Chapter 33

3.4K 214 3
                                    

Jess' POV

Simula ng malaman ni mama ang about sa amin ni tatay shone ay para akong isang robot na di susi, bahay at school lang ako. Bawal ang gumala, bawal ang ma-late umuwe, bawal akong makipag-usap kay tatay shone, bawal akong lumabas ng bahay lalo na kung di naman kailangan. Para akong nasa preso, pero ang masakit dun ay ang makulong ka kahit alam mong malaya ka. Hindi ko maiwasang maluha habang iniisip ko ang mga bagay na yun.

"Mr. andrew may problema ba?" Ang pagpukaw ni maam sa atensyon ko.

"Wala po maam. N-napuwing lang po ako" ang pagdadahilan ko.

"Ganun ba? Kung may problema ka ay wag kang mahiyang lumapit sa akin, pero habang nasa klase tayo ay iwasan muna natin ang mga bagay na pwedeng makaapekto sa ating pag-aaral, ok ba??" Ang naka-ngiting sabi ni maam. Ewan ko ba pero parang natauhan ako. Tama si maam hindi ko dapat muna iniisip ang mga bagay na pwedeng makaapekto sa grades ko, sa pag-aaral ko. Hindi ko lang kase maiwasan mag-isip.

"Salamat po maam" ngumiti ako sa kanya at nagpunas ako ng mata.

Hindi ko naman inaasahan na mapapalingon ako sa bandang kanan ko at sa paglingon ko ay nakita ko si marcus na nakatingin na pala sa akin kanina pa. Kita ko ang pag-aalala sa kanyang mga mata. Binawi ko ang tingin sa kanya at nag-focus na ako sa pakikinig kay maam.

Break time namin at Naglalakad ako papuntang canteen ng maramdaman kong may humawak sa braso ko kaya nilingon ko ito.

"Jess pwede ba tayo mag-usap?"

Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy lang ako sa paglalakad pero hindi pa pala nito tinatanggal ang pagkakahawak sa braso ko.

"Jess hindi kita bibitawan hanggat hindi mo ko kinakausap" kita ko ang lungkot sa kanyang mga mata.

"O sige, nandito na rin lang naman tayo kaya sabihin mo na kung anong gusto mong sabihin...kakain pa ako" ang walang ka emo-emosyon kong sabi.

"Jess sorry, sorry sa nang---"

"Yun lang ba? Ok na yun, pinapatawad na kita. Pwede na ba akong kumain?" Ako.

"Jess naman, gusto kong maay---"

"Marcus ano pa bang pag-uusapan natin ha?! Di ba wala na tayo? Di ba malinaw na hindi na kita mahal? Marcus naman, pagod na pagod na ako. Sawang sawa na ako sa buhay ko kaya please lang marcus.. kung mahal mo talaga ako ay lulubayan mo na ako please..." pakiusap ko sa kanya.

"No jess!! Hindi! Hindi kita iiwan, di ba sabi ko hindi ako susuko?"

"Pero marcus sumuko na ako, wala ka nang dapat pang ipaglaban.. dahil sa pagmamahal na ito ang daming nasaktan, ang daming nangyari. Kaya marcus ayoko na, ayoko nang magmahal pa" hindi ko na siya hinintay pang magsalita at iniwan ko na ito.

Mag-isa lang akong kumain sa canteen kahit na alam kong kanina pa nakatingin si marcus, ewan ko ba sa taong yun para siyang stalker. Oo na! Mahal ko pa siya at walang nagbago sa pagmamahal ko sa kanya at kay tatay shone pero mas pipiliin ko pang isakripisyo ang kasiyahan ko kesa masaktan ang taong mahal ko lalo na ang mama ko. Ganun naman dapat, ganun naman di ba?? Ganun nga ba?? Ay ewan!! Urgh!! Nakakainis.

Natapos ang buong klase namin pero hindi ko parin pinapansin si marcus. Paano naman ako makakapag focus sa pag-aaral ko kung lage ko siyang nakikita at nakakasama, eh pano kase nasa iisang room lang naman kami.

Dahil maaga pa ay pumunta muna ako sa library para magpalipas ng oras kase yung last subject teacher namin ay nagpa-attendance lang at bahala na daw kami sa buhay namin, ang saya di ba? Umaakyat ako ng hagdan ng may mabangga akong lalaki, oo lalaki base sa uniform na suot niyang pants. Hindi kase ako nakatingin sa dinadaanan ko kaya nabangga ko siya.

Mali bang magmahal? (BoyxBoy) - COMPLETED!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon