3

227 7 0
                                    

Mrs.

~The strands in your eyes that color them wonderful

Stop me and steal my breath

And emeralds from mountains thrust toward the sky

Never revealing their depth~

Nakakatawa lang isipin. Yang kantang yan ang gusto kong gamitin sa kasal ko. Gusto ko yan ang tugtog habang naglalakad ako sa isle at nakatingin sa akin ang lalaki na mamahalin ko habang-buhay. Pero iba ang sitwasyon ngayon. Para lang akong nasa theater play ngayon sa school namin. Parang kasal-kasalan lang noong bata pa ako. Acting lang. Acting lang na masaya ako.

~And tell me that we belong together

And dress it up with the trappings of love

I'll be captivated, I'll hang from your lips~

Ayaw kong tumingin sa harap. Natatakot ako. Kaya tumingin ako sa gilid ng simbahan. Sa mga taong imbitado sa kasal na masayang nakatingin sa akin na naglalakad.

Dumapo ang tingin ko kay Liam. Ang lalaking............... una kong minahal.
Tipid na nginitian ako ni Liam. Napangiti rin ako.

"I will forever love you Sym. Please fight for us. Fight for our love." mangiyak na sabi ni Liam

"Im sorry Liam. But we can't be."

Napawi ang ngiti ko nang may humawak sa braso niya...
Ang kanyang asawa.

"Liam, nabisita ka?"

"I just wanna personally give you this."
May inabot siya na papel. After all those years, mabuti close parin kami.

"Invited ka. Nandiyan na din ang motif ng wedding. Just call me when you need something." he smiled. Ngiti ng lalaking napakasaya.

It broke my heart. I should really move on now.

Napakaganda niya. Swerte niya dahil nasa kanya si Liam. Na kung lumaban lang ako para sa amin ni Liam eh di sana siya ang nasa harap at naghihintay sa akin. Pero natakot ako. Naduwag.

~Instead of the gallows of heartache that hang from above

And I'll be your cryin' shoulder

I'll be love's suicide~

Nagtinginan sila sa isa't-isa. Ang sakit lang. Kita sa mga mata nila ang pagmamahalan.

Kung hindi lang sana ako naduwag. Akin sana siya. Pero okay lang. Masaya na siya. Lalo na ngayong buntis ang asawa niya.

~And I'll be better when I'm older

I'll be the greatest fan of your life~

"Anak" bulong ni mom. Hindi ko man lang naisip na nasa tabi ko sila.

Nasa gitna na ako ng simbahan. At doon lang ako napatingin sa mapapangasawa ko.

~ And rain falls angry on the tin roof

As we lie awake in my bed

And you're my survival, you're my livin' proof

My love is alive and not dead~

Nagkatitigan kami. Nakatiim-bagang siya. Tila walang pakealam sa mga nangyayari. Mabibigat na titig ang binigigay niya sa'kin. Napayuko ako. Nahihiya ako sa mga titig niya.
Parang ang liit ko. The way he looks at me na parang may mensahe na binibigay.

Siguro bayaran na ang tingin niya sa akin dahil ang dali ko lang napa-oo sa pagpapakasal sa kanya.
Tumingin muli ako sa kanya. Nabigla ako dahil nakatitig parin siya sa akin.

Iginaya ako ni dad sa lalaking pakakasalan ko.

" Son take care of her. Love her. Protect her and don't ever hurt her."
Napangiti ako. Nag-aalala rin pala si dad sa akin? Himala.

"I will sir. I promise."

"Dad. Call me dad." pagtatama ni dad.

"Yes, dad." ani niya.

"Good."

Kinuha niya ang kamay ko. Ang init ng kamay niya. Para akong protektado kapag hawak niya ang kamay ko. Umangat ang tingin ko sa kanya. Nakatitig rin pala siya sa akin.

"Welcome to my world soon to be, any minute by now, Mrs. Prince Kevin Yu."
ngisi niya. Napasinghap ako. Kapag ngumisi siya ay nakikita ang pagka-chinito niya. Damn. Humigpit rin ang pagkakahawak niya sa kamay ko.

"And also, welcome to hell."

Double Damn.! Lord, help me. Please protect me from this man.

LOVE IS...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon