Jess' POV
Alam mo kung anong nakakasawa?? Yung paulit-ulit nalang ang nangyayari sa tunay na buhay. Yung wala kanang choice kundi tanggapin ito at alamin kung paano ka makakabangon sa bawat pangyayaring daan sa buhay mo. Oo nga at may choice tayo. Oo nga at may isip tayo. Pero ikaw! Natanong mo na ba ang sarili mo kung ano ang susunod na mangyayari? Natanong mo na ba sa sarili mo kung itutuloy mo pa ba o susuko kana?? Ako kase Oo... ngayon lang. Ngayon kulang naitanong sa sarili ko kung tama pa ba ang ginagawa ko. Kung itutuloy ko pa ba ang pag-ibig ko sa kanya. Ang sakit lang... parang sinampal sa akin ang katotohanang isa lang kaming bagay.
Tao ka nga pero salot naman ang tingin sayo. Magmahal ka pero ipapamukha naman sayo na hindi ka tanggap sa lipunang ito. Mamahalin ka nga pero ang iisipin sayo ng ibang tao ay pera lang ang habol sayo. Nagmamahalan kayo pero sa bandang huli sa babae parin ang bagsak nila. Doon parin sila sa tama babagsak. Sa tama kung saan kayo makakabuo ng masayang pamilya na kahit kelan ay hinding hindi namin maibibigay. Para kaming isang bagay. Bagay na gagamitin lang pag gusto nila. Bagay na itatapon nalang pag ayaw na nila. Bagay na makakapawi ng kanilang kalungkutan. Bagay makakapagbigay sa kanila ng pansamantalang kasiyahan. Bagay na kung saan ay hindi nila alam na nasasaktan na pala kami. Bagay na kung saan ay gusto rin namang makalasap ng kasiyahan. Bagay na kung saan ay kaya kaming pahalagahan at mahalin katulad nila. Bagay na tatanggap samin.
Tao rin kami! Hindi kami hayop, bagay o kung ano pa man. Pero bakit ganun? Bakit ang dami dami naming dapat patunayan para lang tanggapin at mahalin kami. Tinggan mo ang pinagdadaanan namin. Sabihin niyo kung ano ang pinagka-iba natin. Ipakita niyo kung may mali samin. Ipakita niyo na hindi kayo nagkakasala o nakakagawa ng kasalanan. Hindi kami bakla, tomboy, bisexual o transgender. Tao kami!! Ganun kasimple. Ganun kadali pero bakit ang hirap para senyo ang maunawaan ang bagay na yun.
Sobra akong nasasaktan. Sobra na ang luhang pumapatak sa aking mga mata ngayon. Sobra na.. sobrang sakit na... umiyak lang ako ng umiyak habang yakap yakap ko ang tuhod ko. Nandito kase ako ngayon sa tabing ilog kung saan ako tumatambay kapag nalulungkot o nasasaktan ako. Payapa kase sa lugar na to. Mababaw ang tubig mula sa ilog. Sariwa ang hangin na sinabayan pa ng huni ng mga ibon. Makukulay ang paligid nito dahil sa mga puno at bulaklak na talaga namang kamangha mangha Ang sarap sa pakiramdam. Pero nakakalungkot lang na ang lugar na to ay iniiyakan ko ngayon, pero ang totoo niyan ay umiiyak ako dahil sa nalam ko. Dahil sa isang bagay na nagpabago sa akin. Nagpabago sa aking desisyon. Sana hindi nalang to nangyari pa....
Tumingala ako upang tingnan ang kulay asul na asul na kalangitan. Hindi kase ako pumasok ngayon dahil wala akong ganang pumasok dahil sa ibinalita ni mama. Hindi rin sana papasok si marcus pero pinilit ko siya at sumunod naman siya sa utos ko. Nagtatanong siya kung bakit hindi ako papasok pero sinabi ko lang na masama ang pakiramdam ko. Kilala ko na yang si marcus basta pagdating sakin under ko yan pero mahal na mahal ko yan.
"Jess..." ang pagtawag sa atensyon ko. Kialala ko ang boses na yun pero hindi ko siya nilingon.
"Jess makinig ka naman sakin oh! kausapin mo naman ako" ang nagsusumamo niyang pakiusap ng makalapit siya sakin. Pagkalapit niya sakin ay Lumuhod ito sa harap ko at Hinawakan ang aking kamay pero tinanggal ko rin ang pagkakahawak nito sakin.
"Jess naman.... Nagmamakaawa ako sayo,makinig ka naman sakin oh" alam kong umiiyak narin siya kase kahit hindi ako nakatingin sa kanya ng deretso ay kita ko parin ang mga luhang pumapatak sa kanyang mga mata. Alam kong nasasaktan siya, pero ako ba hindi? Ako ba ay manhid para hindi masaktan? Ganun ba yun? Sa inis ko ay sinagot ko siya.
"Ano pa bang pag-uusapan natin? Tanggap ko na! At wala akong laban dun...." nanggigilid na ang luha sa mga mata ko. "tatay shone wala.. walang wala" habang sinasabi ko ang mga katagang yun ay hindi ko na talaga mapigilang maluha. Nanghihina ako dahil sa katotohanang hangang dun nalang kami. Hangang panandalian lang ang meron kami.
BINABASA MO ANG
Mali bang magmahal? (BoyxBoy) - COMPLETED!
CintaAko si Jess, labing limang taong gulang. Isa akong bakla at hindi marunong magmahal. Paano kung sa mura kong edad ay magmahal ako ng tatlong lalaki. Lalaking matanda sa akin, lalaking una at lihim kong minamahal at ang lalaking hindi ko dapat mahal...
