15

154 5 3
                                    

Anak......


Umuwi na kami sa bahay niya sa Oslob. Nakasalubong ko si Eve na nag-iwas agad ng tingin sa akin. Okay, what was that?

Kakatapos ko lang makipag-usap kay Karla at kay Leslie na napaka blooming dahil sa umuusbong atang lovelife.

"Teka lang Eve, magpapatulong sana ako sayo" bigla kong sabi dahil mabilis siyang naglakad na parang iniwasan ako. Bakit kaya?

"Bakit mam? Ano po ang maitutulong ko?" Ooookaayyy. Hindi talaga siya okay dahil napansin kong matuwid na ang pagtatagalog niya. At parang wala siya sa sarili na nakatingin sa akin. Nangangati na talaga ang dila ko na magtanong kaso wala ako sa posisyon para makealam sa buhay ni Eve.

"Gusto ko sanang magpasama sayo sa city ng Cebu. May kukunin lang ako. Sinabi ko rin kasi kay Kevin na ikaw ang isasama ko dahil hindi niya gusto na ang driver lang kasama ko. Okay lang?"

Nakatulala lang siya sa akin. Naghihintay ako na sumagot siya sa akin pero wala talaga kay nagsalita ulit ako.

"Eve!?" pasigaw ko nang sabi. Duon lang siya naalimpungatan at agad siyang tumingin sa akin.

"Ang aga-aga naman Mrs. Yu at sumisigaw ka na kay Eve?" Agad akong napatingin sa Dining table dahil may nagsalita doon.

Nabigla ako dahil si Henry Lim na crush ni Eve ang nagsalita. Naka white polo at jeans siya. Parang hindi siya nagtrabaho ngayon. Hindi niya yata kasama si Kevin?

"Woah alam ko yang mga matang yan misis. If you think hindi nagtrabaho si Kevin ngayon ay nagkakamali ka. He's busy right now sa Mall niya at katatapos ko lang makipag-usap sa Velez group para sa stocks. Nandito ako dahil sabi ni lover boy na ako na sasama sayo dahil may pupuntahan rin ako sa Cebu." Nakangisi niyang paliwanag sa akin na nagpakunot ng noo ko. Bakit parang ang saya niya.

"Isasama ko sana si Eve dahil mag s-shopping sana kami." sabi ko na nagpabigla sa kanina nang nakatunganga lang sa aming dalawa.

"Of course." He's smirking. That's when I realized na mali ang desisyon ko. Geez, wala na akong magagawa. I can't take back what I said dahil baka makahalata pa. At alam kong magiging awkward lang kung kami ang dalawa aalis.

"M-magbibihis lang ako m-mam" agad tumalikod si Eve sa amin. Shit. Wrong move talaga.

Pumunt ng sofa si Henry at feel at home siyang nag-on ng tv. Wala naman akong problema dun kaso to think na siya ang dahilan ng pag-iyak ni Eve ay parang nangangalai akong upakan siya.


Naghintay na lamang ako kay Eve sa kinatatayuan ko kanina. Hindi umabot ng limang minuto ay lumabas na siya at huminto sa tapat ko

"Sorry Eve, hindi agad pumasok sa isip ko na-" bulong ko na agad naman niyang pinigil.

"Okay lang mam." mapait siyang ngumiti sa akin. I'm really sorry Eve.


Pumunta kami sa living room kung saan prenteng nakaupo roon si Henry na may kausap sa cellphone niya


"Yes bro isasama ko si Sym and Eve dont worry lover boy. Haha. Okay. Of course aalagaan ko tong maid mo pati na ang asawa mo. " so si Kevin pala ang kausap niya

" I'll give it to your wife para mapanatag ka naman." binigay ni Kevin sa akin ang phone niya at kumindatsa akin at biglang kumunot ang mukha niya nang tingnan si Eve,


"Hello?" damn! bakit ba ako nahihiya sa kanya ngayon?


LOVE IS...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon