n ba talaga ang tingin niya? Mukha ba talaga akong takot na masaktan?





"Hey, cheer up!" Pinisil niya ang pisngi ko na madalas niyang gawin. "I won't let them touch you." Bulong niya tsaka ako tinapik sa balikat.



"Huh?"



"Tara na Sophie!"





Back there, I felt something different. But I just shoved my thoughts off like I usually do. I'm imagining things again.



"I won't let them touch you."




However, I have this strange feeling that something's going to happen.





[Classroom]





Pagpasok namin ng classroom ay maingay na naguusap-usap ang mga kaklase namin at mukhang masaya sila. Hinanap agad ng mga mata ko sina Cleo at Theo, at hindi naman ako nabigo. Gaya ng dati ay nagbabasa lang si Cleo sa upuan niya, at nakikinig lang ng music si Theo sa pwesto niya. Tinakbo sila ni Yorie at pinagtatapik sa balikat.





"Meow-ning!" Bati ni Yorie na nagpapula ng mga mukha ng dalawa.

"Tumigil ka nga dyan!" Asar na suway ni Theo kay Yorie na nagpapa-cute sa harap niya.

"Hahaha! So kawaii! Meow! Meow!" Pagpapatuloy ni Yorie habang umaarte na parang pusa.

"Yorie." Wika ni Cleo na mukhang asar na din.

"Nyaaan? Bakit-nyan~?" Tugon ni Yorie na nagpatawa sa'kin. Nakanguso kasi siya na talaga namang nakakapang-asar.





Nagulat ako nang tumayo sina Cleo at Theo ng sabay at masama ang tingin kay Yorie. Pero mukhang wala siyang pakialam at patuloy lang sa pag-astang pusa. Kitang-kita ko ang pamumula ng mga mukha ng dalawa sa inis kaya umiral na ang kuryosidad ko.





A Pure blood's VowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon