21

147 5 1
                                    

Working on it......

Hindi pa rin matangal sa sistema ko ang sinabi niya kanina.

"When you came into my life and become my wife"

Sinabi ko nalang na pupunta ako sa studio ng bahay para gumamit ng guitar niya. Hindi ko kayang tignan ang mga mata niya na parang sinasakay ako sa ulap. Kanta lang ako ng kanta sa mga alam kong kanta habang gamit ang guitar niya. Mga isang oras na rin ako dito at wala pa akong balak lumabas nang biglang may pumasok sa studio. Akala ko si Manang Q pero si Kevin pala.

Hindi niya ako pinansin sa likod at pumunta lang siya sa amplifier at lumakad at pumuwesto sa gitna. Tinignan niya ako sa salamin at ngumiti. Naestatwa ako sa kinauupuan ko habang tumingin sa kanyang nagsisimula nang gumalaw ang katawan.

*Chivalry is Dead by Trevor Wesley

Napanganga ako sa galaw niya. He's really good though. He moved elegantly. His body is moving slowly in tune with the music. Then it goes fast and then slow. Napakalambot ng katawan niya. Pagkatapos ng sayaw niya ay lumapit siya sa akin.
Hinigpitan ko ang pagkakahawak ng guitar niya.

Alam kong mapula na ang pisngi ko dahil sa hinding malamang dahilan. Humalakhak naman siya nang makita ang ekspresyon ko.

Nang makalapit ay lumuhod siya at inangat ang ulo ko para magkapantay ang tinginan namin.

"Babalik na tayo ng Manila, tapos na ang trabaho ko dito at kailangan mo rin atupagin ang negosyo mo." Ngumiti siya ng mapait.

Why? Bakit ganyan reaksyon niya?

Tumayo siya at tumalikod. Pero bago lumakad paalis ay may sinabi pa siya.

"I hate that you'll get busy and we can't have our time together like what we do here."

Gosh? Ano yun?

--------

Nandito ako sa garden at nakatunganga lang. Bigla kung naalala si Eve. Okay, where is she by the way?

"Mam" agad akong lumingon nang marinig ang boses ng hinahanap ko kani-kanina lang.

May karga siyang bata na napakataba at sa likod niya ay si Henry.

Tumayo ako at sinalubong ko siya ng mahigpit na yakap. Nasa pagitan namin ang bata na talak nang talak nang salitang di mo maintindihan. Bumaling ako kay Henry na napakaseryoso sa likod namin.

"Mrs. Yu, can we talk for a minute. Yung tayo lang "

Um-oo ako at agad namang umalis si Eve sa garden. Umupo ako ulit at iginaya ko sa kanya ang katabing upuan. Umupo naman siya at nagsimulang magsalita

"I know na babalik na kayo ng manila, and Prince told me na isasama niya si Eve. I asked him if Eve can stay in my house but he told me na sayo ako magtatanong nito, so.."

Is he serious with Eve now? Kaibigan ko na rin so Eve at ayaw ko siyang nakikitang nasasaktan.

"Maybe you should ask Eve, not me."

Teka lang....

"How..... How about your girlfriend? You have a girlfriend right?"

Biglang umigting ang kanyang panga sa tanong ko. If nandoon ang gf niya, then sa bahay namin titira si Eve. Ayaw ko sanang manghimasok sa buhay nila pero kung sasaktan rin naman niya si Eve then it's a no no for him

"I don't have a girlfriend. T'was just a fling."

"Then kilala rin pala ni Kevin yang fling mo?" Okay, I think I crossed the line

"No, the only girlfriend he knows that I'm with is Eve."

Huh? So, matagal na palang alam ni Kevin ang tungkol sa dalawa?

"Kaya nandito pa si Eve sa bahay ni Kevin because I want her to be safe. She can be safe with me kaso iniiwasan niya ako."

"I guess dapat kayong dalawa ni Eve ang mag-usap. I'll respect her decision. If she'll agree then fine! You can take her."

Tumayo siya at nilahad ang kamay para makipag-shake hands

Tinanggap ko iyon at sabay na kaming pumasok sa bahay. Naghihintay si Kevin at Eve sa sala.

Naabutan ko si Kevin na hinehele ang natutulog na bata. Pwede na! Pwede na kaming magka-baby! Shiz! Joke lang. Wooh

"Woah! Bro easy na easy lang ah. Misis, gusto na daw ni mister ng baby." Ani ni Henry

Namula naman ako sa sinabi niya.

"We're working on it bro." Binigay ni Kevin ang bata kay Eve at nakipag-apir pa kay Henry. Damn.

LOVE IS...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon