C L O S E R
Sobrang init ng katawan niya at ang pagdampi ng mainit niyang hininga sa balat ko ay nakakapagbigay sa'kin ng kakaibang kilabot. Hindi ako halos makagalaw dahil nakadagan siya sa'kin at nakakulong ako sa mga bisig niya. Gaya ng dati ay mahigpit siyang nakahawak sa'kin at halos maging ako ay naiinitan na din dahil sa kanya.
"ILion," tawag ko sa pangalan niya na halos pabulong lang.
Hindi siya kumibo sa halip ay nanatili lang sa ganitong posisyon. Inabot ko ang buhok niya at hinaplos ito.
"P-Pwede mo namang sabihin kung ano ang nangyayari sa'yo para alam ko kung ano ang dapat na gawin," malumanay kong pagsuyo sa kanya dahil baka gaya ng nangyari noon ay iwan niya nalang ulit akong puno ng katanungan.
Ibinaba ko ang mga kamay ko sa balikat niya at sinubukan siyang iangat at igilid sa tabi ko pero parang walang nagagawa ang lakas ko. Kung ipagpapatuloy niya 'to ay mahihirapan na din akong huminga. Para kasing ipinapasa niya sa'kin ang init na ng katawan niya.
"ILion, pareho lang tayong mahihirapan kung dadagan ka sa'kin ng ganyan hanggang mamaya," paliwanag ko na alam kong ayaw niya rin na mangyari.
Sa wakas ay umangat siya at itinukod nang muli ang mga braso sa magkabilang gilid ko. Sobrang nagulo ang buhok niya at ngayo'y hindi gaanong sumusulyap ang magaganda niyang mga mata. Humugot ako ng paghinga tsaka kinakabahang iniangat ang aking kanang kamay para iusog ang mga nakatakip na mga buhok sa kanyang paningin.
"Sobrang init mo," nag-aalala kong wika nang hindi inaalis ang kamay ko sa pisngi n'ya. Pinahid ko rin gamit ang hinlalaki ko para alisin ang pawis na pabagsak na sa kanyang pisngi.
Sa ganoong posisyon ay tinitigan lang ako ni ILion. Ang mga mata niyang pawang nagniningas na apoy ay mariing nakatitig sa aking mga mata at para bang sinusubukan niyang alamin ang nararamdaman ko.
"Nag-aalala ako sa'yo," wika ko na sumagot sa mapagtanong niyang mga titig. "Ano bang nangyayari--"
Natigilan ako ng bigla niyang ilapit ang mukha niya sa mukha ko. Nanlaki ang mga mata ko nang dumampi ang talutok ng labi niya sa labi ko -- hindi ganoong halik na gaya ng karaniwang ginagawa kundi magkatapat lang kasi halos at nararamdaman ko na ang labi niya.
Ano ba ang iniisip niya?
Dahil sa nangyari ay biglang gumulo ang loob ng sistema ko. Hindi ko maintidihan, pero biglang nanlamig ang pakiramdam ko. Sobrang lakas ng kabog sa dibdib ko at hindi ko na din alam ang dapat na sabihin o itanong!
"Nodo ga kawaita," wika niya sa mahinang tinig ngunit nagawa kong marinig sa sobrang lapit namin sa isa't-isa. *Nodo ga kawaita - I'm thirsty
"Nn?!"
Nais ko sanang sabihin na hindi ko siya maintindihan, pero nawalan din ako ng pagkakataon. Bigla nalang niya akong siniil ng halik at ngayo'y mas ikinulong pa sa kanyang mga bisig. Mariin akong napakapit sa kanyang dibdib sapagkat nawalan ako ng lakas para itulak siya palayo.
BINABASA MO ANG
A Pure blood's Vow
UpířiFormer: Pureblood Lover | I Belong To This Pureblood Vampire Synopsis: Sophia Valderima, a 16 year old girl, while walking home met a mysterious guy who saved him from being harm by a night creature. A scenario under the beautiful crescent moon, whe...