Chapter 36

3.7K 216 23
                                        

Jess' POV



"Late ka na naman umuwe!!" Sigaw ni mama sa akin. Pinalo niya ako at sinipa na naging dahilan para tumumba ako.

Ganito lage ang madadatnan ko sa tuwing uuwe ako sa bahay. Hindi ako umimik. Hindi ako umiyak. Isa na akong manhid, manhid na wala nang maramdaman.

Hindi ko naman magawang umuwe ng tama sa oras dahil minsan late na kami pinapauwe ng teacher namin.

Tumayo ako at dumiretso na sa kwarto at nahiga nalang.

Sawang sawa na ako sa pananakit sa akin ni mama kaya siguro sa tuwing pagbubuhatan ako nito ng kamay ay hindi ko na magawang umiyak dahil nga sa manhid na ako.

*******

Lunch break at kasama ko ngayon si marcus. Simula kase ng makita nito ang pananakit sa akin ni mama ay hindi na ako nito magawang iwan.

Ganoon din si tatay shone. Hindi rin ako nito pinapabayaan kase lage ako nitong pinagluluto ng pagkain tuwing umaga. Patago rin ako nitong kinakamusta kapag may bibilhin siya ay dadaan ito sa school namin at duon ako kakausapin.

"Jess ok kalang ba?" Tanong ni marcus habang kumakain kami.

"Oo naman. Ok lang ako, ikaw ba?" Pabalik kong tanong sa kanya.

"Ok lang ako pag ok ka, pero hindi ako ok pag hindi ka rin ok." Nakatitig lang siya sa akin habang sinasabi yun. Ewan ko ba pero parang kinilig ako sa sinabi niya.

Hindi ako sumagot at sumubo lang ako ng pagkain. Pinipigilan kong ngumiti sa sinabi nito. Kinikilig kase ako.

"Hindi ka naman ok eh! Tingnan mo namumula ka" ang sabi nito. Oo namumula ako sa kilig.

"Eeeee.. kumain ka nanga lang diyan ang kulit mo. Wala nga akong sakit, ok?" Tumawa siya ng tumawa.

"Alam mo ang cute mo" ang sabi nito na lalong nagpapula sa mukha ko.

"Ikaw nga ang gwapo mo e" ang mahina kong sabi habang kumakain ako.

"Ano ulit yun?" Ang tanong niya.

Hala? Narinig pala nito.

"Wala. Ang sabi ko kumain ka na diyan" pero parang hindi siya naniniwala kaya kinulit ako nito.

"Ano nga kase yung sinabi mo? Sige ka hindi ako kakain" ang pagpapaawa nito. Nakakatuwa siya kase para siyang bata, ang cute lang.

"Bahala ka diyan, hindi naman ako ang magugutom eh" ang sabi ko. Nagpatuloy ako sa pagkain pero hindi talaga ito kumakain, nagpapaawa parin siya. Huminga ako ng malamim.

"Oo na po. Ang sabi ko po ay ikaw nga diyan ang gwapo gwapo mo" para itong batang tuwang tuwa sa sinabi ko. Pano kase tumayo pa ito.

"Talaga?" Tumango ako bilang sagot.

Lumapit ito sa akin at hinalikan ako sa pisngi. Nagulat ako sa ginawa niya kase nasa karinderya kami.

"Hala bakit mo ginawa yun? Ang dami kayang tao dito" ang sabi ko.

"Eh ano bang pakialam nila, inggit lang sila"

"Ayoko na kasing magkaroon na naaman ng isyo lalo na kung tungkol sa akin o sa atin o kahit kanino man.. alam mo naman di ba? Sana maintindihan mo" Ang sabi ko sa kanya. Nakita kong lumungkot ang mukha nito.

"Sorry.. hindi ko lang kase maiwasang matuwa sa sinabi mo" yumuko lang ito alam kong nalungkot siya. Hayyysss.. huminga ako ng malalim at ngumiti.

"Ano ka ba ok lang yun hehehe.. alam kong hindi mo lang maitago ang kasiyahan diyan sa puso mo" hinawakan ko siya sa kamay. Tumingin ito sa akin at ngumiti. Ang gwapo talaga niya.

Mali bang magmahal? (BoyxBoy) - COMPLETED!Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon