Chapter 4

10K 439 36
                                    

Jess' POV

"Sorry kung nasaktan kita. Natakot lang ako sa nararamdaman ko para sayo.

..........Pero mahal din kita jess"

Pagkatapos niyang sabihin yun ay kumalas ito sa pagkakayakap sa akin. Tinitigan niya ako sa mata at Pinunasan ang dugo sa labi ko. Halata ang pag-aalala sa kanyang itsura.

Di ko alam kung bakit niya ito ginagawa. Andito parin kami sa may exit ng canteen, nakaka-agaw narin kami ng atensyon sa mga estudyante.

Medyo Naguguluhan parin ako sa mga nangyayari kaya mas pinili ko nalang na umalis.

Tumalikod na ako at magsisimula na sana akong umalis ng hawakan niya ang braso ko para pigilan. Nanatili lang kami ng ilang minuto sa ganung eksena.

Inalis ko ang Pagkakahawak niya sa akin at tumakbo na ako papunta sa likod ng school.

Pag dating ko dun ay umupo ako sa ilalim ng puno ng mangga at nagsimula na namang tumulo ang luha ko sa mata. Samahan mo pa ng pumutok kong labi dahil sa pagkaka subsob ko kanina. Sobrang kahihiyan na ang nararanasan ko sa buhay.

(a/n: ang drama ng baklang to noh? Hahaha.. Expect niyo na yun. Gusto lang manalo ng best actress)

Nanatili lang akong nakayakap sa tuhod ko habang naka-tungo. Nang maramdaman kong may taong nakatayo sa harapan ko.. Sa pag tingala ko ay nakita ko ang isang imahe. Imahe ng lalaking minahal ko at nanakit sa akin.

Kita ko sa mukha niya ang pag-aalala at lungkot. Nakatitig lang ako sa kanya habang hiniintay ko na may magsalita sa amin.

"Jess sorry sa nangyari kanina. Hindi ko talaga intensyon na gawin sayo yun" ang pag basag niya sa katahimikan.

"Ok na yun. Pwede muna akong iwan dito" tapos ngumiti ako.

Di naman ako mahirap mag patawad eh. Kita ko naman sa mga mata niya na sincere siya sa kanyang sinasabi kaya ok na yun sa akin.

"Hindi! Hindi ok yun. Sumusobra na ako. Sana noong una palang di na kita ipinahiya. Nagsisisi tuloy ako sa mga nagawa ko sayo. Straight ako at alam ko yun sa sarili ko, pero simula nong magtapat ka sakin at pinahiya kita...." Pagpuputol niya sa kanyang sasabihin.

Naramdaman ko ang lungkot sa kanyang boses. ".... At nakita ko kung paano ka nasaktan. Nasaktan din ako. Hindi ko alam kung sa awa o ano itong nararamdaman ko pero jess, simula noon pinilit kong iwasan ka at pinilit ko ang sarili kong magalit sayo para mawala na to. Pero wala eh, mas lalo lang kitang minamahal"

"Marcus ayoko na masaktan. Sawa na akong masaktan ng pa ulit-ulit. Kaya please lang ok na sakin na humingi ka ng tawad. Mas ok na rin na kalimutan muna yang nararamdaman mo para sakin" malungkot ko ding sabi sa kanya.

Oo mahal ko na rin siya pero di ko pa alam kung handa ulit akong masaktan. Kase hindi madali ang relasyong hindi tanggap sa lipunang ito.

Lumapit sa akin si marcus at hinawakan ang kamay ko. Hinalikan niya ang likod ng kamay ko habang nakatitig sa mga mata ko. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman, kilig ba o saya.

Ganito siguro ang pakiramdam ng mga babae tuwing ginagawa ito ng mga lalaki sa kanila. Ang swerte ng mga babae noh? Ang saya sa feeling ng inaalagaan at pinapahalagahan ka.

Sana yung mga lalaki na magmamahal sa kapwa nila lalaki, sana ituring din nilang prinsesa ang kanilang prinsepe. Igalang, irespeto, mahalin at pahalagahan. Sana wag nilang perahan, pagkatuwaan o gawing pampalipas oras. Wag din sana nilang gawing laruan o kung ayaw na eh iwan nalang wag ng paasahin. Tao din sila at nangangailangan ng totoong pagmamahal.

Nakatitig lang ako sa kanya. Parang bumilis ang tibok ng puso ko, parang mabibingi na ako sa lakas nito.

Pagkatapos niyang halikan ang kamay ko ay sinakop naman nito ng dalawa nyang kamay ang magkabila kong pisngi habang nakatitig sya sa akin mata.

"Jess totoo lahat to. Totoo ang nararamdaman ko. Oo naging duwag ako pero noon yun. Mahal na kita at kahit sino pang ponsyo pilato pa yan haharapin ko basta masabi ko lang na sa akin kana"

Nagulat ako sa sinabi niya. Oo aaminin ko sa sarili ko na konting push pa nito bibigay na ulit ako.... Eh sino ba namang hindi mahuhulog sa loko na ito eh, gwapo na, matangkad at athlete pa.

"Papatunayan ko sayo na totoo lahat ng sinasabi ko. Basta hayaan mo lang akong mahalin ka" ang may pagmamalaking sabi nito.

Lumapit siya sa mukha ko at sa hindi ko inaasahang pangyayari ay lumapat ang labi niya sa labi ko.

Nagulat ako. Nagulat din siguro ito sa kanyang ginawa base sa itsura niya. Alam kong namumula na ako sa ginawa nito. Grabe ang lambot ng labi niya parang ang sarap halik halikan. Tumagal kami siguro ng mga ilang segundo at lumayo na ang mukha niya sa mukha ko.

Ngumiti siya. Pero nanatili lang akong nakatingin sa kanya.

"Bakit mo ginawa yun? Bakit mo ako hinalikan?"

"Dahil yun ang sinasabi ng puso ko kaya sinunod ko lang" sabi ni marcus.

"Ewan ko sayo" tumayo na ako at nagpagpag ng pwet. Aalis na sana ako nang hawakan niya ang bag ko mula sa likuran ko dahil sa Napalakas ang pagkakahila niya sa akin ay nag bounce ako pabalik sa kanya at niyakap ako nito ng mahigpit.

"Hindi ako susuko sayo jess, kase ikaw na ngayon ang buhay ko. Maisip ko palang na mawala ka sa akin ay parang di ko na kakayanin pa. Kaya bakit pa kita papakawalan eh kayakap na kita" tapos hinalikan niya ako sa noo.

Ang sarap pala sa feeling na halikan ka sa noo kesa halikan ka sa labi. Parang mas nirerespeto ka pag sa noo.

Kinilig ako doon.

"Tara na, sigurado na akong galit na sa atin si maam. At alam kong parang ang bilis ng mga pangyayari pero ako din di makapaniwala, basta ang mahalaga eh mahal kita at totoo yun kaya tara na jess, mahal ko" ang sabi nito habang naka-ngiti.

Kinuha niya ang bag ko at siya na ang nagdala. Hindi na ako tumangi pa. Alam ko na yung ibang bakla diyan ayaw na ginagawa silang babae. Di ka naman nila ginagawang babae, gusto lang niyang ituring kang pinakamahalaga sa kanya. Tao din lang tayo at gusto din lang nating maranasan ang na maging importante sa kanila hindi ang mag-inarte o ang magpaka pride na sasabihin na "wag mo kong gawing babae" di ka naman ginagawang babae ah, ginagawa ka lang niyang pinaka mahalagang tao para sa kanya.

Nag simula na kaming maglakad papunta sa classroom namin. Naka tingin lang ako sa kanya habang naglalakad kami. Kita ko ang saya sa mukha niya.

Habang naglalakad kami ay dahan dahan niyang nilagay ang mga daliri niya sa pagitan ng mga daliri ko. Para akong kinukuryente dahil sa mga hawak nito.

Napangiti ako.

Tumingin siya sakin.

Tumingin din ako.

Tapos nag salita ako.

"Kung mahal mo talaga ako..

.........ligawan mo ko. Ipakita mo sa akin kung paano manligaw ang isang Marcus lee"

........................................................................

Comment naman po kayo please para malaman ko naman kung ano masasabi niyo sa kwento.

Pa vote narin :)

Mali bang magmahal? (BoyxBoy) - COMPLETED!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon