12

183 5 2
                                    

Skinny Love....

I can feel someone staring at me. Kahit nakapikit ako ngayon ay nararamdaman ko ang mabibigat na titig na nilalaan ng kung sinumang nandito sa room ko.

Ayaw kung dumilat pero baka patayin pa ako sa titig ngayon.

"Good morning sleepy head." Baritong boses ang nagsalita at wala ng iba kundi si Kevin

"Hey, wake up pretty lady. May gagawin pa tayo."

I decided to open my eyes dahil narin sa niyuyugyog niya na ako.

"May lakad tayo? Sorry di ko alam. Teka lang....."

"Take your time to prepare. Hindi naman ako nagmamadali." His smiling widely at me. Wait, anong meron?

"And by the way, kanina pa nagbubuzz yung phone mo. It's a message from Karla and Leslie. I told them to call you later kasi tulog ka pa. Ok lang ba?" His smile is making me crazy? What the hell is going on with me.

"Uhm.... okay lang. Sige I'll make calls first then mag p-prepare na ako sa lakad natin." I answered him but I was looking down. His smile is making me weak. Lumabas siya ng kwarto at hindi na lumingon. Ilang araw narin kami dito. And hindi na masyado masakit ang puson ko at baka matapos na ang period ko bukas o sa susunod pa na araw. Natagalan din kasi ako ng tulog kagabi dahil sa pag uusap namin ni Eve. Kagabi lang kasi siya nagkaroon ng oras at alam kong iniiwasan din niya ako ng mkaraang araw dahil alam niya na magtatanong ako. Hindi ko parin maintindihan kung anong nangyari dahil iyak lang siya ng iyak. Maybe we'll talk some other time.


Tinawagan ko si Karla. After 2 rings ay sinagot na niya.

"Yes Good morning Ms. Liz.. Sorry po kung naistorbo ko po kayo kanina. Napaaga yata ang pagtawag ko." Tarantang sabi ni Karla.

"It's okay, saktong time yung pagtawag mo. Tinanghali lang talaga ako ng gising. " rason ko.

"So, ano ang report mo?"

"Okay naman po yung benta ngayon. Yung binili niyo pong tela sa Greece na ginamit niyo po ay mabenta."

Thank God at bumenta naman ang shop ngayon. Worth it ang pagbili ko ng tela sa Greece.

Pagkatapos ng report ni Karla at naligo na ako. 10 minutes lang iyong pagligo ko dahil nakakahiya na kay Kevin. Baka kanina pa iyon naghihintay.

Pinili Kong suotin ay isang faded black flannel shirt na may white sleeve sa loob at ripped jeans. Napahinto ako at napaisip.

Shiz. Hindi ko pala alam kung anong event ang pupuntahan namin. Lalabas na sana ako upang magtanong kay Kevin kung ano ang event nang biglang bumukas ang pintuan.

Pumasok si Kevin na naka white V-neck shirt at faded blue jeans. Naka-sneakers lang din siya. Same as me.

"I guess you're ready, so, let's go." Agad siyang tumalikod at umalis.

Medyo mainit na talaga dito sa cebu. Parang ang sarap mag beach dahil sa init. I'm suddenly craving for ice cream. Ayoko ring lumabas dahil sa init.

Si Kevin ang nagd-drive ngayon. I think he's enjoying his car. Bagong bili niya at a dahil ngayon ko lang nakita sa garage ng mansyon. And it's a Porsche for Pete's sake. Sinong hindi mag eenjoy nyan.

He really looks so young. Parang teenager lang ang age niya. Samantalang ako losyang na yata ang mukha ko. Haha

"Kevin san tayo pupunta? Business meeting?" Mas lalo akong na-curious kasi he only shrugged. Okay, I don't want to spoil his secret baka magalit pa.

LOVE IS...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon