Chapter 21

5K 284 11
                                    

Dedicated to @ArisJohn

Jess' POV

Naniniwala ka pa ba na merong forever sa relasyong same sex? Ako kase hindi na. Hindi na ako naniniwala pero hindi ibig sabihin nun na sinasarado ko na ang puso ko. Ang ibig ko lang sabihin ay handa pa akong magmahal pero ang maniwala sa forever?? Sa tulad ko?? Malabo. Malabong malabo. Ang bigat ng nararamdaman ko ngayon, ang sakit sakit na wala na kami ni marcus At alam mo pa kung anong mas masakit??? na bagay talagang pagsamahin ang babae at lalaki. Na tanga lang ang maniniwala na bagay ang parehong lalaki.. Hindi ko maiwasang umiyak ng umiyak dahil sa bigat ng nararamdaman ko. Masama bang maging masaya? Maging masaya na walang huhusga sayo? Na mamahalin ka ng hindi mo kelangang isipin muna ang sasabihin nila bago ka gumawa ng aksyon... Sana dun sa mga babaeng nakakabasa nito o kahit ang mga straight na lalaki. Sana lang kung magmamahal kayo ng lalaki ay pwede bang mahalin nyo din kami ng totoo.. Yung totoong pagmamahal na hindi namin kelangang maging ganito o ganyan para mahalin nyo..

Matapos kong iwan si marcus kanina ay hindi muna ako umuwi sa amin. Ayokong makita ni mama na ganito ako. Ayokong magalit siya kay marcus kaya dumiretso nalang ako sa park para magpahangin. Umupo ako sa may bandang puno kase mas gusto ko ang lilim na dinudulot nito.

Habang naka-upo ako dun ay tahimik lang akong nakatingin sa mga taong bising bisi sa kanilang ginagawa.. Ang sarap nilang tingnan nakakarelax. Hangang sa mapadako ang tingin ko sa dalawang lalaking masayang nag-uusap. Kita ko sa mata nung isang lalaki kong gaano siya kasaya na kausap ang lalaking matangkad medyo maliit kase siya.

Napangiti ako sa kanila. Parang ang sarap nilang pagmasdan pero bigla nalang akong binalot ng lungkot. Lungkot na nagsasabing wala na kami ni marcus... Hindi ko parin inaalis ang tingin ko sa dalawang lalaki ng bigla nalang may babaeng dumating na karga karga nito ang cute na baby. Maganda yung babae at mukhang mayaman.

Tumayo si kuyang tangkad at binigyan ng halik sa pisngi yung babae pagkatapos nun ay binuhat na ni kuya tangkad si baby. Kita ko ang reaksyon ni kuya liit. Para akong sinaksak sa nakita kong reaksyon mula sa kanya dahil nakayuko lang ito na kunwari ay may kinakalikot sa bag pero kitang kita ko ang mga luhang pumapatak sa mata nito.

Naawa ako kay kuya liit. Parang nakikita ko ang sarili ko sa kanya. Hindi man kami pareho ng sitwasyon pero pareho lang kami ng pinagdadaanan.

Humarap si kuya tangkad kay kuya liit at kinausap ito pero puro tango lang ang sagot ni kuya liit..

"Seth alis na kami ni lena" ang pagpapaalam ni kuya tangkad kay kuya seth.

"Sige. Salamat sa time" pero kita ko sa mga mata ni kuya seth na pinipigilan niyang lumuha. "Ang laki na ng baby nyo paul at lena.. Sana palakihin nyo siyang mabuti" habang nakangiti ito at hindi na nito maiwasang pumatak ang luha sa kanyang pisngi. Pati ako napaiyak na rin.

"Seth bakit ka umiiyak??" Ang tanong ni lena.

"Ah.. W-wala... wala ito. Naalala ko lang yung kapatid kong bunso" ang pagsisinungalin nito. Kita ko sa reaksyon ni paul na nasasaktan din ito para kay seth.

"Ok kalang ba talaga seth??" Ang pag-aalalang tanong ni kuya paul.

"Oo para kang sira.. O siya sige na alam ko namang may lakad pa kayo.. Gora na kayo. Ang dami nyo kasing tanong" ang malungkot na ngiti ni kuya seth.

"O paano seth alis na kami" ang pagpapaalam ni lena kay kuya seth.

Tumango nalang ito bilang sagot. Nagsimula ng maglakad sila kuya paul at lena dala dala ang baby nila.. Hindi pa man sila nakakalayo ay lumingin si kuya paul kay kuya seth. Naawa ako para kay kuya seth kase hindi na talaga nya kayang pigilan pang ibuhos ang kanyang luha.

Habang umiiyak siya ay hindi ko rin maiwasang sabayang ang pagluha nito..

Bumalik si kuya paul at niyakap ng mahigpit si kuya seth.. Tumagal din sila sa ganung posisyon.

"Shhh... Tahan na" ang sabi ni kuya paul kay kuya seth at hinimas himas nito ang buhok ng binata.

"Paul sana ako nalang. Sana tayo parin pero alam kong hindi na pwede at hindi na mangyayari pa yun kase pamilyado kana. Kase tatay kana ng anak mo at magiging katuwang kana ng asawa mo.. Paul masaya ako para sayo kase hindi ka na matatawag na salot. Hindi kana huhusgahn kase hindi na ako ang minahal mo hindi na ang isang bakla. Pero bakit ganun paul? Masaya na dapat ako pero bakit ang sakit sakit parin. Akala ko kapag nakita kong masaya kana ay magiging masaya narin ako pero paul.. Hindi e! Hindi ko alam e! Sorry..." Ang lumuluhang sabi ni kuya seth. Kita kong umiiyak narin si kuya paul.

"Seth mahal kita.. Kahit ngayon mahal parin kita. Pero seth may anak na ako at hindi ko alam kung magiging tayo pa... Sorry" ang paghingi ng tawad ni kuya paul.

Ngumiti lang si kuya seth at kumalas sa yakap ng binata.

"Sige na, hinihintay kana ng asawa mo oh! Ok lang ako.. Sige na chupi!!" Ang tumatawang sabi ni kuya seth habang tuloy tuloy parin ito sa pag-iyak.

"Pero seth---"

"Ano ka ba. Sige na baka magutom yung baby mo. Lagot ka kay lena.. Wag mo kong intindihin. Sanay na akong mag-isa" parang nasaktan ako sa sinabi niya. Parang sinasabi niya na ang tulad naming bakla ay tatandang mag-isa.

"Seth mahal kita" ang sabi ni kuya paul.

"Hahaha.. Nakakatawa yang joke mo paul. Sige na umalis kana"

"Seth hindi ako nag jo-joke. Totoo yun. Mahal na mahal kita" si kuya paul.

"Mahal?? Paul sigurado ka ba sa mga sinasabi mo! Kase kung mahal mo ako asan ka ngayon? Asan yung taong mahal ako na dapat hangang ngayon ay nasa tabi ko pa rin. Paul kung mahal mo ako hindi ka magmamahal ng iba. Kung mahal mo ako ay hindi mo hahayaang masira ang relasyon natin ng dahil lang gusto mong magkaroon ng pamilya. Mas lalo mong ipinamukha sa akin na kulang parin ako para mahalin ka kase ang pagmamahal sa tulad namin ay panandalian lang at hindi pang matagalan. Yun ba yun paul?? Asan na yung sinasabi mong mahal mo ako?? Asan!!" Ang umiiyak na pahayag ni kuya seth.

Hindi nakagalaw si kuya paul. Tumayo nalang si kuya seth at nagsimula ng umalis.

Tama si kuya seth. Kung mahal parin sya ni kuya paul ay asan siya ngayon? Bakit iba ang kasama niya. Bakit hinayaan niya ngayong mag-isa ang taong sinasabi niyang mahal.

Umiyak lang ako ng umiyak dahil pati ko ay nakakarelate kay kuya seth..

Tumayo na ako dahil mas lalo lang akong malulungkot dito... andami kasing mag jowa sa paligid. Tumalikod na ako at aalis na sana, pero nagulat ako sa nakita ko.

Meron siyang hawak hawak na isang bouquet na roses. Dahan dahan itong lumapit sa akin at iniabot ang bulaklak.

"Jess soryy....."

________________________________________

Comment guys.. And paki vote narin :)

Mali bang magmahal? (BoyxBoy) - COMPLETED!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon