6

186 8 0
                                    

Nightmares

Akala ko na magkakabati na kami pagkatapos ng nangyari kagabi. Pero nagkamali ako. Hindi naman niya ako tinatarayan pero gusto ko na maging magkaibigan kami.

Weird, I know. Na mag-asawa kami pero parang strangers ang tratuhan namin. Blame our parents not us. Kasalanan nila lahat ng nangyayari ngayon.

"Ughh, nasaan na ba ang crop top ko. Naku naman. Ang burara ko talaga."
Aalis ako ngayon. Hindi ko narin siya tatanungin kung sasama siya baka tapunan pa ako ng wine glass.

Napili kong suotin ay Pink Off Shoulder Crop Top at white Roll-up shorts. Nag flat sandals na rin ako dahil mas relax ang paa. Hindi na naman masakit ang paa at kamay ko.

Lumabas na ako ng kwarto. Naka-upo si Prince sa mini bar. Kinuha ko yung sunglass sa table ng mini bar at inilagay sa Red Crossbody bag ko.

"Where are you going?" tanong niya.

"Uhm. Aalis lang ako. I'd like to see the beauty of Santorini. And if may makikita akong mga magandang tela ay bibili ako."
Para siyang si dad. Wooh.

"Cloth? What are you going to do? And do you have money?" takang tanong niya.

Hindi niya siguro alam na clothing line ang negosyo ko. I make dresses, tops etc. for my living. Binibigyan ako ni dad ng allowance every month. But Im proud to say na ako na ang nagbubuhay sa aking sarili.

"It's for my business, and yes, I have money. Don't worry okay." I smiled at him. But he didn't smile back.

I left the hotel. Kung maganda mag-stay sa Santorini, mas maganda kapag lumabas ka. The beaches are so nice. Gusto ko ngang lumangoy pero hindi ako nagdala ng swimwear.

"Ma'am, what color do you want?"

"Do you have a bloody red color? And fuschia? If you have those color, then I'm going to buy it."

"Okay ma'am. If you could wait for awhile. I'm going to get the cloth ma'am."

Tumango ako. Maganda ang tela nila. Siguro kapag gagawa pa ako ng ibang design ay aahon na tong company ko.

Naabutan na ako ng gabi sa kakapasyal sa Santorini. Napadpad pa ako sa ibang isla. Umuwi ako na maraming bitbit sa kamay.
Pumasok ako ng room namin. Pagbaba ko ng mga gamit sa sala ay may narinig ako.

" Mommy! Please! No, go away. Don't go near mom! F***! I said no!! Please just leave her alone. "

Shit. Anong nangyari? Agad akong pumunta sa room ni Prince dahil doon mismo ang pinanggalingan ng ingay.

" Mom, please open your eyes. " magulo na ang kwarto niya. Ang laptop ay nasa sahig na. Dahil sa kakalikot niya na parang hindi siya napapakali. He's having a nightmare. And what am I going to do?

" Mom~ " malumanay na may batid na takot ang pagkakabigkas niya non.

Hindi ko alam ang gagawin. Mababaliw yata ako.

"Mom~ please- "

"Prince, I'm here. Everything's gonna be alright. Just stay calm." putol ko sa kanya, lumapit ako at umupo sa kama. Sa may bandang paa.

He opened his eyes. He eyed me like Im the only water in the desert. He looked like a lost child. I feel like I want to take care of him and make him feel secure.

"Please, don't go. Don't leave me like what mom did. S-stay with me."

"Shhh. I will. I will. I promise. Now, take a deep breath."

Sinunod niya ang sinabi ko. Kung noon, mataas ang tingin mo sa kanya. CEO na CEO talaga ang dating. Pero ngayon, para siyang empleyado mo na napapasunod mo sa kung anong gusto mo. Para siyang tuta na iniwan ng ina. Nakakaawa siya.

He reached for me. Lumapit ako sa kanya pero nakaupo lang ako sa kama. Mas malapit kesa noong una. Tinapik niya ang espasyo sa tabi niya. At pumikit na siya.

Is he asking me to sleep with him?
Sa ngayon, gagawin ko muna ang gusto niya.

Pumunta ako sa kabila ng kama. Nakatalikod siya sa akin ngayon. Hindi ko sinunod iyong tinapik niya kanina. Kundi sa kabila ako. Naghubad ako ng tops and shorts. I sleep only with undies. Buti nakatalikod pa siya.

Humiga na ako. Nakatalikod pa rin siya sa akin. Pero ramdam ko na tulog na siya dahil sa mabibigat niyang paghinga.
I think about what happened kanina. I only know that his mother died. That's all.

Mahal niya ang mom niya. I can feel it. Swerte siguro si Prince dahil mabait ang pamilya niya. Pero nakunan lang siya ng isa. Ang mom niya.

I felt the urge to hug him. Okay lang naman siguro

"Everything's gonna be fine. Sisiguraduhin ko na magiging okay ka sa piling ko kahit di natin mahal ang isa't-isa."

I hug him. I hope he feels better now. Because to be honest, ako yata ang nafeel better when i hug him.

"I love you mom" he mumbled.

"She loves you too. Im sure of that."

I hug him tighter.




I woke up when I felt something in my hair.

"Good morning."
Napaupo ako bigla. Thats when I realize na siya pala yung nakahawak sa buhok ko kanina. Sinuklay niya ito gamit ang kanyang kamay.

"G-good m-m-morning d-din" Damn. I can't help but stutter.

And double damn, he smiled. Gosh.

LOVE IS...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon