30

124 4 0
                                    

Death Note........




Naalimpungatan ako. Bakit ang init? Malakas naman ang aircon ah. Simula ng namuhay ako kasama si Kevin ay hindi na ako natutulog ng naka-undies lang. Ngayon parang gusto ko maghubad dahil sa init. Sheez. Baka sumakit pa ang tiyan ko.

"What's wrong?" Patay, nagising ko tuloy si Kevin.

"Wala honey, tulog ka na ulit." Ngiti ko sa kanya.

Bumangon siya at tinitigan ako

"Tell me please, gutom ka?" Napangiti na ako ng malaki.

These past few days ay napaka-kulit na ni Kevin. Pero feeling ko siya yung naglilihi. Nalaman ko kahapon sa doctor that there are cases na yung daddy ang naglilihi. Natatawa ako kapag naiisip ko kung akong gusto ng asawa ko.

"Honey, ikaw yata tong gutom. Naiinitan lang ako." Napakunot noo si Kevin. Pagkatapos ay namula. Haha

"I-im not hungry." Asus. Kunwari pa.

"Hali ka hon. Kain tayo ng kanin. Na may halong Ice cream. Vanilla flavor."

"Hmm. Are you teasing me?"

"Of course not! Halika na."

Napangiwi ako habang nakatingin kay Kevin na kumakain ng kanin at ginagawa niyang ulam ay Ice cream. Ugh. Anong lasa niyan? Kumain na rin ako ng fried rice. Paminsan minsan ko siyang tinitignan. Di ko kase maatim na tignan yung kinakain niya

"Princess, iiwan daw nila Henry yung bata dito."

"Oh."

Ngumiti siya sa akin. Parang may nililihim. Or parang excited na ewan.

"Bakit?"

"Anong bakit? You know that they're having their honeymoon." Ngisi niya.

"I mean, parang may something pa na nag-udyok sayo na pumayag."

Napatigil siya sa pagkain ng ice cream with kanin. Ngumiti siya sa akin at nilapitan ako. Niyakap ako ng mahigpit.

"Practice lang sa pagbantay ng bata. And baby Heaven is so cute. Alam kong mas cute pa itong mga baby natin." napangiwi na ako sa mga sinasabi niya sa akin. He still think that we're having a twin. 

Mas naging kumbinsido siya na kambal ang anak namin. Kasi nang makita niya ang anak nila Liam at Alex na triplets lumakas daw luob niya. Like what the hell? Anong conect non?


"Ikaw Kevin ha! Tigil-tigilan mo ako diyan sa Mga baby okay. Mapapatay talaga kita." 

Tumawa lang siya at bumalik sa kanyang upuan at kumain ng malaswang pagkain nya. Thank God hindi ako ang naglilihi.


-------------


"Hello Sym, pasensya kana ha. Naabala ka pa namin. Ito kasing si Henry eh." talak ni Eve.

Kausap ko siya ngayon sa phone. Flight na nila sa Maldives para sa honeymoon nila. Samantalang ako ay naghihintay sa pintuan dahil paparating na daw si baby heaven.

"Naku! Okay lang Eve. Magkasabwat yang dalawa eh. Sabi ni Kevin gusto niya magpractice. May point naman siya." 

"Sigurado ka bang di niyo na kailangan si Melissa?" si Melissa ay katulong nila.

"Ano ka ba. Marami kami rito no. Si Inday, si Sia, ako at Kevin kaya okaay lang yan si baby Heaven." 

"Salamat talaga Sym. Alis na kami. Kukunin din namin si baby Heaven diyan pagkatapos ng isang linggo. Mamamasyal daw kami sa Hongkong. Para bonding na rin at para di na kami maka-abala sa inyo."

"No problem Eve! Enjoy! Pagbalik niyo may baby bunso na ha!!! Tsaka pasalubong ko"

"OO na. bye" tawa niya.

-----------

"ti-ta!" ani  ni Heaven

"Very good baby." kanina ko pa kausap si Heaven. Nasa office  pa kasi Kevin. May inaasikaso.

Tawa ng tawa ang bata habang kinikiliti ko sa bewang. Wala yatang pagod tong batang to. Napaangat ako ng tingin ng may narinig akong mga yapak. Finally, at lumabas na si Prinsipe sa kaharian niya. I rolled my eyes ng tumingin siya sa akin. Tawa lang ang naging reaksiyon niya.


"Hi baby Heaven, say 'ti-to'" anyaya niya kay Heaven. 

Tumitig lang si Heaven at hinawakan ang pisngi ni Kevin. Napatulala ako sa nangyari. The scene is just so sweet. Kinuha ko ang cellphone ko at kinuhaan sila ng picture. Pagkatapos ay narinig ko nalang na tumawa si Heaven at nagsalita na napa-nganga sa akin

"T-to! Ti-to! *giggle*" 

Ngumiti si Kevin at hinalikan sa pisngi. Ang unfair! ako kanina ko pa kinausa yung bata. Hindi naman siya bulol. Nakakasalita na siya. Pero kanina di niya talaga ako pinansin. Ang laruan niya lang ang tinitingnan niya.

"'To! san nay?" nako hinahana na ng bata ang nanay.

"Umalis muna siya saglit kasi gumagawa sila ng baby para may sister kana." hinampas ko ang mokong. Ngumisi lang siya.

Tumango tango naman ang bata na parang naintindihan niya ang sinabi ni Kevin at bumalik na siya sa paglalaro ng sasakyan.

--------


"Ma'am may letter po para sayo." nilahad ni manong gaurd ang letter sa akin

"Salamat manong." umakyat ako sa kwarto namin para tignan kung tulog pa rin ba si baby Heaven 

Nang makita kong tulog pa ang bata ay agad akong umupo at binuksan ang letter.

To: Mr and Mrs Yu

        Hi you asshole and bitch. You can't run anymore. Be ready to walk in hell. LxJ


May naka-attach pang mga picture sa loob. Shit! mga picture ko noong nagpa-check up ako. Picure namin ni Kevin sa loob ng bahay. pati narin noong nasa Oslob. Nabitawan ko yung hawak ko at napaiyak. No! hindi ito pwede.


Pumasok si Kevin at tinignan ang mga papel na nakakalat sa higaan. Napanga-nga siya at umiging ang panga.

"K-Kevin...." nanginginig kong sabi.

Lumapit siya sa akin at niyakap ako.

"We're safe. Walang makakahawak sayo at a baby natin"

"P-pero may picture sila dito sa loob. Hindi na tayo safe Kevin!" napa-iyak na ako,

"I'll do everything to keep you and the baby safe. I promise." 


I feel safe whenever he hug me. I trust him. I guess we'll be fine.

LOVE IS...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon