7

189 4 0
                                    

Past...

"Uhm, magluluto lang ako." sabi niya. At tumingin siya sa akin at pababa.

Shit. Naka-bra at panty lang ako. Dali daling humanap ako ng pantakip. At unan lang yung mas malapit. Nasa paanan pa yung kumot. Agad ko iyong pinangtakip.

"S-sige." oh my. Ako na talaga si Ms. Stutter 2015.

He chuckled and get up. Ang bagal ng kilos niya. It's obvious na he's enjoying my discomfort.

"Uhm Kevin. P-pakibilisan kasi mag b-bi-bihis pa ako!" medyo pasigaw ko nang sabi. Nakakainis. Pero mas nangingibabaw ang pagkakahiya ko.

"Oh sorry. My bad."

tinungo na niya ang pintuan. Akala ko hindi na siya lilingon kaya binaba ko ang unan. Pero ang mokong bumaling ulit sa akin. Kaya kinuha ko ulit ang unan at tinakip ulit sa katawan ko.

He walked out of the room laughing. Damn.

After ng morning ritual ko ay lumabas na ako. Naamoy ko agad ang niluto ni Kevin. Naalala ko pala. Ayaw niya nga pala na tawagin siyang Prince kaya Kevin na ang tinatawag ko sa kanya.. Ewan ko kung bakit. Ayaw ko rin naman magtanong.

I saw him in the kitchen nakatalikod and topless. His muscles are flexing every single move he make.

Sandaling napatunganga ako sa katawan niya. Pang modelo ito. Medyo maputi siya. Bagay siyang pang modelling.

"Done checking my body Mrs. Yu?"

Mrs. Yu , paulit-ulit itong tumatakbo sa isip ko. Ughh. Nakakahiya na talaga tong mga pinag gagawa ko.

"H-hindi ako nakatingin sa katawan mo ha! M-may dumi lang sa likod mo, k-kaya ako napatitig." yeah, I know. Lame excuse.

"Really Mrs. Yu? Would you please clean it for me? Hindi ko alam kung saang parte ang tinutukoy mo." damn. Nakataas ang kilay na hinamon niya ako.

"H-ha? Maliligo ka naman maya-maya kaya sa pagligo mo nalang tanggalin." wooh. Galingan mo Sym.

"Okay, hahaha"

Nilagay niya sa mesa ang pagkain na inihanda niya. Bumilog ang mga mata ko ng makitang omelet iyon. My favorite ever since bata pa ako. At yan na talaga ang kinakain ko tuwing breakfast.

"Dali! Kain na tayo!" maligalig kong sabi. Kapag breakfast at ito yung handa, wala na akong pakialam sa mundo.

Umupo na ako, at nagdasal. Pagkatapos ay lumamon na ako. Nang marami na ang nakain ko, dun ko lang pinansin si Kevin.
Nakatitig siya sa akin at pinaglalaruan lang ng kutsara niya ang pagkain.

Nahiya naman ako. Kasi nakita niya kung gaano ako katakaw.

"Pasensya kana ha. Hindi na ito mauulit. Gutom lang talaga ako."

"It's okay." oh? Bat ba naging tahimik na siya ngayon?

Hindi ko mapigilan na magtanong sa kanya.

"Uhm, Kevin, are you okay? Kasi hindi mo pa ginagalaw ang pagkain mo."

LOVE IS...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon