Chapter 37

3.9K 226 21
                                        

Jess' POV

"Kringggggg.. kringgg..." tunog mula sa alarm clock.

Kinuha ko ang cellphone ko na kanina pa tunog ng tunog. Pinatay ko. Ipapatong ko na sana ito sa side table ng makita kong merong nakahaing pagkain dito. Sa tabi naman nito ay merong papel na nakatupi.

Kinuha ko yung papel na nakatupi at binuksan ito.

"Good morning jess, kainin mo yan ah at saka huwag kang magpapagutom, tingnan mo namamayat ka na oh, nag-aalala na ako sayo. Pupuntahan kita sa school mamayang tanghali ah. I love you :*

-tatay shone"

Pagkatapos kong basahin ay Tinupi ko na ito at ipinatong sa side table. Kinuha ko yung pagkain at sinimulang kainin.

Habang kinakain ko ito ay hindi ko maiwasang ngumiti at kiligin dahil sa effort na ginawa ni tatay shone.

Pagkatapos kong kumain ay naligo na ako at nagbihis. Pagbaba ko ay nakita ko si mama at tatay shone na sabay na kumakain.

Lumapit ako kay mama para sana magpaalam pero ganoon parin ang pakikitungo nito sa akin, galit parin siya. Tiningnan ko lang si tatay shone at pumasok na ako.

Nandito na ako sa school at nakita ko si marcus na papalapit sa akin.

"Hi" bati nito sa akin.

"Hi" bati ko rin sa kanya.

Kinuha niya yung bag ko.

"Ako na magdadala nito ah, di ba sabi ko sayo liligawan uli kita" ang sabi nito at sinukbit nito ang bag ko sa balikat niya.

Hindi na ako nagsalita pa at nagpatuloy na kami sa paglalakad.

"Bakit?" Ang tanong ko. Kanina pa kase siya nakatitig sakin habang naglalakad kami papuntang room.

"Wala lang. Masaya lang ako kase ok na tayo" ang masaya nitong sabi.

Napangiti na lang ako.

Maayos naman ang buong klase namin. Si marcus naman bumalik sa dati, bumalik ang kakulitan niya. E paano ba kase hawak siya ng hawak sa kamay ko.

"Sabay na tayong mag lunch" yaya sakin ni marcus habang inaayos ko ang gamit ko.

"Ah eh.. me pupuntahan kase ako, pwede bang sa susunod nalang" ang sabi ko rito. Medyo nalungkot siya pero napalitan din agad at ngumiti ito.

"Sige ah, aasahan ko yan ah"

Ngumiti lang ako at tumango.

Paglabas ko ng gate ng school ay nakita ko si tatay shone sa kabilang kalye na kanina pa siguro ako nito iniintay. Kumaway ako dito na agad naman nitong napansin. Tumawid ito para lumapit sa akin.

Grabe ang gwapo talaga ni tatay shone. Paano ba kase halos lahat ng babae ay nakatingin sa kanya.

"Tara" ang yaya nito sa akin.

"Ah eh saan po ba tayo pupunta?" Wala talaga akong ideya kung saan kami pupunta.

"Kakain tayo! Tanghali na kaya at malamang gutom kana" ang pogi pogi talaga ni tatay shone, hindi nakakasawang tingnan.

Magsasalita pa sana ako ng hilahin ako nito. Hindi nalang ako umimik pa. Hila hila ako nito na hindi ko alam kung saan kami pupunta, medyo malayo layo narin ang nilakad namin tapos hawak hawak pa nito ang kamay ko. Magka holding hands kami. Ewan ko pero nakaramdam ako ng kuryente na siyang nagbibigay ng kilig sa akin.

"Baka naman matunaw na ko niyan" ang biglang sabi nito sa kalagitnaan ng paglalakad namin.

Hala!! Kanina pa pala ako nakatitig sa kanya.

Mali bang magmahal? (BoyxBoy) - COMPLETED!Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon