25

142 4 0
                                    

Happy........

Hinihintay ko na dumating si Leslie and Liam. Hindi ko alam kung isasama niya ang asawa niya. Inatupag ko ang pagdating nila at hindi ko muna pinansin si Kevin. I still don't know how to react sa lahat ng sinabi niya kagabi.

Nandito ako sa sofa, nakahanda na ang pagkain sa dining area. Habang si Kevin naman ay nasa office niya.

"Mrs. Yu nandito na ho ang bisita." Sigaw ni inday.

Tumayo na ako at napatigil nang makita kong papalapit si Kevin sa akin.

"Hey" hinagkan niya ako sa noo.

"Hi" I answered, breathless.

He smiled sweetly, and stare right through my eyes. Alam kong namumula ako ngayon. Lahat ng sinabi niya sa akin kagabi ay nagbalik sa aking isipan.

"Noong sinabi nila kung kanino ako ikakasal hinanap ko agad. I..... I became your stalker for the past five years."

This man, my husband, my stalker for five years. Nakakatawa lang isipin. Wait, so he knows about Me and Liam before?

"We have visitors today, sorry di ko nasabi kagabi."

"It's okay princess, si Leslie?" Hinila niya ako ikinulong sa kanang bisig. Pinning me in his arms. It felt home. Ang mukha ko ay nasa dibddib niya. Ang bango niya.

"Hmm, si Leslie at si....... Liam" naramdaman ko ang paghigpit nang kanyang yakap.

I looked up and saw that his jaw tensed. I think he doesn't like Liam. Well, bahala siya.

"Oooooohhlala. Lizzy naman, ang bisita muna ang atupagin."

Naitulak ko ng bahagya si Kevin. Tumingin ako sa pumasok. Ang bestfriend kong baliw. Sumunod na pumasok si Alexandra na sa tingin ko ay malapit na ang due date dahil malaki na ang tiyan. Naka-alalay sa kanya si Liam.

Bigla kong naramdaman ang kamay na pumulupot sa bewang ko. Bumaling ako kay Kevin na nasa iba naman nakatingin. Kay Liam.

Lumapit si Les sa akin at hinalikan ako sa pisngi. Napangiti ako.

"Hi Sym. Long time no see. You seem...... Happy and blooming!" Ani ni Alex

Namula ako sa sinabi niya. She too, is happy and blooming. Hinalikan ko siya sa pisngi. Naka-alalay pa rin si Liam sa kanya..

"Hi there stranger." Liam smirked. Tumawa naman ako.

Humugpit ang pagkakahawak ni Kevin sa akin. Tinignan ni Liam ang kamay ni Kevin sa aking bewang at pagkatapos ay tumitig sa akin at ngumisi.

"Hali kayo, handa na ang pagkain."

"Yes! Walang pagkain sa amin kaya nakikisawsaw ako dito." Ngiting aso ni Leslie.

"Baliw! Dinamay mo pa kami ng asawa ko. Akala ko may pag-uusapan tayo!" Inis na utas ni Liam.

"Mayroon nga. Just wait! Kakain muna tayo.!" Tumalon talon pa ang bruha.

Mapapailing na talaga ako sa babaeng to.

Nagsimula na naming kumain at nagkwentuhan.

"Kailan due date mo Alex?" Tanong ko.

"Next 2 months pa." Napanga-nga ako sa sagot niya.

"Ang laki na niyan ah!"

"Triplets" simpleng sabi ni Liam sa akin at mas lalo akong napanga-nga.

Tumawa naman si Leslie at kinantyaw si Liam.

"Naku! Naku! Alex. Mag-iingat ka diyan kay Liam! Baka Quadruplets na ang susunod."

Namula naman si Alex. Ako at si Kevin ay napatawa na rin. Ito talagang si Leslie!

Nag-usap naman si Liam at Kevin about business. Akala ko, hindi papansinin ni Kevin si Liam. Buti naman at nagkasundo.

Nagligpit na ako sa kinainan namin at sila ay dumiretso sa garden. Kevin guide them papuntang garden. Nagpaiwan muna ako para magligpit. Nag volunteer rin si Liam na tumulong. Naningkit ang mata ni Kevin pero wala siyang nagawa dahil nagtanong na si Leslie kung nasaan ang papuntang garden. Naiwan kaming dalawa ni Liam.

"You look different." Napatingin ako sa sinabi ni Kevin.

"What do you mean by that?"

"You look very contented."

"I am"

"You already love him?"

Napatigil ako sa ginagawa ko.

"You know what I'm happy for you."

"I..."

"I can see that you love him. And He's badly smitten by you. You both got it bad." Tumawa siya. Napatawa na rin ako.

"Yes, I love him."

Ngumiti siya.

"Gumawa na kayo ng baby. Para may soulmate na ang anak ko." Napaismid ako sa sinabi niya. Tumawa lang siya.

Pumunta na kami sa garden.Biglang tumayo si Leslie. May wine na rin na nakalapag

"So, ang gusto ko lang naman sabihin ay.... Congratulations Lizzy! I love you." Humagalpak na siya sa tawa. Tumawa na rin ako at ang iba except kay Liam.

"Fuck! Yung lang? Alam mo bang mag q-quality time sana kami ng asawa ko. Damn!" Malutong niyang mura.

"Lizzy oh! Minumura ako ni Liam. Alex! Ipagtanggol mo ako!" Natatawang sabi ni Leslie.

"Baka madadagdagan ang laman ng tiyan ni Alex niyan Liam." Napanganga ako sa sinabi ni Kevin.

Tumawa na ng malakas si Leslie

"Yes! May sense of humor rin pala si Prince." Ani ni Leslie

Tumingin ako kay Liam thinking na baka napikon. Pero nakatingin siya kay Alex ng nakangisi.

"That's a good idea." Namula si Alex at sinapak si Liam.

"Ako pa naman ang pinaglilihian niya!" Proud na sabi ni Liam.

Walang tigil na tawanan ang nangyari. Nalasing pa si Leslie.

Tinawagan ko na si Paulo, ang boyfriend ni Leslie para maiuwi na ang bruha.

Matapos makauwi ang lahat. Umakyat na kami ni Kevin sa kwarto.

"He's really in love with Alex." He's referring to Liam

"Yes, I'm happy for both of them"

Umupo siya sa higaan at tumitig sa akin.

"Do you regret breaking up with him?"

Hindi ko napigilan at lumapit ako sa kanya at hinaplos ang mukha niya.

"N-no"

"You're even stuttering wife." He smiled weakly.

"No Kevin. I don't regret it."

"Really?" He sounds hopeful

"Yes. And I also have my doubt! Do you regret breaking up with T?"

"No" he said firmly.

" What do you want me to do for you to believe me?" He asked

Siya naman itong humaplos sa pisngi ko.

"I love you."  Basag niya sa katahimikan.

"I love you too." I answered.

Ngumiti siya. His sweet shy smile. And I melt. Hinalikan niya ako sa labi. Doon na ako napangiti.

Nag usap lang kami ng ilang oras. Nalaman ko na 43rd anniversary pala ng company nila. And pupunta kami bukas.
Nakita ko sa mukha niya kung gaano niya kamahal ang trabaho niya. And I love that about him.

God, thank you for giving him to me.

LOVE IS...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon