Jess' POV
"Ahhhhhhhh!!" Ang sigaw ko habang nakapikit ang mata ko. Pero naramdaman ko nalang na may yumakap sa akin.
Kung ito na po ang katapusan ko ay malugod ko itong tatanggapin, para na rin po sa mga kasalanang nagawa ko.
"Beeeeepppp!!!"
Mas lalo kong ipinikit ang mata ko at hinintay ang pagbangga ng sasakyan sa amin. Ilang minuto rin akong nakapikit pero walang bumabangga sa amin.
Dahan dahan kong iminulat ang mata ko at ilang pulgada nalang pala ang lapit nito at mababangga na kami. Tiningnan ko kung sino ang yumakap sa akin. Si marcus. Kitang kita mo sa mata nito ang takot.
"Magpapakamatay ba kayo ha?!" Ang sigaw mula sa loob ng sasakyan. Bumaba ito at nagulat ako kung sino ang lalaking iyon.
"K-kuya Chard?" Ang gulat kong sabi.
"Jess?"
Nakita kong may bumaba rin sa kabilang pinto ng sasakyan si.
"Y-yohan?"
Bakit magkasama sila?
"Kuya chard, yohan bakit kayo---" hindi na nila pinatapos ang sasabihin ko.
"Oo Jess, si chard ang sinasabi ko sayong nagpapatibok ng puso ko. Siya na ngayon ang buhay ko" ang masaya nitong sabi.
"Talaga?" Yun nalang ang nasabi ko.
Kaya pala hindi ko na madalas makita si kuya chard.
Tumingin ako kay marcus at kitang kita mo sa mga mata nito ang pag-aalala sa akin. "Salamat".
Ngumiti lang ito bilang tugon. Tiningnan ko ang kalagayan ni mama, buti nalang at ok siya.
Huminga ako ng malalim at nagpasalamat kay lord.
"Jess, tita ...sorry po! hindi ko po sinasadya" ang nakatungong sabi ni kuya chard habang humihingi ito ng paumanhin.
"Hindi! Ok lang. Kasalanan ko naman. Hiindi ako aware sa mga sasakyang dumadaan" ang sabi ni mama.
"Tara po! sumakay na po kayo sa akin tita, kuya shone ihahatid ko na po kayo" ang paanyaya ni kuya chard.
Tumango lang sila.
"Sige. Jess uuwe na kami ng mama mo para naman makapagpahinga narin siya" ang pagpapaalam ni kuya chard.
Tumango lang ako at kumaway sa kanila.
Nagpaiwan narin si yohan. Pero bago pa umalis sila kuya chard ay lumapit pa ito kay yohan at mabilis na hinalikan sa pisngi. Kita ko ang pamumula nito.
"Tara pasok na tayo" ang sabi ni yohan.
Hindi parin nawawala ang pamumula nito.
Tumango lang ako at nagsimula na kaming maglakad. Inakbayan lang ako ni marcus.
Nagpapasalamat talaga ako kay marcus dahil handa nitong itaya ang buhay niya para sa akin. Napangiti nalang ako sa kanya.
Habang naglalakad kami ay hindi ko maiwasang tanongin si yohan.
"Ahmm.. yohan.. ano kase.. ahmm" ang kinakabahan kong sabi.
Tumawa lang ito.
"Ano nga kase yun? Diretsahin mo nalang kaya ako haha" ang tawa nito.
"P-panong naging kayo ni kuya chard at kelan pa?" Huminga ito ng malalim at sinimulang magkwento.
Hangang sa ikwento nito kung paano naging sila ni kuya chard at napag-alaman ko dito na pareho pala silang broken hearted noong time na yun sa isang bar. Nakita daw siya ni kuya chard at nilapitan ito. Noong una ay nagpakilala ito at sinabi na nakita daw ni kuya chard si yohan na kasama ako at alam na nito kung bakit kami magkasama.
![](https://img.wattpad.com/cover/53778242-288-k749252.jpg)
BINABASA MO ANG
Mali bang magmahal? (BoyxBoy) - COMPLETED!
RomanceAko si Jess, labing limang taong gulang. Isa akong bakla at hindi marunong magmahal. Paano kung sa mura kong edad ay magmahal ako ng tatlong lalaki. Lalaking matanda sa akin, lalaking una at lihim kong minamahal at ang lalaking hindi ko dapat mahal...