Chapter 32

3.6K 232 19
                                        

Jess' POV

Tinatahak ko ang daan papunta sa bahay namin kahit na pinagtitinginan na ako ng mga tao dahil hindi parin ako tumitigil sa pag-iyak. Siguro masyado pa akong bata para magmahal, siguro masyado pa akong bata para maranasan ang lahat ng to pero bakit ganun? Bakit pagnagmahal ka kaakibat nito ang sakit.

Malapit na ako sa bahay namin ng maramdaman kong may tumigil na sasakyan sa harapan ko, si kuya chard. Ang tagal narin simula ng hindi ko siya nakita. Alam kong umiiwas na siya sa akin. Sobra ko siyang nami-miss.

"Musta?" Ang pagbati ko sa kanya kahit na medyo naiilang akong kausapin siya.

"Ayos lang, ikaw bakit ka umiiyak? Bakit ganyan ang itsura mo??" Ang may pag-aalalang tanong nito sakin.

Hindi ako sumagot, nagpatuloy lang ako sa paglalakad dahil ayokong mag-open sa kanya. Nahihiya ako dahil tuwing may problema ako siya lage ang dumadamay sakin. Pero nagulat ako ng lumabas ito ng kanyang sasakyan at sinabayan akong maglakad.

"Bakit iniwan mo sasakyan mo dun, baka mawala yun"

"Wag mong alalahanin yun, ang alalahanin mo ay yang itsura mo oh! Tingnan mo para kang bata diyan na inagawan ng kendi" tiningnan ko siya at kita kong seryoso siya sa kanyang sinabi kaya hindi ko maiwasang umiyak at yakapin siya.

"Shhhhh.. tahan na" ang pagpapakalma nito sa akin habang tinatapik tapik ako nito sa likod. Tumagal kami ng ilang minuto sa ganong posisyon hangang sa kumalma ako, kahit papa-ano ay gumaan gaan ang bigat na dinadala ko.

"Salamat kuya chard" ngumiti ako sa kanya at ganun din ang ginawa niya. Nagsimula na akong lumakad at hindi na ako nito sinundan pa dahil alam na nito na medyo ok na ako at alam din niyang kelangan kong mapag-isa.

Nandito na ako sa harap ng bahay namin at sa totoo lang ay ayoko pang umuwe, sa totoo lang ayokong makita si tatay shone kase sobra akong nasasaktan pero ayoko namang mag-alala si mama sakin lalo na at buntis pa ito at ang masakit dun ay iisang tao pa ang mahal namin ng mama ko.

Sinimulan ko nang buksan yung pinto namin at pumasok dito pero nagulat ako ng bigla akong sampalin ni mama.

"Ma" ang tangi ko lang nasabi habang hawak hawak ko ang pisngi na nasampal nito.

"Walang hiya ka!! Tinanggap kita kahit ano ka pa, tapos ito ang igaganti mo?? Walang hiya ka!! Isa kang malandi!! Ano masarap ba ang asawa ko? Masarap ba ha?! Sagutin mo!!" Ang nanggagalaiting pahayag ni mama. Hindi ako sumagot. Binigyan niya ako uli ng isang malutong na sampal. Hindi ako umiwas dahil deserve ko ang lahat ng ito! Deserve ko ang masaktan.

Nakita ko si tatay shone na inaawat si mama pero hindi ito nagpaawat.

"Ano? Ipagtatanggol mo tong salot na to?! Ang bababoy niyo!! So pag wala pala ako dito eh, merong ibang magpapaligaya sayo? Wow nice ha! Talagang anak ko pa, hindi ka ba nakontento sa akin shone? Sabihin mo!! At ikaw na bakla ka." dinuro duro ako ni mama at wala akong nagawa kundi ang yumuko habang tumutulo ang luha ko. "talagang nag-enjoy ka pa ng todo at nakuha mo pang makipag relasyon sa asawa ko hahaha...nakakatawa, matatanggap ko pa sana kung ibang tao yun e, pero sarili kong anak? At yung magiging asawa ko na magiging tatay mo pa?? Mga demonyo kayo!"

Nilapitan ako ni mama at pinagsasabunutan at pinagsasampal.

"Minahal kita at tinanggap ng buong buo pero bakit kelangan sa tito shone mo pa?? Bakit sa kanya pa ha?!!"

"Ma... mahal ko po si tatay shone, sorry" isang sampal lang ang sinagot niya.

"Mahal?? Ganyan ka ba magmahal jess? Ganyan ba? Kahit alam mong masasaktan ako, kahit alam mong magiging tatay na siya ng anak ko.. ng magiging kapatid mo?" Doon na lumabas ang lahat ng galit ni mama dahil doon ko nakita na sobra siyang nasaktan. Sobra ko siyang sinaktan, nasaktan ko ang mama kong nagpakahirap sakin simula pagkabata ko.

"Honey.." ang nasabi nalang ni tatay shone.

Naawa ako kay mama, kahit pagod na rin ako dahil sa mga nangyayari ay parang bulang nawala ito ng makita ko na mas napapagod si mama sa pangyayari. Tumayo ako at lumapit kay mama para yakapin ito para humingi ng patawad pero sa pag lapit ko sa kanya ay binigyan ako nito ng isang malakas na sipa na siyang dahilan para tumalsik ako sa pader at mauntog ang ulo ko. Nahilo ako dun kaya hindi ko na nagawang makatayo. Aktong lalapit sa akin si tatay shone ng magsalita si mama.

"Sige, subukan mong lumapit diyan sa salot na yan at magpapakamatay ako.. hahayaan mo bang madamay ang bata sa sinapupunan ko?" Kita ko sa mga mata ni mama na nilalamon na siya ng galit. Hindi na siya ang mama kong mabait at masayahin dahil sa akin. Dahil sa kasalanang nagawa ko ay nagbago siya. Nagmahal din lang naman ako.

Walang nagawa si tatay shone kundi ang sumunod sa sinasabi ni mama. Kita ko ang sobrang lungkot kay tatay shone. Kita ko ang pag-aalala niya sa akin.

"Kung hindi pa magtatapat sa akin yang tatay mo ay hindi ko malalaman ang mga kababuyan ninyong dalawa. At sasabihin pa ng tatay shone mo na makikipag hiwalay na siya sa akin dahil ikaw daw ang mahal niya. Nahihibang ba siya?? Hindi ako manhid sa sasabihin ng iba na ang asawa ko ay boyfriend na ngayon ng anak ko?? Hahaha.. b*** s*** " tumayo si mama at lumapit sa akin at hinawakan ako sa buhok.

"Simula ngayon ay hindi kana pwedeng lumapit sa tatay shone mo. School at bahay kalang. Kukunin ko ang schedule mo sa school para ma-monitor kita. Hindi kana rin pwedeng lumabas tuwing sabado at linggo, naiintindihan mo ba yun??" Tango lang ang naisagot ko. "At ikaw shone ganun ka rin, simula ngayon ayoko nang makitang lumalapit ka sa anak ko at nakikipag-usap sa kanya. Gusto mo lage kang nasa tabi ko. Gisto ko, ako lang ang mamahalin mo at sa akin mo lang ibibigay lahat ng oras mo. Naiintindihan mo ba yun??!" Wala din nagawa si tatay shone kundi ang sumunod sa sinasabi ni mama.

"Umakyat ka na sa kwarto mo at magpahinga" ang utos sa akin ni mama.

Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa at umakyat na ako aking kwarto. Pagka pasok ko sa kwarto ko ay dun na muling lumabas lahat ng sakit na dinadala ko. Kahit na sobrang sakit ng buong katawan ko pati ng puso ko ay wala akong nagawa kundi ang indahin nalang ang lahat ng ito. Pumasok ako sa C.r at doon nagsimulang maglinis at magpalit ng damit. Pagkatapos ko ay nahiga na ako sa kama at tumitig sa kisame.

Parang feeling ko mag-isa na ako ngayon. Parang feeling ko wala ng magmamahal sa akin. Iniwan na ako ng kaibigan ko dahil nagmahal ako. Muntik na akong pagsamantalahan ni marcus dahil sa pagmamahal niya sa akin pero sobrang mahal ko parin siya. Nasaktan ko si mama dahil sa pagmamahal ko kay tatay shone. Ayoko nang magmahal dahil sa lecheng pagmamahal na to ay marami akong nasaktan, ng dahil sa maling pagmamahal na ito ay marami ang nawala sa akin. Kaya simula ngayon ay pipilitin ko nang hindi magmahal.. kaya simula ngayon pag-aaral nalang ang pagtutuunan ko ng pansin.

************

Shone's POV

Wala akong nagawa kanina kundi ang tingnan si jess habang sinasaktan siya. Para akong pinapatay tuwing makikita ko kung paano siya pagbuhatan ng kamay ng mama nito.

Hindi ko naman ginustong ipagtapat ang tungkol sa amin ni jess kundi lang ako nahihirapan sa sitwasyon namin lalo na at nalaman pa nito na buntis ang mama niya at ako ang ama, ay ayoko namang patagalin pa ito dahil nahihirapan nanga ako na makita si jess na nasasaktan kaya ipinagtapat ko na pero ano pa aasahan ko? Alam kong magagalit ang mama niya ng sobra at hindi nga ako nagkamali at pinagbantaan pa ako nito na pag-iniwan ko siya ay may masamang mangyayari sa anak namin.

Para akong namatayan dahil wala na talaga kaming pag-asa ni jess, ng taong tunay kong mahal.. pero atleast nalaman niya na mahal na mahal ko ang anak niya. Gusto ko siyang ipaglaban, gusto ko siyang mahalin pa habang buhay pero paano mo ipaglalaban ang isang bagay kung alam mo nang wala ng pag-asa?? Paano ko siya ulit mamahalin kung ang kapalit nito ay ang buhay ng isang bata? Ugh!!! Ang hirap ng sitwasyon ko!!

Jess mahal na mahal kita at sana kung magkaroon pa ng pag-asa at kung dumating man ang bagay na yun ay sana mahal mo pa rin ako... sana ako parin ang nandyan sa puso mo.

______________________________________________



Hello guys.. sorry kung ngayon lang uli ako nakapag-update, naging busy lang sa trabaho. At salamat din sa mga patuloy na sumusuporta sa kwento ko :) :)

Vote and Comment naman diyan :)

10k reads na and counting :)
700 plus votes narin, sana umabot na siya ng 1k .. support support guys ;)

Mali bang magmahal? (BoyxBoy) - COMPLETED!Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon