Chapter 13

6.6K 309 15
                                        

         Dedicated to Yellie1981

Jess' POV

"Tay..."

"Oh, kamusta naman ang anak ko.." hindi nya pinansin ang pagsalubong ni mama. "..At meron pala tayong bisita parang nawala lang ako ng ilang araw ang dami nang nangyari sa bahay nato" ang nakangisi niyang sabi.

"Hon si marcus nga pala ...boyfriend ng anak natin" ang tuwang tuwang sabi ni mama.

Tiningnan ko ang reaksyon ni tatay shone sa sinabi ni mama. Grabe, Nakakatakot ang reaksyon ni tatay shone kase, puro masasamang tingin lang ang ibinigay nito sa akin.

"Ano? Ang bata bata pa ng anak mo! pinayagan mo nang lumandi?" Ang galit na galit na saad ni tatay shone.

"Hindi siya lumandi! Nagmahal lang siya at saka kung saan siya masaya, dun ako!" Ang parang naiinis na sagot ni mama kay tatay shone.

"Hindi pwede! Paano ang pag-aaral niya? Sigurado akong bababa ang mga grades niyan" ang matigas na sabi ni tatay shone.

"Hindi po namin pababayaan ang pag-aaral namin. Mahal na mahal ko po si jess at ni re-RESPETO ko po siya" ang hindi maiwasang pagsagot ni marcus. Hinawakan ko ang kamay niya kase kitang kita ko ang galit sa mga mata nito.

Tumingin ako kay tatay shone at sa pagtingin ko sa kanya... ay nakatingin pala sya sa kamay namin ni marcus na magkahawak. Kita ko ang sobrang galit sa mata nito.

________________________

Shone's POV

Sobrang galit ang nararandaman ko ngayon lalo na ng hawakan ni jess ang kamay ni marcus. Sinusubukan talaga ako ng batang ito. Ang sabi ko sa kanya ay walang ibang lalaki ang pwedeng gumamit o pwedeng lumapit sa kanya kundi ako lang! Ako lang at wala ng iba!

May naisip ako.

"Sige papayagan ko kayo sa isang kundisyon" napangiti lang ako sa naisip ko.

"Ano po yun?" Ang sabay na sagot ng dalawa.

"Ako ang masusunod dito sa bahay, as in ako ang masusunod dito sa bahay at ayoko ng kung saan saan kayo magdedate dapat dito lang sa bahay kahit dito ka narin lang matulog marcus kung gugustuhin mo" Napangisi lang ako.

Hindi makapaniwala ang dalawa sa desisyon ko.

"Pero parang wala naman po kaming kalayaan nyan" ang pagsagot ni marcus. Mapapel din ang isang to ah. Samantalang tahimik lang si jess.

"Oo nga hon" ang pagsang-ayon ng asawa ko.

"Hon, anak ko narin si jess at gusto ko nakikita ko ang ginagawa nila at kung totoo nga ang sinasabi nila na hindi nila papabayaan ang pag-aaral nila ay dapat nakikita natin yun"

Tumango lang ang asawa ko.

"Ano payag ba kayo o paghihiwalayin ko kayo at hinding hindi muna makikita si jess" ang pananakot ko kay marcus. Nagulat siya sa sinabi ko pati narin si jess. Niyakap ni marcus si jess sa harap namin. Hindi ko alam pero mas lalo akong nainis sa ginawa nila.

"Sige payag na po kami. Basta wag nyo lang po kaming paghiwalayin" saad ni marcus.

"Good! Yan ang gusto ko.. mabilis kausap"

Parang nananadya talaga tong marcus na to. Hinalikan niya si jess sa noo. Napakuyom ako ng kamay.

Tingnan lang natin kung magiging masaya ka sa gagawin ko.

_____________________

Jess' POV

Natatakot ako kay tatay shone. Halata kase sa kanya na may binabalak siyang masama. Tatangi sana ako sa kasunduang ginawa ni tatay shone pero nung sabihin niyang paghihiwalayin niya kami ni marcus ay hindi na ako nagdalawang isip pa at pumayag narin kami sa desisyon niya.

Mali bang magmahal? (BoyxBoy) - COMPLETED!Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon