16

135 4 3
                                    

Miserable.....

Mga alas 3 ng hapon na kami nakarating sa siyudad at kasalukuyan kaming papasok ng SM. May naghihintay sa akin sa Boss Coffee. Para kasi iyon sa partnership nang isang Fashion shop. Gusto niya magtrabaho sa akin dahil sa hindi ko malamang dahilan. Nalaman kong tanyag siyang designer kaso ayaw daw niyang gumawa ng sarili niyang company dahil na rin sa wala daw siyang alam sa negosyo. She'd rather do the design than own a company. That's exactly what she said. Naka-usap na siya ng Secretary kong si Karla. Bumisita rin daw siya dito sa Cebu dail may kakilala  daw siya rito. Kaya ng nalaman niyang nandito ako ay nakipag set-up agad siya ng meeting. Hindi rin naman ako busy.

Malapit na ako sa Boss Coffee. Sinabi niya na kung anong suot niya dahil hindi ko pa siya nakikilala sa personal. Hindi pa kasi ako nag ne-net ngayon dahil tinatamad ako. I enjoyed using the gym and the studio.

Pumasok na ako at agad kung natanaw ang babaeng mahaba at kulot sa dulo ang buhok. Nakasuot ito ng hapit na dress, showing her curves and all. Ngumiti ako sa kanya hudyat ng pagtayo niya at pagngisi. And that's when I realize something. She's so familiar.

"Ms. T? ryt?" nanginginig ako dahil sa aking naisip at naalala.

"Yes babe, I'm yours. Forever. I will always be your princess no matter what."

"Yes Ms. Symphony Liz Delapaz. They call me T but my name is Trixie Madrigal. Nice meeting you!" naglahad siya ng kamay.

Prinoseso ko lahat ng nangyayari ngayon. So, she's Trixie Madrigal, ang babaeng unang minahal ni Kevin. Ang tunay niyang Prinsesa. SHIT.

Nag-uusap na kami tungkol sa kung anong kaya niyang gawin. At doon ko lang nalaman na tumigil siya sa dating kompanyang pinagtrabahuan. Dahil na p-pressure na raw siya doon at inakusahan siyang nilandi ang boyfriend ng may-ari. Halos hindi ako makatingin sa kanya ng maayos dahil na rin sa mga naaalala ko sa tape na iyon.

"You know that I'm yours right. You own my heart baby. I love you. Tell me, you're mine right? Is Trixie Madrigal mine?"

"So, I believe, may gagawin pa kayo? I have to go know. I'm excited to work for you Ms. Delapaz. Babalik pa ako ng Manila bukas." ngumiti siya sa akin ngunit hindi ko magawang gumanti ng ngiti. Should I tell Kevin na nakita ko siya. But hindi alam ni Kevin na kilala ko si trixie. Fuck, anong gagawin ko ngayon.?

Lumakad na siya paalis. Para akong nabunutan ng tinik ng mawala na siya sa paningin ko. Gusto kong maiyak. Thinking that, ang magpapasaya lamang kay Kevin ay ang babaeng kaharap ko kanina. Should I tell him? Kailangan na ba naing lumipad ng ibang bansa para sa annulment? It's too early for that. Baka hindi pa kami payagan niyan.

"Mam, okay lang ho ba kayo? Kanina pa kayo namumutla." narinig kong nag-aalala si Eve sa akin. I didn't even notice her habang nandito si Trixie. Ilng minuto rin siguro akong tahimik ng umalis na si Trixie.

"Pwedeng dito muna tayo Eve, gusto ko munang tapusin ang frappe ko." 

Napaigtad ako sa bigla ng mag ring ang phone ko. It's from a unknown number

From: +69********

Hey It's Henry, madedelay siguro ako ng isang oras papunta diyan. Medyo traffic eh.

Napatingin ako kay Eve na nakatingin sa labas. Maybe I should divert my attention to her. Nababagabag na talaga ako sa problema. Shit. I'm using her as my excuse para mawala sa isip ko si Trixie. But really, I'm goddamned curious now. At alam kong hindi ako matatahimik. 

"Eve, sabihin mo nga? Anong meron sa inyo ni Henry? Medyo halata na kayo ahh?" 

Bigla nalang siyang namutla at parang iiyak na yata ng tinanong ko na siya. Shit.

"Mam, please secreto lang natin to. Kahit asawa niyo si sir Kevin ay huwag niyo ho sabihin sa kanya." nagsimula nang pumatak ang kanyang mga luha. I ready myself sa kung anong sasabihin ni Eve.

Huminga siya ng malalim at pumikit bago tumingin ng diretso sa aking mga mata at nagsalita.

"Tatlong taon ang nakalipas, nakilala ko si sir Kevin. Mabait siya. Humingi ako ng tulong sa kanya dahil na rin sa nagkasakit na ang nanay at tatay ko. Ang mga kapatid ko naman ho ay patay na dahil sa pagkalulong ng droga." panimula niya at tumigil at nag-iwas tingin. She lied to me? About the crush and the family thingy na sinabi niya sa akin? How could she do that?

"Sorry mam kung nagsinuwaling ako dahil sa nahihiya akong malaman mo at mahalungkat mo ang nakaraan ko." umiyak siya. Tinahan ko siya and I urge her to continue

"Tinulungan ako ni sir sa paggagamot sa nanay at tatay ko. At bilang kapalit ng pagtulong niya ay nanilbihan ako sa kanya. Isang buwan lang dito si sir sa Cebu at bumalik siya sa Manila. Naiwan ako kasama si Manang Q sa bahay. Naglilinis at kung anu-ano pa ang ginagawa ko."

"Pagkatapos ng dalawang buwang gamutan ay namatay ang magulang ko. sunod-sunod. Parang gumuho ang buhay ko sa nangyari. Umuwi ako ng mansyon at naabutan ko si Henry na hinahanap si sir. Sabi ko sa kanya na wala siya. Hinanap ko si manang Q pero wala rin siya. Kami lang  pala dalawa ang naiwan sa mansyon"

"Nakipag-usap siya sa akin at nakipag-inuman. Nalasing ako at may nangyari sa aming dalawa. Pagkagising ko wala na siya. Ilang araw ang lumipas ay nalaman kong buntis ako"

"Tinago ko iyon sa kanya dahil alam kong ipapalaglag lang niya ang bata. Nagleave ako ng isang taon sa para sa akin pagbubuntis. Bumalik lang ako nang bumalik na si sir at nagtrabaho ulit. Iniwasan ko siya dahil ayaw kong malaman na buntis ako. Mag dadalawang taon na ang baby namin at hanggang ngayon ay wala pa siyang alam."

Umiyak siya at napa-iyak rin ako. Damn! Nakaka-awa siya. Ilang minuto siyang nakayuko na umiiyak. Tinitignan ko lamang siya. Biglang umngat ang kanyang mukha at lumagpas ang kanyang titig sa likod ko at suminghap siya. Bago pa ako makapagsalita ay may baritong boses ang nagsalita sa likod.

"And you don't mind telling me the truth huh, Evelyn?" malamig na boses na punong puno ng galit ang nagsalita sa likod ko. Shit.

Si Henry!

LOVE IS...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon