Different.....
Dalawang araw na kami dito sa Santorini, Greece. At dalawang araw na simula ng ginawa niyang pagtakot sa akin.
"Shut the fuck up. And don't you ever shout at me. Im the boss here. Asawa lang kita. And I will make your life miserable. And a living hell."
Natakot ako sa mga sinabi niya. Sa flight namin ay hindi ako comfortable na katabi siya. Ang dilim ng aura. Nakakatakot. Para akong nasa horror movie na kung saan lalabas na ang multo.
Pagkatapos ng napakahabang oras ay nakarating na kami sa destination namin. Sa Greece pala kami. Sumakay rin kami ng ferry. At doon ko lang nalaman na sa Santorini kami magho-honeymoon.
Pagkapasok namin sa hotel na tinuluyan namin ay umupo agad ako sa sofa. Ang ganda. Para na ngang bahay tong tinutuluyan namin. Napakalaki ng space. Tumingin ako kay Prince. Nakatitig din siya sa akin. Napayuko ako. Damn.! Hindi ko makakalimutan ang mga sinabi niya kanina.
"Magbihis kana. If you're expecting na may mangyayari sa atin ngayon. Nagkakamali ka. I dont do stuff to a gold digger."
Screw him.
Simula noon ay natulog nalang ako sa kabilang kwarto. Hindi naman din siya nagreklamo. As if, magreklamo yun eh ayaw nga non mapalapit sa akin. Tuwing umaga ay umaalis siya pero pagsapit ng hapon ay nakikita ko siya sa mini bar. Tulala lang siya doon. Hindi ko na pinapansin.
Ngayon, lalabas na ako. Tutal nandito na ako sa santorini. Eh di mag-eenjoy ako sa honeymoon-kuno na ito. Bahala siya sa buhay niya. Ngayon na hindi siya umalis eh nakatutok naman siya sa laptop niya. Business ang inaatupag.
Nag suot ako ng black two-piece at cover-up na Plunge-front Caftan na iniregalo sa akin ni Leslie. Lumabas ako ng kwarto at nakita ko si Prince na nakatuon ang atensyon sa laptop."P-Prince, baba m-muna a-ko. Just wanna try the beach saka napakaganda ng panahon. G-gusto mo bang sumama?" nagbabaka-sakali lang ako na sumama siya para ma-enjoy niya naman ang lugar.
"No thanks, 1 month naman tayo dito. Gusto ko muna magpahinga. And please, don't call me Prince. Its irritating." Okay, palalampasin ko ang Prince thingy. At pahinga? Nagta-trabaho pa rin siya diyan ah.
"Kaya nga diba. Mag-enjoy ka. Magpahinga ka sa trabaho. Para naman ma-relax ka-"
He stood up and tinapon ang wine glass malapit sa akin na hindi ko namalayan na meron pala siya. I immediately closed my eyes. I thought he was going to hit me.
"I said no. Okay? If I said no, you shut your fucking mouth and leave. I want to rest.! And being with you is annoying!"
Nanginig ako. Nagkalat ang mga bubog sa sahig. Dahil sa nataranta ako sa pagsigaw niya ay naapakan ko ang bubog. Sa sakit ng dulot nun, natumba ako at napatukod yung kamay ko sa sahig. Na may bubog
"Aray. Shit." masakit. Malaki ata ang bubog. Tumingin ako sa kanya. Nagbabasakali na tutulungan niya ako dito. Pero ni hindi siya lumingon.
Mamamatay ata ako kapag kasama ko siya.
"Hi Les. Kamusta ang Pilipinas.?" kausap ko ngayon sa skype si Les. Pagkatapos ng incident kanina ay hindi natuloy ang pagligo ko sa beach. Medyo masakit din ang kamay at paa ko. Ang right foot at hand lang naman ang napuruhan pero masakit pa rin. Malaki ang bubog eh
"Okay lang naman. Ang init at ang traffic. Pero okay lang din. Dadating dito si Paulo. Kaya aja lang ang peg ko." she chuckled. In love talaga bff ko.
"Ikaw? Kamusta ang honeymoon. Naka points na ba si Hubby?" ani niya.
"Shut up okay, ayoko sa kanya. At hindi ako papayag na sa kanya ko ibibigay ang you-know-na. Hindi ko siya mahal. Nakakainis siya. Hmp." ugh. I dont want to hate him. But he's doing things that will trigger myself to hate him so much.
"Kalma, okay!? Teka. Chat nalang tayo bukas kasi gusto makipag-chat ni babe. Chat ya bukas. Mwuahhh." umakto pa siyang hahalikan ako. Ang kulit.
"Sige na. Bye. Love you Les. Ingat ka diyan."
"Love you din Lizzy. Enjoy ka diyan. Hi nalang ako sa hubby mo." bago pa ako magmaktol ay in-off na niya ang chat. Hays.
Wala akong ginawa sa kwarto kundi ang maglaro sa laptop ng chess. Hindi ko din magawa ang pag painting dahil sa masakit talaga yung kamay ko. Concentrate ako sa laro ng biglang may kumatok.
Siya lang naman ang kasama ko sa bahay. Malamang siya ang kakatok ngayon.
"P-pasok ka!"
"Kumain ka na. Nagdala ako ng pagkain." woah. Naging mabait ata to ngayon?
He's wearing a white v-neck shirt at faded blue pants. Drop-dead handsome.Okay, siya na ang gwapo. Pero medyo may konting inis pa ako sa kanya.
"Salamat. Ilagay mo nalang diyan. Ako nang bahala. Kaya ko namang tumayo. Hindi ako pilay. Hindi kana sana nag-abala pa." mapait kong sabi.
"Babalik lang ako." abat! Yun lang? Hmp.
Sinimulan ko na ang pag kain ng steak na ibinigay niya. Wow. Ang sarap ng luto ng mga chef dito. Nakatuon lang ako sa kinain ko. Ilang minuto ang nakalipas ay pumasok siyang muli sa kwarto. May dalang medecine kit.
"Tapos ka na ba? Gagamutin ko na yang paa mo."
Tumango ako
Lumapit siya sa akin. Umakto siyang may hihingiin. Parang bata na nanghihingi ng candy.
"Ano?"
"Give me your hand. May sugat ka din diyan dba?"
Tumango ako
Nagsimula na siyang kunin ang mga gamit sa kit. Inilahad ko ang kamay ko. Shit, huwag sana alcohol ang ilalagay niya.
Tumingin ako sa mukha niya. I can clearly see his manly features.
Medyo mapula ang labi. Brown eyes. May pagka-chinito. Medyo mahaba ang pilik-mata. Matangos na ilong. Stubbles. Mukang nakalimutan niyang magshave ngayon. But that did not make him look dirty. It adds the matureness of his face. Para siyang isang god na ibinaba ng Mt. Olympus.Sa sobrang gwapo niya, parang nakakahiya na tabi ka sa kanya. Dapat magandang babae ang kasama niya. Pero kawawa siya dahil ako ang kasama niya ngayon.
"Ouch!. Dahan-dahan naman.!"
"Stop staring at me first. Para mo akong papatayin sa pagkakatitig mo sa akin."
Gosh. He caught me staring. Damot naman nito. Bakit, sa kanya ba ang mata ko.
"K."
Napakagentle ng pagkakahawak niya sa kamay ko. Na para akong mababasag kapag ihuhulog niya.
"Done"
He moved. Sa paa naman siya ngayon.
"Salamat. Nag-abala ka pa."
He didn't even answer me. He just walked away and closed the door.
God. Is that a sign? Na mabait talaga siya? Sign ba yon na iintindihin ko nalang siya. At ipakita sa kanya na mali ang pagkakakilala niya sa akin?. Dahil gagawin ko ang lahat para magbago ang pananaw niya sa akin. Im different. I wish, makita niya.