Jess' POV
Pagkarating na pagkarating namin ni tatay shone sa bahay ay hinawakan niya ang kamay ko at hinila papunta sa kusina.
Nakita ko naaman si mama na bising bisi sa kaniyang ginagawang pag-aayos para sa aming kakainin sa hapunan.
"Oh anak, buti naman at nahanap ka ng tatay mo. Alam mo bang hindi yan mapakali kakahintay sayo" ang sabi ni mama habang patuloy parin ito sa kanyang ginagawa. Humalik lang ako sa pisngi nito.
Nakita kong lumapit si tatay shone kay mama at humalik sa pisngi ni mama. Medyo nagselos ako sa ginawa ni tatay shone kaya yumuko nalang ako.
"Pumunta lang po ako sa park" yun nalang ang idinahilan ko.
"Sa susunod anak, magpaalam ka naman. Nag-aalala kami sayo ng tatay mo. Paano ka namin hahanapin kung hindi namin alam? Paano nalang kung may nangyari sayong masama?" kita ko ang pag-aalala sa mukha ni mama
"Sorry po Ma" ang paghingi ko ng paumanhin.
"Oh siya, maupo kana diyan at sumabay kana sa aming kumain"
Umupo na ako sa tapat nila. Magkatabi si mama at tatay shone habang ako ay tapat nila. Kukunin ko na sana yung kanin para magsandok sa pinggan ko ng bigla nalang kunin ito ni tatay shone at siya na mismo ang naglagay ng kanin ko sa pinggan. Siya narin ang nagsalin ng ulam ko.
Aaminin ko kinilig talaga ako sa ginawa niya. Nginitian ko lang si tatay shone.
"Salamat" ang sabi ko.
"Kain ka ng marami. Tingnan mo nga yang katawan mo ang payat payat mo na" pang-aasar nya.
"Che! Hindi ako payat noh! Sexy ang tawag dito" sinimangutan ko lang siya pero tawa lang siya ng tawa.
"Mukhang sobrang close na kayo ng magiging tatay mo anak. Mabuti naman at wala ng problema" kinabahan naman ako bigla sa sinabi ni mama. Parang sinasabi nito na malapit ko na syang maging totoong tatay at wala na talaga kaming pag-asa.
Itinuloy ko nalang ang pagkain ko... medyo nawalan na ako ng ganang makipagkulitan. Habang patuloy akong kumakain ay kita ko ang pa nakaw tingin ni tatay shone na parang nagtatanong ito kung bakit bigla akong nanahimik.
Nasa ganoon kaming sitwasyon ng bigla nalang may kumatok sa pinto.
"Anak buksan mo na muna yung pinto" ang utos ni mama. Wala na akong nagawa kundi ang ako ang magbukas ng pint.... pagbukas ko ng pinto ay nakita ko si kuya chard na bihis na bihis at may dala dalang bulaklak at tatlong chocolate.
"Kuya chard anong gi---" hindi ako nito pinansin at walang habas syang pumasok at dumiretso papunta sa kusina kung nasaan sila mama. Sinara ko naman ang pinto at sinundan sya papuntang kusina. Kita ko lang na naka tayo dun si kuya chard.
"Oh chard mukhang bihis na bihis ka ah.. Saan ang lakad mo ngayon? Parang may liligawan ka ata" Ang tanong sa kanya ni mama. Umupo na ako sa upuan ko at sinimulan ko na uling kumain.
"Liligawan ko po sana ang anak nyo. Liligawan ko po si jess" ang diretsang saad nito. Naibuga ko naman ang pagkain na nasa bibig ko. Kumuha ako ng tubig kase nga nabilaukan ako sa kanyang ipinahayag. Totoo ba to? Liligawan nya talaga ako sa harap pa mismo ni mama at ni tatay shone?? Kita ko ang gulat base sa reaksyon nila. Pero ngumiti lang si mama.
"Sige na, maupo ka dyan at sumabay kana sa aming kumain" seriously?? Urghh.. Namumula na ako sa hiya. Mama naman?!!
"Payag po kayo tita na ligawan ko ang anak nyo?" Ang tanong ni kuya chard. Kita ko ang saya sa mukha nito.
"Hindi ko sinasabing payag ako o hindi! At saka hindi ko rin sinasabing hindi! Pero ang anak ko ang magdedesisyon nyan.. ang akin lang, ay ayokong maging bastos sa mga manliligaw nito. Eto lang ang tatandaan mo chard may bf si jess at alam mo yun" si mama.
BINABASA MO ANG
Mali bang magmahal? (BoyxBoy) - COMPLETED!
RomanceAko si Jess, labing limang taong gulang. Isa akong bakla at hindi marunong magmahal. Paano kung sa mura kong edad ay magmahal ako ng tatlong lalaki. Lalaking matanda sa akin, lalaking una at lihim kong minamahal at ang lalaking hindi ko dapat mahal...
