Dedicated to AwesomeDudeMiggy
Jess' POV
"Alam mo jess feeling ka... Feeling maganda! Nagmamaganda!!" Ang mataray nitong sabi.
"Eh ikaw, feelingera ka! Akala mo naman magkaka-gusto sayo si marcus" ang mataray kong sagot dito.
"Hahaha.. Eh matanong ko lang.... mahal ka ba talaga ni marcus?? Kase sa pagkakaalam ko.. Hindi!!" Napalingon ako sa gawi ni marcus. Oo ang bilis kong maniwala sa sinasabi ng iba pagdating sa usapang pag-ibig.
"Nagkakamali siya.. Jess mahal kita at totoo yun" ang sabi ni marcus.
"Ows talaga??" Ang pagsagot ni leslie kay marcus sunod nun ay lumingon siya sa gawi ko. "Ikaw jess tatanungin kita.. Nagsex na ba kayo ni marcus?" Nagulat ako sa tanong niya. Sa totoo lang wala pang nangyayari saamin ni marcus. Napayuko lang ako sa sinabi niya.
"Hindi pa! At wala kang pakialam dun!! Hindi lang sex ang habol sakin ni marcus" ang sagot ko.
"Talaga lang ha!! Kilala mo ba kung sino ang ex niya?? Kilala mo ba si cherry? Siya lang naman ang ex gf ni marcus na mahal na mahal niya. Nakikita lang niya ang pagkatao ni cherry sa pagkatao mo kaya ka nya minahal"
Sobra akong nagugulat sa mga isiniwalat ni leslie..hindi ko kilala si cherry kase sa totoo lang ay hindi pa nakukwento sa akin ni marcus ang about sa mga nakarelasyon niya. Hindi rin naman kase ako mapag-usisa... kase gusto ko, kusa nyang ikukwento sa akin.
Lumingon ako kay marcus "totoo ba yun marcus? Totoo ba na ex mo si cherry??"
"Oo jess pero ikaw na ang mahal ko.. Past ko na siya at hindi na siya ang nasa present at future ko" ang saad ni marcus. Nakumbinsi naman ako dun pero nangangamba parin talaga ako.
Narinig kong pumalakpak si leslie.
"Ayyy.. Ang sweet naman" ang parang kinawawang batang saad nito. "Pero magiging sweet pa ba yan if duma---- ay wait andito na siya. Cherry" ang masayang pagtawag ni leslie sa babae.
Napalingon kami ni marcus sa gawi ni cherry. Nakasuot lang ito ng maiksing short at hanging shirt na bagay na bagay sa kanya at ang sexy sexy niya kahit sinong lalaki magkakandarapa sa kagandahan niya. Para akong nanliit sa sarili ko kase kung titingnan mo si marcus at cherry ay bagay na bagay silang dalawa. Tiningnan ko ang reaksyon ni marcus at sa nakita ko ay hangang hanga siya sa ex gf niya. Hindi ko maiwasang magselos.
"Hi?" Ang pa cute na pagbati nito samin. Mas lalo siyang gumanda sa malapitan at ang bango bango nya. Kita ko naman sa mata ni marcus na titig na titig ito sa dalaga.
"Hi marcus" ang pagbati ni cherry kay marcus.
"H-hi" ang nauutal na sabi nito.
"Mukhang gumagwapo ka ngayon ah"
"Ikaw naman gumaganda ka lalo" ang pagbibiro ni marcus.. Nasaktan ako kase parang wala ako dito.
"Ahmm.. Sino nga pala yang kasama mo?" Ang pagtatanong ni cherry at dahil dun ay bigla akong kinabahan.
"Si jess nga pala" ang pagsasabi ni marcus.
Kinamayan ako ni cherry at nakipagkamay narin ako.
"Boyfriend ni marcus" ang pagmamalaking sagot ko na medyo naluluha, kase parang hindi proud si marcus na sabihing boyfriend niya ko.
"Talaga?? So bakla na pala ngayon ang ex ko at pumapatol na sa bakla" ang mataray na sabi ni cherry. Akala ko mabait siya.
"Hindi ako bakla cherry mahal ko lang talaga si jess"
BINABASA MO ANG
Mali bang magmahal? (BoyxBoy) - COMPLETED!
RomanceAko si Jess, labing limang taong gulang. Isa akong bakla at hindi marunong magmahal. Paano kung sa mura kong edad ay magmahal ako ng tatlong lalaki. Lalaking matanda sa akin, lalaking una at lihim kong minamahal at ang lalaking hindi ko dapat mahal...
