Jess' POV
Pagmulat ko ng mata ay tanging kisame lang ang bumungad sa akin. Hindi ko na naman maiwasang malungkot dahil sa mga pangyayari. Habang nagmumuni muni ako ay siya namang pagbukas ng pinto ng kwarto ko. Si manang lang pala.
"Iho eto pagkain oh, kumain kana diyan." Lumapit si manang sa may tabi kong table at duon inilapag ang pagkain dala nito.
"Salamat po manang" ngumiti ako sa kanya. Aalis na sana ito ng may naalala ako.
"Ahmm.. manang s-sino pong nagbuhat at nagdala sakin dito sa kwarto?" Gusto ko kasing malaman ang mga nangyari kanina noong nawalan ako ng malay.
"Si marcus at ang tatay shone mo ang nagdala sayo dito, pero hindi rin sila nagtagal at pinaalis na sila ng mama mo." Medyo nalungkot ako sa sinabi ni manang. Parang sobra sobra na ang galit ni mama sa akin.
"Ganun po ba? Salamat nalang po dito sa pagkain na dinala niyo"
"Sa tatay shone mo ka magpasalamat kase siya ang nagluto niyan para sayo" ang sabi ni manang. Bigla nalang akong Napangiti dahil kahit iba na ang nangyayari sa amin ay hindi parin pala ako nito nakakalimutang alalahanin.
"Si mama po nasaan?" Ang di ko maiwasang itanong dito.
"Nasa kwarto pa niya.. ayaw pang lumabas baka kung ano daw lang magawa niya pag nakita ka niya" lumapit ito sa akin at hinawakan ako sa kamay. "Anak pagpasensyahan mo na ang mama mo ha, kung may magagawa lang sana ako. Pati nga ako ay pinagbantaan ng mama na huwag daw akong makikialam sa problema niyong pamilya. Sorry anak ha wala magawa si manang para sayo" hinalikan ako nito sa ulo at tumayo.
"Salamat po manang, naiintindihan ko naman po kayo" ngumiti lang ito at umalis na.
Pagkatapos kong kumain ay dali dali akong naligo at nagbihis para pumasok. Pagbaba ko ay nakita ko si tatay shone na inaasikaso si mama para kumain. Lumapit ako kay mama at nagpaalam.
"Ma pasok na po ako.. tatay sho----" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko para magpaalam din kay tatay shone ng tapunan ako ni mama ng nakamamatay na tingin na siya namang ikinayuko ko.
"Umalis ka na at baka kung ano pang magawa ko sayong hayop ka" ang gigil na gigil na sabi ni mama.
Hindi na ako nag-atubili pa at Dali dali akong umalis.
Naglalakad ako papasok ng gate ng makasabay ko si leslie. Wala ni isang nagsasalita sa amin pero sabay parin kami hangang makapasok sa loob.
"Grabe ang init na nga ng panahon tapos nakakapang-init pa ng ulo" sabay tingin nito sa akin. "Hayyss, pagkatapos ng lahat iiwan nalang. Ganun talaga siguro pag nakuha mo na ang gusto.. pagkatapos pagsawaan ay iiwan nalang sa ere, grabe talaga ang kati kati" ang pagpaparinig nito sa akin habang naglalakad kami papunta sa aming classroom.
Medyo nainis ako sa sinabi niya. Wala na bang katahimikan ang buhay ko! Kahit ang aga aga eh meron at meron paring mambibwisit sayo.
Sa sobrang inis ko ay nagparinig din ako sa kanya. "Yung iba nga diyan.." sabay irap ko sa kanya. "...pilit isinisiksik ang sarili sa taong hindi naman gusto hayss, sino kaya ang kawawa?" Napikon siya sa sinabi ko dahil inirapan din ako nito.
"Atleast hindi naman ako pokpok at makati. E yung iba diyan laspag na at pinagsawaan na ng mga lalaki. Parang basura kumbaga" at tumawa siya ng malakas, yung tawang nakakapikon.
Hinawakan ko siya sa braso para humarap sa akin. Hindi na ako magpapaapi simula ngayon. Lalaban na ako. Sawang sawa na akong magpaka Cinderella.
"Hoy ikaw, kung makapagsalita ka akala mo hindi ka malandi e yung teacher natin na si sir. Marquez pinatulan mo" Oo totoo yun at sikreto lang namin yun.
BINABASA MO ANG
Mali bang magmahal? (BoyxBoy) - COMPLETED!
RomanceAko si Jess, labing limang taong gulang. Isa akong bakla at hindi marunong magmahal. Paano kung sa mura kong edad ay magmahal ako ng tatlong lalaki. Lalaking matanda sa akin, lalaking una at lihim kong minamahal at ang lalaking hindi ko dapat mahal...
