10

168 5 0
                                    

Photograph...

Kakaalis lang ni Kevin. Nagkunwari akong natutulog dahil wala akong mukhang maihaharap sa kanya. Nahihiya ako.

Pero bago pa siya umalis ay hinalikan niya ang noo ko at sinabing "magpahinga ka princess." sabay halik ulit sa noo ko.

Ngayong kaaalis niya ay nakatunganga lang ako dito. Naghahanap ng magagawa. Hindi na naman masakit ang puson ko. Kung maglinis kaya ako sa kwarto?

Bumaba ako at nakita ko ang isa sa maid nila dito.

"Oh mam! Magaleng na ho ba kayu? Gustu niyu ba ng tubeg? Hende na ho sana kayu bumaba." nataranta niyang sabi.

Natawa ako sa pagbigkas niya ng salita. Pero tama naman ang mga salitang gamit niya.

"Okay lang. Teka, nasaan si Manang Q?"

"Naku mam! Umalis kahapun lang. Bumalek sa probensya. Nagkasaket ang kapated niya. Mabute na rin ng wala siya, wa nay saba." nakakunot noong sabi niya.

Pero hindi ko narinig ang huli niyang sinabi.

"Anong huli mong sinabi?"

"Ha? Naku mam! Wa no! Nabenge lang kayu mam. Gustu niyu bang kumaen mam?" taranta niyang sabi.

Binalewala ko nalang yung sinabi niya.
Pero natutuwa ako sa kanya.

"Ahm! Anong pangalan mo?"

I want to have a conversation with her. She seems so kind and funny. I would really enjoy her company.

"Eb po." nakakunot niyang sabi.

Pero natawa lang ako kasi hindi ko maintindihan ang sinabi niya

"Eb? Tama ba?" nakangiti kong tanong.

"opo., yung kagaya ng nasa saletang ebneng. Yung gudebneng na pambati kapag gabe na." masigla niyang sabi.

Medyo wala akong naintindihan. Hanggang sa napahalakhak ako.

"Haha. You mean Eve? Good evening? Hahaha . Teka Eve lang ba talaga pangalan mo?"

"ebelyn(Evelyn) po. Eb for short."

Hahaha. She's funny. And to tell you honestly, she's beautiful. Kailangan niya lang mag ayos dahil nagmumukha siyang losyang dahil hindi siya nag susuklay.

"Alam niyu mam, maganda po kayu kapag ngumengete. Akala ko strekta kayu. Yun naman pala, mabaet. Ang swerte ne ser sayu." seryoso niyang sabi.

Natuwa ako sa sabi niya. Mabuti naman, at least may isang tao nagsasabi na swerte si Kevin dahil ako ang asawa niya.

"Ano bang klaseng amo si Kevin dito?"

LOVE IS...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon