Jess' POV
Nandito ako ngayon sa park habang pinagmamasdan ko kung gaano sila kasaya. Kita mo sa mata ng mag-asawa kung gaano sila kasaya habang tinuturuan nilang maglakad ang kanilang anak.
Ang saya nilang tingnan. Hindi ko alam kong bakit pero nalulungkot ako.
Ngumiti nalang ako habang tinitingnan ko sila. Parang nangyari na kase to dati at ang senaryo ko pa noon ay umiiyak ako dahil sa pangre-reject sa akin ni marcus.
Huminga ako ng malalim at tumayo. Alam kong sa mata ng tao ay babae at lalaki lang ang may karapatang mabuhay ng normal. Ang mabuhay at magkaroon ng anak at ng masayang pamilya. Pero sana dumating ang araw na matanggap nila na kahit ang parehong kasarian ay may karapatang bumuo ng sariling pamilya at magka-anak.
Ilang linggo narin matapos akong halikan ni tatay shone. Ilang linggo narin ang lumipas at Nagkapatawaran na rin kami ni leslie.
Pero sa nakalipas na buong linggo ay naguguluhan parin ako. Hindi ko alam sa kanila kung sino ang totoong mahal ko.
Haysss!!
Tumingala ako sa langit. Ang ganda ng panahon ngayon. Ang aliwalas ng kalangitan. Makikita mo dito ang kulay asul na asul na kalangitan habang nagkalat ang mga ulap kasabay pa nito ang sariwang hangin na malalanghap mo sa probinsya.
Ang sarap mabuhay sa mundong ito. Pero bakit ganun? Bakit ang sakit? Bakit sila may pamantayan at bakit kelangang husgahan?!
Patuloy lang ako sa paglalakad hangang sa makita ko si marcus. Nilapitan ako nito.
"Jess kanina pa kita hinahanap ah! Saan ka ba nagpunta?" Nag-aalalang tanong ni marcus.
"Doon lang sa park. Pasensya na" tumango lang ito.
"Tara na, marami pa tayong gagawin ngayong araw" at bigla ako nitong hinawakan sa kamay.
Hindi ko alam kung saan kami pupunta. Basta ang sabi nito magde-date daw kami at magpapakasaya.
Nagpatianod nalang ako kay marcus.
Hapon na at maggagabi na rin ay hindi pa rin kami nakakarating sa aming pupuntahan. Medyo malayo na kami sa aming bayan at patuloy parin kami sa paglalakad. Hindi talaga nito binibitawan ang kamay ko. Medyo nahihiya na rin kase ako eh, kase ba naman ang daming taong nakatingin sa amin. Pinipilit ko naman tanggalin ang pagkakahawak nito sa kamay ko pero mas lalo lang nitong hinihigpitan kaya pinabayaan ko nalang.
Nagulat nalang ako ng huminto kami.
"P-perya?" Ang nauutal kong sabi.
"Oo, hindi mo ba nagustuhan?" Medyo malungkot nitong sabi.
"Baliw! Syempre nagustuhan ko kaya. Ang saya ko nga eh, ang tagal ko ring hindi nakapunta sa ganitong lugar" ang medyo mangiyak ngiyak kong sabi.
Hindi ako nag-iinarte o ano, pero ang tagal na rin ng panahon ng huli akong makapunta sa ganito.
Lumapit ito sa akin at pinunasan ang luhang lumabas sa mata ko. Dahil sa sobrang saya ko ay hindi ko maiwasang yakapin ito ng mahigpit.
"Salamat" ang sabi ko sa kanya habang nakayakap parin ako.
"Wag ka munang magpasalamat dahil hindi pa tayo nagsisimula" at napangiti ako sa sinabi niya.
Hinawakan niya ang tigkabila kong pisngi at hinalikan ako sa noo. Pagkatapos niya akong halikan ay hinawakan niya ang kamay ko at pumasok na kami sa perya.
Una niya akong dinala ay sa caterpillar. Sunod naman ay sa horror booth then sa horror tren. Ewan ko ba sa kanya dahil enjoy na enjoy siya tuwing nakikita niya akong natatakot. Eh pano ba kase tuwing matatakot ako ay yayakapin ko siya ng mahigpit at ito namang mokong nato ay tawa ng tawa. Nakailang ulit kaming bumalik sa horror booth at horror tren, alam ko naman ang nag-eenjoy siya tuwing yayakapin ko to. Bilang pambawi ay hinahayaan ko nalang.
BINABASA MO ANG
Mali bang magmahal? (BoyxBoy) - COMPLETED!
عاطفيةAko si Jess, labing limang taong gulang. Isa akong bakla at hindi marunong magmahal. Paano kung sa mura kong edad ay magmahal ako ng tatlong lalaki. Lalaking matanda sa akin, lalaking una at lihim kong minamahal at ang lalaking hindi ko dapat mahal...