Chapter 26

4.2K 230 7
                                    

Jess' POV

Pagkatapos ng masayang date namin ni marcus ay hinatid na niya ako sa bahay. Umuwe na rin si marcus sa kanila kase nag pramis pala siya sa parents nito na 1 week siyang matutulog sa kanilang bahay. Kaya daw ito nagpramis ay para payagan siyang matulog sa bahay ng pinsan nito pero yung pinsan na sinasabi niya ay ako. Sa bahay namin.

Simula kase ng may nangyari sa amin nila cherry at leslie ay hindi daw ito umuwe buong gabi sa kanilang bahay na siya namang ikinagalit ng mga magulang nito dahil sa sobrang pag-aalala. Para payagan daw itong matulog sa pinsan nito ay kailangang tuparin nito ang kanyang ipinangako.

Paakyat na sana ako ng hagdan ng makita ko si tatay shone na todo kung makangiti.

"Tatay shone hindi pa po ba dumadating si mama??" Ang tanong ko.

"Mamaya pa daw ang dating ng mama mo pero pag hindi pa daw ok ay baka bukas pa. Busy pa daw kase siya" Todo kung makangiti. Pano kase nakakaloko ang mga ngitian ni tatay shone...para siyang sira. Hahaha.

"Ah" Tipid kung sagot. Hahakbang na sana ako paakyat ng hagdan pero pinigilan ako nito.

"Teka! Saan ka pupunta? Mamaya kana umakyat kakain na tayo"

"Pero..."  Sa totoo lang busog pa kase ako. di ba katatapos lang ng date namin ni marcus. Andami ko kayang nakain.

"Wala ng pero.. pero.. halika na" hinawakan niya ako sa kamay at hinila papuntang hapag kainan. Wala na akong nagawa kundi ang magpaanod sa kanya. Lumapit ito sa upuan na uupuan ko at binigyan ako ng espasyo para makaupo. Para akong isang prinsesa sa ginawa nito kaya hindi ko maiwasang kiligin.

"Salamat" ako.

Ngumiti lang siya "basta para sayo... "

Umupo na rin ito sa harapan ko at nagsimula nang maghain. Nilagyan niya ng kanin at ulam ang plato ko ganun din sa kanya.

"Kain ka ng marami. Luto ko lahat ng yan para sayo"

"Hindi mo naman po kelangang ipagluto pa ako ah, andyan naman po sila manang"

"Mas gusto ko kasing pinagsisilbihan ang taong mahal ko. Gusto ko rin kasing alagaan siya. Lalo na at ang taong yun ay walang iba kundi ikaw" ang nakangiting saad nito. Bawat salita na lumalabas sa kanyang bibig ay galing talaga sa kanyang puso kaya hindi ko maiwasang mamula at kiligin ng todo. E kase naman ang sweet sweet niya. Kanina si marcus ngayon naman si tatay shone. Yung totoo? Uso ba ang date at magpakilig ngayon??

"Namumula ka?" Siya.

"Eeeee.. Bitawan mo na kase yung kamay ko baka makita pa tayo nila manang dito" ang pagsusuway ko.

"Busy yung mga yun wag kang mag-alala solo kita ngayon" tapos kinindatan niya ako. Mas lalo akong namula sa mga pinaggagagawa niya. Kumain lang kami ng kumain. Minsan sinusubuan niya ako. Hindi na rin naman ako tumatangi kase gusto ko rin ang ginagawa nito.

"Masarap ba akong magluto?" Ang tanong niya. Tumango lang ako.

"Pwede na ba akong maging chef??" Ang tanong ulit nito. Tumango lang ako bilang sagot. Hindi na ako makapagsalita kase tuwang tuwa ako sa kinakain ko. Ang sarap magluto ni tatay shone at take note puro paborito ko pa ang niluto niya.

"Mas masarap na ba akong magluto kesa kela manang??" Tumango lang ako.

"Gusto mo ba ako nalang ang magluto sayo araw-araw?" Tumango lang uli ako.

"Mahal mo ba ako???" Tumango lang ako habang ine-enjoy ko parin ang kinakain ko. Naramdaman ko nalang na bigla siyang natahimik kaya tiningnan ko siya. Nakangiti na ito ng todo habang nakatitig sa akin para siyang baliw kung titingnan lang nito ang kanyang sarili sa salamin. Hangang sa marealize ko ang sinabi niya.

Mali bang magmahal? (BoyxBoy) - COMPLETED!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon