Extreme........
10:00 am na ako nagising. Wala na si Kevin sa tabi ko. Tinakpan ko ng maayos ang katawan ko ng kumot. Namumula ang pisngi ko ng may naisip ako sa ginawa namin kagabi. I guess we're really working on making baby #1. Damn, nahihiya na talaga ako sa pinag-iisip ko. I better be working than thinking something green
Pagkalabas ko ng kwarto ay agad akong napamangha sa ganda ng bahay. Halos parehas din ng porma sa bahay sa Oslob. My grand piano pa sa baba na abot tanaw ko dito sa taas. Inikot ko ang bahay. May Gym parin at studio na kagaya sa Oslob, recording at dance studio.
Kumalam ang tiyan ko kaya agad na pumunta ako sa kitchen. Nakita ko si Eve na nagluluto.
"Oh Eve? Ba't ka nandito? Akala ko di kana tutuloy dito dahil titira ka na kay Henry?"
"Bumili lang kami ng ticket na kagaya sa oras niyo mam. Paminsan minsan dito lang muna ako kung okay lang ho sa inyu."
Binaba niya ang nilutong pancakes sa harap ko. Hinawakan ko ang kamay niya.,"Stop with the formalities. Wag ka ng mag ma'am sa akin. You're no longer a maid. Asawa ka ng kaibigan ng asawa ko. So you're just here visiting a friend........."
Napatingin ako sa niluto niya.
".....and cooking some pancakes cause you care for me." Humalakhak ako at ngumiti naman siya
Pagkatapos kumain ay nagpatawag agad ako ng driver para ihatid ako sa trabaho. Sinama ko na rin si Eve para hindi siya ma bored.
Nakita ko ang text message ni Kevin
From : Honey
Hey! I need to go out early and I don't wanna wake you up cause I know you're tired. I have a breakfast meeting today. Be sure to eat before you go to work. I love you :)
P.s. sorry if I invaded your phone I just love to see that my name in your phone is honey. I love you
Namula ako sa ginawa niya. Talaga naman!!!
Nang makapasok ako sa boutique ko ay agad akong binati nang mga employee ko ng Congrats. Ngumiti at nagpasalamat ako sa kanila.
"Dahil sa napakagandang pag handle niyo ng company kahit hindi ako nakahands-on sa inyo for a month or so, ngayong bigayan na nang suweldo at bibigyan ko kayo ng bonus." I owe them a lot.
Nagsigawan naman sila. Pero napansin ko si Trixie na nakatingin lang sa mga employee. Nilapitan ko siya. Gusto kong mag-usap kami.
"Can we talk T? Sandali lang."
Tumungo ako sa office ko ng makita ko siyang tumango.
Pumasok na siya at sinarado ang pinto ng office ko.
"I know you want to talk about Prince."
"You are his first love."
"But not the extreme one."
Napanganga ako sa sinabi niya. Extreme huh?
"You have to talk to him about his feelings. I really don't know. But if he truly loved me, then he won't decide to leave me."
Ngumiti siya sa akin. Reassuring me."And don't worry, hindi ako hahadlang sa inyo." She smiled.
--------
Napansin kong bored na talaga si Eve dahil wala siyang ginawa sa opisina ko kundi ang mag basa ng magazine.
Niyaya ko siyang magmall. Tumango naman siya. Habang nagbiyahe kami at kinausap ko siya.
"Nasaan si baby Heaven? Ba't di mo sinama?"
I find the name of the baby cute. I wonder kung anong name ng magiging baby ko. If ever mabibiyayaan.
"Kasama ni Henry. Gusto daw bumawi ni Henry eh."
Napangiti ako. Sana mag work out sila. They're a good match. I can still feel the spark eh. I don't know with Henry, but well, its their story so ayaw ko ng mangulo.
Nagshopping kami ng mga baby clothes. Pero nalaman ko na matagal nang nakahanda ang mga gamt ni Baby Heaven sa bahay ni Henry. I smiled. He's really a good man. No wonder kung bakit naging magaan ang loob ni Eve kay Henry sa una pa lang.
Then I remember our situation. Me and Kevin. Everything is still messy. You agree right? I don't want to doubt his love for me pero magtatatlong buwan pa lang kami. I still don't get it. But then, kagaya ko. I fell in love with him in that three months.
Hindi ko parin alam ang sinabi ni Trixie sa akin. I want to talk to Kevin but I don't know how and where to start. Maybe this is how love works. Pahihirapan ka muna bago mo maintindihan at malaman kung ano talaga ang nararamdaman mo.
In a relationship, walang perfect. May flaws talaga, and conflicts. Dahil kung hindi ka dadaan sa hirap, hindi. matibay ang pagmamahalan. Parang playing safe lang. That's what I believe.
And maybe, this confusion that I'm feeling right now is part of the test, if this love is extreme and real.
It's not on who's your first boyfriend or girlfriend. It's on how strong you love that person. That you will no longer find for extreme love dahil feeling mo first love mo lang siya dahil first syota mo.
Don't get me wrong! Doesn't mean that I don't love my ex (Liam) . Hindi lang talaga kami para sa isa't-isa.
Damn! I'm crazy! Ano naba itong sinasabi ko.