Officially.....Symphony Liz Delapaz-Yu. Officially.
Naiwan ako dito sa table namin na nasa stage. Nasa reception kami ngayon ng isang tanyag na hotel. Nakikipag-usap pa kasi ang asawa ko sa mga kaibigan niya. I can't believe it. At the age of 23 ay kasal na ako. Natapos ko ang aking pag-aaral 2 years ago. And hindi pa umaasenso ang business ko."Lizzy!!" Nabigla ako sa sigaw na 'yon. Ang napaka-ingay kong bff na si Leslie. Magclassmates na kami since nursery hanggang highschool. Same school parin kami ng college pero iba ng course.
"Leslie! Akala ko di kana dadating. Bakit late ka?" kunwaring naiinis ako sa kanya. Haha.
"Siyempre kararating ko lang galing US. At....." nailang siya at hindi tumingin sa akin. Nabitin ako sa sasabihin niya.
"At??" pilit ko sakanya.
"Hindi ko kayang makita na ikakasal ka na........ Sa taong hindi mo naman mahal." shoot. Bull's-eye.
Napatingin ako sa paligid. Baka may makarinig pa sa kanya. Ma-issue pa ako.
"Leslie! Hinaan mo ang boses mo. Baka may makarinig."
"Sorry lizzy. Di ko kaya. Nang narating sa akin ang balita na ikakasal ka, naiyak ako. Dahil alam ko, hindi ka parin nakamove-on sa kanya." tumingin siya sa direksyon kung saan naka-upo ang mag-asawang Liam at Alexandra.
"Tama na Les! Okay na ako. Nakamove-on na ako. Masaya na ako ng nakikita siyang masaya. Pwede ba, iba nalang ang topic natin." Liar. I'm a big fat Liar.
"Okay, uhmm. May aaminin din pala ako sayo."
"Ano naman yon ha Les?" na curious naman ako.
"May boyfriend na ako. And sinagot ko lang siya kahapon. Matagal na rin niya ako niligawan Liz. Mahal ko naman talaga siya. Takot lang talaga ako sumugal sa pagmamahal." litanya niya.
Nabigla ako. At, napaiyak. Matagal ko nang gusto na magkaboyfie na ang bff ko. Ang laki kasi ng galit niya sa mga lalaki simula noong iniwan siya ng tatay niya. Saksi ako kung paano nasaktan ang bff ko. Kung pano din niya simulang magalit at mainis sa mga lalaki. Except kay Liam. Naniniwala siya na iingatan ako ni Liam. Pero ako lang sumira sa kung anong meron kami noon.
"Gosh Les, I'm so happy for you."
Naiiyak na ako dito. Para na kaming timang na nag-iiyakan."Awwww. Huwag kanga umiyak diyan. Masisira ang make-up mo. Papangit ka lalo." talaga naman. Maganda kaya ako. Hahaha. Gumagaan talaga ang loob ko kapag kasama ko siya.
"Sorry for interupting ladies. Pero tinatawag na tayo ng MC para sa pagslice ng cake,.......... Wifey."
Wifey. Damn it. Did he just call me wifey???
"Pero lizzy. Gwapo ang asawa mo ha." habol at pabulong na salita ni bff pero narinig ata ni Prince kaya nag smirk siya. Shit. Ang gwapo niya.....
Wait, did I just say na gwapo siya?
"Lets go? Naghihintay na sila sa atin."
Naglahad siya ng kamay sa akin. Tinanggap ko iyon.Ayan na naman ang pakiramdam ko kapag hawak niya ang kamay ko. Para talaga akong protektado. Bakit ganito?
Okay nalang din. Atleast secure ako sa mapapangasawa ko. Kesa sa ipakasal ako kay Mr. Hari.Nagslice na kami ng cake. Enjoy na enjoy lahat ng mga imbitado ngayon sa party. Nagkakainuman na rin at may iba na lasing na. Gaya ni Ate Jamie. Ang ate ko. Kasi kasalukuyang, nilalandi niya si Prince. Hindi man lang nahiya. Asawa ko pa talaga ang nilandi.
Oh well, okay nalang din. Kesa sa ako ang pagbuntungan ng kalasingan ni ate."It's time to go. The car is waiting outside."
Nabigla ako ng marinig ko ang baritong boses niya. Napakalambing niya magsalita. Akala ko kasama niya pa si ate."Aalis na tayo? Pano sila?" iiwan namin sila dito? Really?
"They can handle theirselves. And the wedding organizer are there to guide them. And if we'll wait for them, malelate tayo sa flight." ngiti niya. He really looks good especially when he's smiling. But wait, did he just say flight? Aalis kami?
"Wait, what??? Aalis tayo? San tayo pupunta? Bakit tayo aalis? Diba nandito lang naman ang bahay mo sa Manila? Eh bakit may flight tay-"
Naputol ang sasabihin ko kasi nilagay niya ang hintuturo niya sa labi ko. Para matigil sa pagsasalita."Ano bang sunod na gagawin ng bagong kasal pagkatapos ng kasal nila ha?." tanong niya pero alam kong alam niya ang sagot.
Napaisip din ako.Ano nga ba?? Uhmmm.. Pagkatapos ng reception..... Aalis ang mag-asawa para sa honeymoo-
Shit. Oh my gosh. No way."He-he-he. Mag ho-honeymoon b-ba t-t-tayo?" pagak kong tawa at nauutal kong salita. this is so not happening to me. I swear. Magpapakamatay muna ako. Ugh
"Exactly honey. Honeymoon it is" and he chuckled. Oh no. No no no.
Never.!!!! Ayaw ko.Damn!
Naglakad na kami papuntang sasakyan. Limo pa talaga. Mayaman nga tong lalaking ito.
Bago ako makapasok sa sasakyan ay may humawak sa braso ko.
Si ate Jaime."Swerte mo, ang gwapo ng asawa mo. Pero, maghihiwalay lang kayo sa huli. Sino ba naman ang gustong makapiling ang isang katulad mo na malas. ...
Bye sister. Enjoy, habang kayo pa. Haha" bulong ni ate. Walang nakarinig dahil medyo maingay ang iba."Lets go. Hon."
Mabuti nalang iginaya na ako ni Prince sa sasakyan.Pero ng pumasok kami ng sasakyan ay binitawan niya ang kamay ko. At ito ang binitaw niya na mga salita.
"Ang dali mo palang mauto. Siguro tinanggap mo ang pagpapakasal sa akin dahil mayaman ako. Makakabenefit pa ang pamilya mo pati ikaw, right?"
What the freaking hell!, ano ba ang pinagsasabi niya?
"Nagkakamali ka ng iniis-"
"Do you think maniniwala ako sayo. Pareho lang kayo ng mga babaeng nakilala ko. Pera lang ang habol. Gold digger." galit siya.
"Kung hindi mo pala gustong magpakasal eh di sana tinanggihan mo. Pinaabot mo pa ng ganito. At sana tinanggap nalang ng pamilya mo ang partnership para hindi tayo humantong sa ganito. At hindi ako gold digger!" napapataas na ang boses ko sa bawat pagsalita ko sa kanya.
"Shut the fuck up. And don't you ever shout at me. Im the boss here. Asawa lang kita. And I will make your life miserable. And a living hell."
Gusto ko nalang umiyak. God, help me. Protect me from him. Nagkamali ako sa secure na sinasabi ko kanina. So wrong.
