Shot......
"I want a private investigator. It seems like malaking tao ang may kinalaman dito. He may have access here because of the pictures."
May kausap si Kevin sa phone niya. 7 am pa pero kanina pa talaga kami gising. Pagkatapos kasi ng tawag na yun ay ginising ko si Kevin dahil sa takot. Niyakap niya muna ako ng ikang oras. Pagkagising ko ay nasa office na siya at nasa lap niya si Heaven.
Naka-usap ko rin kanina si Eve. Nangungumusta kay Heaven. Sinabi ko sa kanya ang nangyayari sa amin dito at napagdesisyunan kong iuwi na si Heaven. Agad naman sinabi ni Eve na uuwi na sila at kukunin niya si Heaven. Napakunot noo ako dahil parang may Mali sa tono niya
Tapos na makipag-usap si Kevin. Tumakbo naman si Heaven ng makita ako.
"'Ta, tapos ako ligo." Ngumiti siya at yumakap sa binti ko.
"Talaga? Sino nagpaligo sa baby Heaven namin?" Tanong ko sa kanya.
Tinuro niya si Kevin at binalik ang yakap sa binti ko. " Ti-to!"
Lumapit si Kevin sa akin. Kinarga niya si Heaven at hinalikan ako sa sentido ko.
"You okay?" He asked
"Yeah. Kukunin na nila mamayang gabi ang bata"
"Ang aga naman ata?"
"Papauwi rin naman daw sila ng tumawag sa akin. Mamayang gabi ang dating nila."
Napakunot noo rin siya.
"Sir, nandito na yung private investigator niyo." Sabi ni Sia.
"Magpahinga ka or makipaglaro nalang kay Heaven. Hindi ka dapat na si-stress. Bad yan sa mga babies natin"
Napangiti ako. Binaba niya ang bata at agad naman hinawakan ni Heaven ang kamay ko..
"Okay." I kiss him. He smiles then he kissed my cheeks then umalis.
-------
Gabi na at hinihintay ko na dumating sina Henry at Eve. Excited na rin ang bulilit na katabi ko na may dalang mini bag. Sigaw siya ng sigaw ng Nay at Tay. Kami ni Kevin ay tawa lang ng tawa.
Nang may bumusina ay tumayo na ako.
Si Heaven ay tumalon talon na kinakausap si Kevin." 'to! Nay at Tay yon!"
"Yes baby, Mamimiss ka namin ni Tita."
Ni-hug ng bata ang binti ni Kevin. Lumapit ako sa kanila. Napatawa ako kasi nakahug siya sa left ni Kevin at inabot niya naman ang right ko na legs. In that way, naka-hug siya sa amin ng sabay.
Bumukas ang pinto at iniluwa non si Eve. Agad tumakbo si Heaven sa nanay niya.
Nakasunod si Henry. Halata ang pagod sa mga mukha nila.Iginaya namin sila sa Garden para makapag-usap. Gusto rin kasing malaman ni Henry ang nangyayari. Mag best friend sila at business partner kaya nag-usap sila at inisa-isa ang mga taong may posibleng may galit sa kanila or sa kay Kevin.
Kami naman ni Eve ay nakikinig lang. Nang tumingin si Henry kay Eve, agad na nag-iwas si Eve ng tingin at kinausap ako.
"We need to go bro, pagod na si Eve." Tumayo si Henry.
Bigla nalang kaming nakarinig ng isang putok, kasabay ng pagtumba ni Henry. Agad dumalo si Eve sa kanya.
Pumutok uli at tumama iyon sa vase, malapit sa akin. Pumasok ako ng bahay ng biglang pumutok ulit. Muntikang matamaan si Kevin na dala dala si Henry. Inakay ni Eve ang anak niya na batid ang takot sa mukha.
---------
"Stable na ho yung pasyente. Buti nalang at hindi natamaan ang puso niya. Pwede na ninyo siyang puntahan."
Si Eve ang unang pumasok kasama ang anak niyang natutulog sa kanang bisig.
Sumunod kami ni Kevin."Ako na Eve." Nilahad ni Kevin ang kamay niya para makarga si Heaven. Kusang binigay niya ito kay Kevin
Lumapit siya kay Henry na wala paring malay.
"Henry, sorry na! Naniniwala na ako sayo. Sadyang nagselos lang ako. Please gumising ka na!" Iyak ni Eve.
So may away pala itong dalawa kaya maagang umuwi.
"Henry! Bwiset naman oh! Hoy! Buntis ako. Tang ina mo!. Magiging tatay kana ulit." Umupo na siya sa sahig at humagulhol.
"5 weeks na akong buntis. Hindi ko sinabi dahil gusto kong Ito ang regalo ko sayo sa honeymoon natin. Pero di ako nakaka-timing. Tapos nagpakita pa iyong bruha mo na fling."
"Papatayin talaga kitang hinayupak ka kung di ka gigising. Tinakot mo ako."
Nilapitan ko na siya. Hindi naman mamatay si Henry ah.
"Eve, stable na si Henry. Gigising rin yan mamaya. Kalma lang." Hagulhol lang ang sagot niya.
May narinig kaming katok sa pintuan. Ako na ang nagbukas dahil hawak pa ni Kevin si Heaven.
"Mr. Yu." Yung private investigator!
"Any news?" Ani ni Kevin at inihiga si Heaven sa upuan ng room
"Nahuli na po ang nagpaputok kanina."
"Good. "
Bakit kaya siya nagpaputok? And clearly ako ang target niya. Kung hindi tumayo si Henry ay ako ang matatamaan. What does this guy need?
But thank God, at nahuli na siya. Mabuti nalang