Jess' POV
Nandito ako ngayon sa harap ni mama at ng tatay ko habang kumakain kami ng hapunan. Hindi ko maisubo ng maayos ang kutsara sa bibig ko. Kase naman tuwing isusubo ko ang kutsara sa bibig ko ay ngingisi ng ngingisi si tatay shone.... Shone ang pangalan niya. Hindi ko pa pala nasasabi sa inyo ang pangalan ng tatay ko kase naman wala akong balak alamin kundi lang sa akin sinabi ni mama ang pangalan niya ay baka di ko pa siya nakilala.
"Anak bakit ganyan ka kumain? Meron bang nangyari. Kase parang di ka mapakali dyan" nag-aalalang tanong ni mama.
"Ok lang po ako ma, napagod lang siguro ako kanina sa pagpunta ko sa bahay ng kaklase ko" ang pagsisinungalin ko kay mama.
Sa totoo lang hindi naman talaga ako nagsisinungalin kay mama. Ngayon lang. Ngayon ko lang kase nakita ko kung gaano kasaya ang mama ko. Tinanggap niya ako ng buo. Siguro naman ay may karapatan din naman siyang lumigaya. Magmahal ng tao na walang humahadlang kahit ang kapalit nito ay ang pagdurusa ko.
"Ganun ba anak? Kumain ka kaya ng marami para naman lumakas ka at para di ka mabilis mapagod"
"Oo nga ANAK ayoko pa naman na nag-aalala ang mama mo. Mahalaga ka na rin sa akin kaya kain ka lang ng kain diyan ha" ang malambing na sabi ng tatay ko.
"Tingnan mo na anak ang swerte swerte ko sa tatay mo. Maalaga na, mabait at mapagmahal pa. Tinanggap ka niya kung ano o sino ka. Paano nalang kung ibang lalaki yan baka hiniwalayan na ako at sinaktan ka pa at hindi naman ako papayag doon. Lalaban na ako kapag ganun" ang pagmamalaking sabi ni mama.
Napangiti lang ako sa sinabi nito. Talagang mahal na mahal niya si tatay shone at yun ang ayokong mawala sa kanya kahit ang katotohanan eh mas masahol pa sa demonyo ang ugali niya.
"Mahal kita kaya dapat mahal ko din ang mahal mo. Di ba jess?" Sabay tingin sa akin ni tatay shone. Nanlilisik ang mata nito na parang sinasabing sumakay nalang ako.
"Opo ma, mabait po si tatay shone" ang pilit na ngiting sinabi ko kay mama.
Ngumiti lang si mama habang naka ngisi ng todo si tatay shone.
Matapos kumain ay nag presenta si mama na siya na daw ang maghuhugas ng aming pinagkainan.
Umakyat na ako papunta sa kwarto ko. Pero bago palang ako papasok sa pinto ng bigla namang sumulpot si tatay shone mula sa likuran ko. Kanina pa pala ito naka-sunod sa akin.
"Subukan mong mag salita ng mga masasamang bagay tungkol sa akin sa mama mo at makikita mo kung paano ka maghihirap" ang pananakot ni tatay shone at umalis na siya sa harap ko.
Andito ako ngayon sa kama ko habang nakatingin sa kisame. Habang buhay ba akong magiging ganito sa piling ng bago kong tatay?
Napa buntong hininga nalang ako. Para kay mama. Magtitiis ako. Hanggang sa makatulog ako.
...........................
Andito ako sa canteen kasama ko ang kaibigan kong si leslie. Gay din siya at masasabi kong may itsura din siya. Ricardo Astrera ang pangalan niya kaya lang masyado daw macho, kaya leslie nalang para may awra.
"Sis ang lalim naman ata niyan" ang sabi ni leslie. Ganito talaga to baklang bakla at tanggap na sya dito sa school namin. Ewan ko ba diyan. Ang daming manliligaw eh ni isa sa kanila di niya sinagot.
Buti pa nga siya kase di niya nararanasan ang nararanasan ko ngayon. Masaya ako for him.
"Wala 'to. Dont mind me ok?" Ang sabi ko habang naka-ngiti.
"Teh, alam kong si Marcus lee ang may kagagawan niyan sayo. Ang chaka mo dun ha! di ko keri ang ganun. Tinalo mo pa si elsa inunahan mong mag let it go ng feelings mo para sa kanya"
"Sis bakit ganun? Naging totoo lang naman ako sa nararamdan ko ah" ang sabi ko sa kanya.
"Sis naman. Straight si marcus tapos campus crush siya. Siyempre magagalit yun kase masisira ang pangalan niya. Ok sana kung babae ka kaso hindi eh"
"Yun nanga eh, ang unfair lang. Sis paano kaya kung baliktarin ang sitwasyon. Babae sa babae at lalaki sa lalaki lang ang normal sa mata ng tao siguro mararanasan din nila ang maging kakaiba at masaktan diba?" ang makatwirang sabi ko sa kanya.
"Sis, meron talagang mga taong makikitid ang pag-iisip. Sasabihin nilang imoral at masama sa mata ng Diyos ang tulad natin. Minsan gagawin pa nilang excuse ang Diyos para sabihin sa tulad natin na masama tayo. Bakit alam ba nila ang nasa isip ng Diyos? Sila ba hindi makasalanan? Straight nga sila pero walang ginawa kundi magnakaw o manloko at manghusga at mang manipula ng kagustuhan ng isang tao. Hindi ba kasalanan yun? Eto ba yung pinagmamalaki nilang natutunan nila? Diba hindi? Ganun talaga ang mundo. Merong masasama at meron ding mabubuti. Kahit anong gawin mong maganda sa mata nila kung ayaw ka nila ayaw ka nila" ang maka-buluhang paliwanag ni leslie. Ngayon lang to.
"At isa pa teh, hayaan mo na si marcus ang dami naman diyang boylet. Meron namang nanliligaw sayo pero ayaw mo bigyan ng chance" hala sino? Di ko na matandaan. Meron ba?
"Sino naman yun?" Ang di ko maiwasang itanong.
"Ayun oh si yohan. Gwapo na mabait pa" ang sabi ni leslie sabay turo sa likuran ko.
Napatingin naman ako sa likuran ko. Nakita ko siyang nakatingin sa akin kasama niya si marcus. Oo nga pala mag besfriend silang dalawa.
"Straight yan sis. Trip lang ako niyan. Ginagawa lang niya yan dahil utos yun ng leader nilang si marcus" totoo naman eh.
"Ewan ko sayo sis tara na oh, ang dami pang kakain"
Tumayo na kami at naglakad papauntang exit ng canteen. Ang masama lang dun eh andun din ang grupo nila marcus malapit sa exit.
Nagpatuloy nalang kami sa paglalakad at di na lumingon pa. Nang malapit na kami sa exit eh bigla nalang akong tinalapid ni marcus kaya bumagsak ako sa sahig at napasubsob ang mukha ko.
Dumugo ang nguso ko. Di ko na mapigilang tumulo ang luha ko. Umiyak ako ng umiyak kahit mag mukha na akong tanga sa harap ng maraming tao.
Lumapit sakin si marcus.
"Di ko sinasadya" ang sabi niya.
Di ko napigilan ang sarili kong sampalin siya ng malakas.
Nagulat siya sa ginawa ko.
"Di mo sinasadya? Di mo sinasadya ha!" Ang sigaw ko dito "Kung lahat nalang ng bagay ay sasabihin mong di mo sinasadya. Sorry di ko rin sinasadyang sampalin ka. Pagod na pagod na ako. Pagod na akong masaktan. Pagod na akong intindihin kayo. Di ko na alam kung meron pa akong awa sa sarili ko" nakatitig ako sa mga mata niya habang sinasabi iyon.
Napakuyom siya ng kamay at tinaas niya ito.
Kita ko sa mata niya ang galit.
"Sige ituloy mo! Ituloy mo! diyan ka naman magaling eh. Ang manakit ng tao. Di ko naman hiniling na mahalin mo din ako. Pero bakit kelangan mo pa akong ipahiya ha!" Punong puno na ako. Di ko na kinaya pa.
Napakikit nalang ako habang hinihintay kong tumama ang kamao nya sa mukha ko. Di ako aalis. Di ako iilag.
Hinintay ko ang kamao niya pero.....
Pero....
Naramdaman ko nalang ang dalawang kamay nito na bumalot sa katawan ko. Niyakap niya ako.
Biglang bumuhos ang luha ko at di ko na rin maiwasang yumakap pabalik sa kanya.
"Sorry kung nasaktan kita. Natakot lang ako sa nararamdaman ko para sayo.
.......... Pero ang totoo mahal din kita jess"
................................................................
Achu chu hahahaha...
Comment and vote naman po kayo para malaman ko if maganda o pangit sya :)
BINABASA MO ANG
Mali bang magmahal? (BoyxBoy) - COMPLETED!
RomanceAko si Jess, labing limang taong gulang. Isa akong bakla at hindi marunong magmahal. Paano kung sa mura kong edad ay magmahal ako ng tatlong lalaki. Lalaking matanda sa akin, lalaking una at lihim kong minamahal at ang lalaking hindi ko dapat mahal...
