2

271 3 0
                                    

Wedding..........

Matindi ang traffic habang papunta kami sa simbahan. Habang nasa biyahe, hindi ko maiwasan ang mapa-isip sa naganap noon.

"Isa kang sutil sa pamilya na 'to Symphony. Wala kanang ginawa kundi ang ipahiya kami." ani ni dad. Oo. Malas ako sa pamilya. Tutal, si ate lang naman ang magaling. Nasa kanya na ang lahat habang ako ay walang silbi sa pamilyang ito.

"Anak naman! Nakikipag-usap lang si Mr. Hari sa'yo pinagbintangan mo na agad ng masama." sabat naman ni mom.

"Mom! Hindi ba kayo naniniwala sa'kin? Hinawakan niya ang dibdib ko at muntik na niya akong hali-"

"Estupida! Alam mo bang siya nalang ang makakatulong sa negosyo natin. Alam mo naman na lugmok na tayo sa utang." putol ni dad sa salita ko. Hindi ako gumagawa ng kuwento. Pero ayaw lang talaga nila na maniwala sa'kin.

"Dad! Mas iisipin niyo pa yang negosyo niyo? Kesa sa anak mong binastos na-"

*pak*

Isang malutong na sampal ang natanggap ko galing sa aking ama.

"Leandro tama na"

"Hindi Bianca. Kulang pa yan sa ginawa ng anak mo sa akin. Ginagawa ko lahat para sa kanya. Pero binaliwala niya. Siya pa ang sumira ng plano para makaahon tayo!"

LOVE IS...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon