1

433 7 0
                                    

White........

Puti..........
Yan ang nakikita kahit san man ako tumingin. Mga babaeng nagbibihis ng magagandang damit na kulay puti. Mga alahas nila ay nakabalandra sa mesa. Napakaganda ng mga ito. Kapag susuotin mo ang mga iyon ay napakamahal mong tingnan.

"Lalagyan na kita nito iha ha." Nakalimutan ko, kasali pala ako.
"Sige." yun lang ang nasabi ko.
Nakapaskil ang magagandang ngiti sa kanilang mukha. Ang sasaya nila. Pero bakit ganito ang nararamdaman ko?

"Napakaganda niyo ma'am. Ngiti naman kayo jan." Sabi niya habang nakatingin sa'kin sa salamin. Pero ni hindi nga kumibot ang labi ko.

Tinitigan ko ang aking repleksyon. Masaya nga ba ako? Kakayanin ko ba ang lahat ng ito? Kapag gagawin ko ba to, magiging okay na ang lahat?

"Anak, nandito na ang driver. Halika na. Naghihintay na sila sayo." sabi ni mom. Napakaganda ng kanyang suot. Halata ang saya niya sa mga nangyayari ngayon. Pumasok na kami sa sasakyan kasama si dad. Halata rin ang kanyang saya ngayon. Hinagkan ako ni dad sa noo.

"Finally princess, magiging masaya ka na. Mapapanatag na ako, dahil nasa mabuting kamay ka na. Mahal ka namin ng mom mo kahit ikakasal ka na. Be a good girl okay."

Tipid na ngiti lamang ang naibigay ko. Dun ako nagising sa katotohanan. Ikakasal pala ako. Sa lalaking hindi ko naman mahal. Napakabilis ng mga pangyayari. Dahil lamang sa pera, nangyari ito lahat. But damn! For the sake of mom and dad. Gagawin ko lahat.

LOVE IS...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon