Chapter 22

5.1K 286 26
                                        


Jess' POV

"Anong ginagawa mo dito??" Ang walang emosyon kong tanong sa kanya.

"Jess sorry... Sorry sa nangyari kanina" ang nakayukong paghingi nito ng paumanhin.

"Marcus, yan nalang ba ang alam mong sabihin?? Ang sorry?? Marcus hindi sa lahat ng pagkakataon ay sorry ang sagot sa ginawa mo" hindi ko maiwasang mainis sa kanya. Oo nga at mahal ko siya pero sa tuwing makakagawa ba tayo ng kasalanan ay sorry lang ang alam nating sabihin? Hindi ba pwedeng sa simula palang kung alam mong mali o may mali ay dapat mong iwasan na to?? Hindi ako perpekto.. pero kung laging sorry nalang ang sasabihin niya at mauulit at mauulit parin ito ay mas mabuting maghiwalay muna kami. Hindi naman siguro tayo manhid na pag nakita natin ang jowa natin na ganoon ang reaksyon pag may magandang babae o may humalik sa kanilang babae na kahit na hindi nila ito ginusto o sinadya ay papatawarin na natin. Mali. Ako Kase, naniniwala akong hindi sorry ang solusyon sa lahat ng ating kasalanan.

Tandaan nyo. Oo nga at bakla tayo pero wag naman sana tayong maging masokista pagdating sa pag-ibig. Deserve nating mahalin at hindi magmukhang tanga sa harap ng taong mahal natin. We are equal.

Kaya sa tulad ko, sana naman maging matalino tayo pagdating sa pagmamahal lalo na kung harap harapan kanang sinasaktan. Iba ang mahal sa salitang tanga. Inuulit ko hindi ako perpekto kaya minsan narin akong naging tanga pagdating sa pagmamahal at pwede parin akong maging tanga ulit. Pero ang gusto kulang sabihin ay hindi natin deserve ang saktan o pagmukhaing tanga ang sarili natin. Maraming talagang ganyan aminin.

"Jess hindi ko na siya mahal. Nagulat lang ako kase ang tagal na nyang hindi nagpakita sa akin" siya.

"Pero bakit ka pumayag na halikan ka nya?? Bakit hindi mo man lang ako nagawang ipagtangol sa kanilang dalawa?" Hindi ko talaga maiwasang malungkot sa ginawa niya.

Hindi sya nagsalita. Sa totoo lang ang gwapo niya ngayon sa suot niya, habang hawak hawak parin ang boquet ng bulaklak.

"Jess alam kong ilang beses na akong humihingi ng sorry sayo... pero alam mo ba kung bakit ako humihingi ng sorry sayo! baka kase pag hindi ako humingi ng sorry sayo ay tuluyan ka nang mawala sakin. Tulad ngayon!" ang malungkot nitong sabi. "Ang ngayon na wala kana sakin. Ang ngayon na ikinakatakot kong baka hindi na tayo magkaroon pa ng second chance....Jess....." Nag crack na ng tuluyan ang boses ni marcus. Naawa ako sa kanya. Pero kung talagang mahal niya ako diba, he won't give up! Oo gumive-up na ako kase parang hindi ko na kaya ang sakit!! pero yun ang pinanghahawakan ko sa kanya na kahit wala ng kami ay pwede parin magbago ang desisyon nitong hindi sya susuko sa akin, kaya gusto kung patunayan ni marcus na totoo talagang mahal ako nito.

Hindi ako umimik. Nanatili lang akong tahimik. Hangang sa may narinig akong tumatawag sa akin.

"Jess....." Ang pagtawag ng lalaki sa akin. Napalingon kami ni marcus sa taong tumatawag sa akin.

Nakita ko ang pag-aalala sa mukha ng lalaking yun. Hindi ko alam pero kusa nalang gumalaw ang katawan ko at sinalubong ko ito ng yakap.

"Kanina pa ako naghihintay sayo. Bakit hindi ka pa umuuwi ha! Hindi mo ba alam kung gaano ako nag-alala sayo" parang hinaplos ang puso ko sa sinabi niya.

"Nagpahangin lang ako. Ang sarap kase ng hangin dito" ang pagsisinungalin ko.

"Wag mo nang uulitin yun ah" ang sabi niya. Tumango lang ako at tinitigan siya sa kanyang mga mata.

Hindi ko alam pero naramdaman ko nalang na nakalapat na ang labi ko sa kanyang labi. Kaya pumikit nalang ako para damhin ito.

************

Marcus' POV

Tanga ba ako? Mali ba ang ginawa ko?? Oo, sobra akong humanga kay cherry kanina kase mas gumanda ito lalo. Pero wala na talaga e. Wala na akong makapang pagmamahal sa kanya. At alam mo pa kung ano ang napatunayan ko? Na hindi ko na siya mahal. Noong halikan nya ako ay para itong isang normal na halik lang.

Mali bang magmahal? (BoyxBoy) - COMPLETED!Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon