34

116 3 0
                                    

After 8 months.

Malapit na ang kabuwanan ko. Kinakabahan na ako. Pati narin si Kevin. Nag leave muna siya sa trabaho ng mag 7 months na ako sa pregnancy.

8 months ago nang mangyari ang pagbaril kay Henry. Maraming nangyari sa nakalipas na buwan. Nakakulong na si Leonardo. Sabi niya naman na wala siyang kasama sa pag planong pagpatay sa amin. Si mama naman ay pinagpahinga at isinugod sa psychologist dahil na rin sa naaalala niya ang mga nangyari noong ginahasa siya.

Hindi parin ako makapaniwala na may kapatid ako sa Ama. Pero wala na akong magagawa. It's Gods will.

"Princess, are you okay? You're spacing out." Tunog alala ni Kevin sa akin.

"Yes I'm fine. I'm just nervous."

He smiled at hinaplos ang tiyan ko na ubod ng laki. And it makes me nervous again when I think the reason why my tummy looks like this.

I'm having a twin. Sinuwerte ang mokong at natupad ang wish niya. Pero surprise lang ito. I want to surprise him. I planned everything. Ako lang mag-isa ang nagpa-ultrasound at hindi ko sinabi kay Kevin. At that time doon ko nalaman na twins ang anak ko. So I asked the doctor to give me a fake picture and result for the ultrasound and gave it to Kevin na napasimangot dahil daw di ko siya sinama at bakit hindi twins. Kung alam mo lang Kevin!

I can't help but giggle everytime ini-imagine ko ang hitsura ni Kevin pag nalaman niya na dalawa nga ang laman nito.

"Your tummy is so big Princess." He kissed my tummy.

"Kevin, stop with the twin okay! Isa lang yan. Baka malusog lang si baby." I acted mad but deep inside I'm giggling like a school girl.

Nagdinner kami kasama sina Eve at Henry. Kagaya ko rin na malaki ang tiyan ni Eve. They're having a Baby girl. Halatang halata sa mukha nila ang saya. Kagaya ko. Ang saya saya ko na parang illegal na ang nararamdaman kong saya. Nagpapasalamat ako sa panginoon dahil sa kanya, hindi sana ako ganito kasaya.

---------

"Bro, sigurado ka bang Isa lang ang laman ng tiyan ni Sym? Ang laki naman masyado para sa Isa."

Nandito kami ngayon ni Henry sa garden. Nag-iinuman. Habang ang misis namin ay natutulog na. Nasa guestroom si Eve natutulog.

"I know bro. Pero nakalagay sa test ay isa lang. I believe in my wife." I convinced him. But at the same time I convinced myself.

I don't want to doubt Sym kaso parang hindi ako naniniwala sa part na Isa lang ang baby namin. You know, lukso ng dugo.

"I'm happy for you bro. Its good to see you happy."

Napangiti ako.

"I feel the same way for you. Halatang-halata naman na gusto mo ang empleyado ko noon pa." I teased him.

Tumawa lang siya sa sinabi ko.

"Damn! I can't argue with that."

Everything feels so good now. Thank you Lord, for being with us everyday.

------------

Someone's POV

Tangina! Nakulong pa ang mokong na Leonardo na iyon! Kay simpleng pagpatay lang kay Sym hindi niya ka magawa ng tama.

Kung hindi niya nagawa, puwes, ako ang gagawa.

Hindi pa tayo tapos Sym. Humanda ka.

LOVE IS...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon