Epilogue

6.9K 240 89
                                        

"Pa-pa"

Halos hindi naman mapaglagyan ng tuwa ang nararamdaman ko dahil ito ang unang beses na nagsalita ang baby namin.

Oo meron na akong anak. Si baby Denver. Simula kase noong time na sagutin ko ang asawa ko ay halos hindi mapaglagyan ng tuwa ang kanyang nararamdaman. Kaya after kong grumaduate ng kolehiyo ay niyaya niya akong magpakasal sa kanya para daw siguradong sigurado na wala nang makakapaghiwalay pa sa amin.

Pagkatapos ng honey moon namin ay kumuha agad kami ng surrogate mother na magke-carry ng magiging baby namin. Kumuha sila ng sperm sa asawa ko at nilagay sa babaeng magdadala nito. Pure german ang babae. Para atleast may lahi ang anak namin kahit na may lahing ding thai si shone.

Hindi naman kelangang makipag sex ng asawa ko para lang makabuo sila ng anak. Kumuha lang sila ng sperm sa asawa ko at yun na. Nabuo na! Gusto nga rin ng asawa ko na kumuha ng sperm mula sa akin para daw may anak din ako na galing mismo sa akin. Pero dahil nga mas unang nagbigay ng sperm ang asawa ko ay pinagpaliban muna namin dahil mahirap ang magpalaki ng mga anak lalo na at sabay ito.

2 years old na ang baby namin at ang dami naming hirap sa batang yan. Hindi na nga ako pinagtrabaho ng asawa ko. Sa bahay nalang daw ako at alagaan ko ang anak namin. Oo, hindi mawawala ang away at tampuhan naming mag-asawa pero hindi na namin pa ito pinapalaki pa!

Ang hirap palang maging magulang pero sa lahat ng hirap na ito ay saya ang kapalit, tulad ngayon. Sobrang saya naming mag-asawa dahil nakakapagsalita na ang anak namin.

Simula din noong time na sinagot ko siya magpasa hanggang ngayon ay hindi nawawala ang pagpapakilig at pagsusorpresa nito sa akin kahit na mag-asawa na kami. Parang bago parin ang lahat. Parang sa tuwing tititigan niya ako ay kinikilig parin ako sa kanya.

"Babe" ang tawag ng asawa ko sa akin. Nandito kami ngayon sa sala habang nanunuod ng t.v.

Nasa kanan ko ang asawa ko habang nakakalong sa mga bisig ko si baby denver at pinapatulog ito.

"Oh?" Takang tanong ko.

Bigla naman ako nitong hinalikan sa labi. Pagkahalik nito ay humiwalay siya.

"Wala lang. Ang saya saya ko dahil nabuo na ang pangarap ko. Ang pangarap natin na magkaroon ng masayang pamilya. Alam kong dadating ang panahon na magtatanong ang anak natin kung bakit dalawa ang tatay niya ay hindi ako mapapagod na ipaliwanag sa kanya na kahit sino pa ang maging magulang mo o kung sino man ang mahalin mo.. ang mahalaga ay mahal mo ito at totoo ang pagmamahalang yun. At ang dalawang tatay mong ito ay tunay na nagmamahalan." Habang sinasabi niya ito ay hindi nito inaalis ang pagkakatitig sa akin.

"Salamat. Salamat dahil hindi ako nagkamali na ikaw ang pinili ko. I know na kahit sino naman sa inyo ay hindi ako magsisisi pero may tao talagang mas matimbang at ikaw yun." Kita ko ang pamumula ng kanyang pisngi.

Hindi ko alam pero kinikilig din ako. Lumapit ako sa kanya at siya naman ang ginawaran ko ng halik sa labi. Pagkahiwalay ng halikan namin ay sabay kaming napangiti.

Idinikit niya ang noo niya sa noo ko.

"Jess, i mean babe, ito lang ang tatandaan mo. Pag umabot ng limang taon si baby denver ay gagawa ulit tayo ng baby ha. Mag-aanak tayo ng marami para masaya ang pamilya natin" ang sabi nito.

Napangiti nalang ako sa kanya. Palibhasa hindi siya yung nag-aalaga. Hahaha.. pero ok lang, kahit pagod yan sa trabaho at pagkarating nyan sa bahay ay siya naman ang mag-aalaga. Hanga nga ako sa asawa kong ito. Kahit pagod na pagod na at kahit nasa kalagitnaan kami ng tulog once na umiyak si baby denver ay siya ang babangon para i-hele ito. Ako nga dapat ang gagawa pero pinipigilan naman niya ako kaya no choice.

Mali bang magmahal? (BoyxBoy) - COMPLETED!Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon