11

179 5 5
                                    


Work.....

"Mam! Nakahanda na po ang pagkaen. Kaen na ho kayu." katok ni Eve

"Eve mamaya na ako kakain. Hindi pa ako gutom eh" sigaw ko.

"Naku mam. Sege po. Ilalagay ko nalang po yung pagkaen sa mesa."

Hindi ko na siya sinagot. Nawalan na talaga ako ng gana. Maybe I should call my secretary para sa mga ganap sa aking negosyo.

I dialed Karla's number. After 2 rings ay sumagot siya

"Liz Clothing Line, how can I help you?"

"Karla it's me. I just want to know the feedbacks on my company. May problema ba? Bumebenta na ba yung mga damit na designed ko?"

"Yes Ms. Liz. Bumebenta po siya pero hindi gaanong karami ang bumibili. May bago kasing nagtayo ng clothing line at katabi lang natin iyon Ms."

I gasped. What the freakin hell. Ito na ngaba ang kinakatakutan ko. Hindi naman talaga mawawala sa negosyo ang competition kaso lang nakakapagod ang mag-isip ng bagong pakulo para bumenta nanaman kami. Pero kailangang kayanin ko ito.

I just need some help from my business partner. Which is my bestfriend. Siguro busy pa iyon kay Paulo. Pero kailangan na namin mag-usap para sa susunod na plano.

"Okay, thanks Karla. I'll call you anytime okay. Maghanda ka na ng mga reports dahil mag-uusap pa kami ni Les. Take care of the company. Magsend ka na rin ng mga feedbacks araw-araw para ma aware ako. Baka matatagalan pa ako dito sa Cebu. Got it?"

"Yes Ms. Liz. I'll report everyday."

"okay, thanks and bye."

Nag online ako sa Skype at baka online ang bruhilda. Pero wala. 30 minutes na ang nakalipas kaya nag-out nalang ako at bumaba. Nag decide na akong kumain dahil ipinagluto pa naman ako ni Eve.

Nang nasa dining area na ako ay nakita ko ang masasarap na ulam. Umupo ako at magsisimula na sana akong kumain ng biglang may naisip ako.

"Eve!! Eve halika dito.!" sigaw ko.

"B-baket po mam? May problema ba mam?" tarantang tanong niya.

"No. I just want you to join me here. Sabayan mo akong kumain. Ako lang mag-isa dito eh."

"Naku mam, nakakaheya naman po pero gutom naren ako eh. Salamat po"

Kumain kami ni Eve. Noong una nahiya siya na kumuha ng mga ulam. Pero sabi ko huwag na siyang mahiya sa akin. Pagkatapos namin kumain ay nag-usap muna kami.

Napagalaman ko na wala pa palang boyfriend itong si Eve. Nang tinanong ko siya kung bakit ang sagot lang niya ay

"Kasi mam, kailangan ako ng pamelya ko. Para sa bunso kong kapated na nasa highschool pa lang. Eh kung mag bu-boypren ako eh mawawala konsentrasyun ko sa trabaho mam."

Bilib din ako kay Eve. Kaya niyang isakripisyo lahat para sa pamilya niya. I wish I could be like her. Brave, dauntless.

"Wala ka man lang crush, Eve? Kahit naka M.U mo lang?"

I know my question is stupid. But her reaction makes me curious.
Bigla kasi siyang yumuko at parang hindi mapakali sa kanyang inuupuan.

"K-kase m-mam. Ahhm. W-wala pa akong naka emyu. P-pero-" pinutol niya ang kanyang sinabi.

"Pero???" pang- eenganyo ko na tapusin niya

"P-pero, m-may kr-krash ako m-mam. Yung buisniss partner n-ni sir K-Kevin."

LOVE IS...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon