22

151 4 2
                                    

Maaga akong nagising dahil sa nagugutom ako. Maliit lang ang nakain ko kagabi. Naka-usap ko rin si Trixie kanina. Nagsisimula na raw siya sa kanyang mga designs.

8:30 na at hindi pa rin gising si Kevin kaya inakyat ko na siya sa kwarto. Ang himbing nang tulog niya.

Nakatayo lang ako sa gilid ng kama kung saang parte ang puwesto ko sa higaan dahil doon rin siya nakaharap. So I can make chansing ng palihim. Hihi. May inabot siya sa puwesto ko sa higaan, nang wala siyang maabot ay nagmulat siya ng mata.

Ako naman ay nataranta at nagmadaling umupo sa higaan patalikod sa kanya at inabot ang suklay. Marahang siyang humalakhak at hinawakan ang bewang ko. Di parin ako lumingon sa kanya

"Good morning beautiful. Di mo naman ako ginising" ang husky ng voice niya. Hinalikan pa niya ang leeg ko.

"K-kasi natutulog ka ng m-mahimbing." Ugh meron bang therapy to stop myself from stuttering. I need it badly.

"Why stutter princess?" Tumawa na talaga siya ng malakas

Tatayo na sana ako kaso hinila niya ako kaya nahiga ako sa kama. Kinulong niya ako at nilapit ang mukha niya sa mukha ko.

"Shall we work on baby #1?" Ngisi niya

Sinapak ko ang dibdib niya ng dalawang beses. Hinuli lang niya ito.

"Anong baby #1!!! Bwiset ka!" Napapapikit na ako sa inis.

Tumawa lang siya at ginawaran ako ng munting halik sa labi.

"I love you"

Damn. I can't say it back!

"K-kailangan na nating bumili ng ticket pa-Manila. L-lets g-go?"

Tumayo ako pero ibinagsak lang niya ako uli sa higaan.

"I love you"

"O-okay!"

Okay?? Yun lang ang nasabi ko! Can you blame me? This man is really making me crazy.

Ngumuso siya sa sagot ko at agad tumayo at pumasok sa Cr. Ano yun? Nagtampo?

------

Nakabili na kami ng ticket pero ang mokong di pa rin ako pinapansin. Eeehh!!! Kasi nahihiya ako!!! At Ewan ko ba kung bakit.

"Iha! Pasalamat ka na aalis na kayo bukas. Na-iinis na rin ako sa pagmumukha mo."

Yan ang sabi ni Manang Q bago ako pumasok sa kwarto namin. Di ko na siya pinansin dahil ayaw ko ng away.

Nakahiga na si Kevin at sa tingin ko ay tulog na. Humiga na rin ako sa tabi niya. Nakatalikod siya sa akin. Tampo pa rin siya.

I love you too. And I don't know what's holding me back in saying those words.

Nagising ako sa mga munting halik sa pisngi ko. Nang nagmulat ako at agad naman siyang lumayo.

"Mag-ayos kana, matagal pa ang biyahe natin." May halong tampo pa rin!!!

Nag biyahe na kami at lahat pero di pa rin niya ako pinansin. Kahit nung nag stop over kami para kumain at di pa rin niya ako pinapansin.

Pero nang sumakay kami ni eroplano ay hinayaan niya akong pinilig ang ulo ko sa balikat niya. At hawak pa niya kamay ko. Still sweet kahit nagtatampo. Hmp!
--------

Nakarating na kami sa Manila. Gabi na at pagod na ako. Tinawagan ako ni mom kanina telling me na may kukuha sa amin sa airport at duon nalang daw kami kakain sa bahay. Pumayag na rin ako. I miss mom and dad so much.

Nabigla ako ng nakita ko ang ate ko na may placard na "Prince Yu"
Napanganga ako sa ate ko.

Nanuot ang inis sa akin dahil bigla niyang niyakap ang asawa ko at tumingin sa akin ng nakangisi. Hinalikan naman ako sa pisngi ni ate.

"Welcome back sis. Hi Prince! Musta?"

Nakikita ko ang lagkit nang kanang tingin kay Kevin. Damn. Agad ako ginapangan ng selos kaya pinulupot ko ang kamay ko sa kamay niya. Marking him. He's mine sis.

------

"Dad! Mom!" Agad ko silang niyakap at hinalikan sa pisngi.

"Welcome home son!" Bati ni dad kay Kevin

Iginaya naman kami ni mom sa hapagkainan. We are enjoying chatting with them. Me and mom talking about our honeymoon while dad and Kevin are talking about business. Nakahawak ang kamay ni Kevin sa kamay ko sa ilalim ng mesa.

Pero hindi ko pinalagpas ang panglalandi ng Kapatid ko kay Kevin. Siya ang naglalahad nang pagkain kay Kevin. Habang si Kevin ay pinagsisilbihan ako. Back off sis.

Pagkatapos kumain ay pumunta kami sa garden. Uminom kami ng wine. Nanigas ako ng hinawakan ni ate ang braso ni Kevin.

I need to relax..

"Mom, Cr lang ako."

Tumango si mom at agad akong umalis.

Nang makalabas ako at nabigla ako ng nasa labas si ate Jaime.

"Hey sis. Gusto ko lang sabihin sa'yo na I like Prince. I know pagkatapos solusyunan ang problema natin sa company ay maghihiwalay kayo. I'll make sure na gagapang si Prince sa akin."

Tumalikod siya pero hinuli ko ang braso niya at pinaharap siya. Agad ko siyang binigyan ng malutong na sampal.

"Don't. You. Dare. He's mine ate!"
Galit na talaga ako!

Hinawakan niya ang kanang pisngi at sinabing "Let's see baby sis. May the best girl wins"

She winked at me at bumalik sa garden.
Nagbabadya ang mga luha ko na pumatak pero pinigilan ko. Ilang minuto muna bago ako sumunod sa ate ko.

Na kita ko si ate na umaaligid kay Kevin
Lumapit ako sa asawa ko.

"You tired? Gusto mo ng umuwi?" Bulong niya sa tenga ko.

Tumango ako. Nagpaalam na kami at hinatid kami ng driver ni dad.
I really feel down.

Nang nasa bahay kami niya at hindi ko na pinansin ang kabuuan ng bahay dahil agad akong umakyat. Sumama si Kevin sa akin. Siya na ang nagbukas ng pinto ng kwarto namin. Agad ako humiga kahit hindi pa natatanggal ang sapatos ko.

Tinanggal ni Kevin ang sapatos ko kaya umayos ako at umupo. He massaged my feet. Biglang gumaan ang pakiramdam ko. Nang matapos siya at tinignan niya ako.

He put the strands of my hair aside at hinawakan niya ang pisngi ko. Looking at me dearly. May kung anong dumagan sa puso ko. Kaya I hugged him

Nabigla siya ng humagulhol ako sa iyak.

"Hey princess,,baby, what's wrong?"

"No, nothings wrong." I smiled kahit tumutulo pa ang luha ko.

"Princess.... Damn, stop crying. Sorry kung nagtatampo ako sayo. If that's why your crying." Hinawakan ko ang pisngi niya

"No it's not about that."

Ilang segundong katahimikan. Ako na ang bumasag sa katahimikan ngayon.

"I love you"

LOVE IS...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon