Chapter 30

4K 225 11
                                        

Jess POV

"Jess, ok kalang ba?" Ang nag-aalalang tanong ni marcus.

"O-ok lang ako, ano ka ba hahaha" ang pagsisinungalin ko kahit sa loob loob ko ay sobrang sakit na.

"Sigurado ka ha! Tara! Hindi kaya magalit ang mama mo niyan kung hindi ka sa inyo matutulog?

"Hindi, sabihin ko nalang na may ginawa tayong project at ginabi na tayo sa daan kaya hindi mo na ako naihatid pa" ang sabi ko.

"Pero jess--"

"Ok nga lang" ako.

"Sige na nga" at hinawakan niya ako sa kamay at sabay kaming sumakay sa tricycle.

Habang nasa biyahe kami ay sobrang tahimik ko. Hindi ako umiimik, nakatingin lang ako sa mga nadaraanan namin. Naramdaman ko nalang na umakbay sakin si marcus kaya napalingon ako sa gawin niya. Paglingon ko sa kanya ay binigyan niya ako ng kanyang matamis na ngiti, nginitian ko rin siya.

"Jess doon muna tayo sa bahay ng pinsan ko tutuloy ah" ang sabi niya.

"Oo naman. Kahit saan mo pa ako dalhin basta ba kasama kita ay ok lang" alam kong kinilig siya sa sinabi ko kase sobrang pula na nang kanyang mukha. Ang cute lang. Pinisil niya ang ilong ko at binigyan niya ako ng halik sa noo.

"Jess mag live-in na kaya tayo. Gusto na kase kitang alagaan at gawing misis ko" dahil sa sinabi niyang yun ay hindi ko maiwasang paluin siya sa braso pero mahina lang. E, pano kase ako naman ang namula sa sinabi niya, hindi talaga magpapatalo tong ulupong na to pagdating sa ka kornihan.

"Heh!! Wala ka pangang trabaho, yan na kaagad ang iniisip mo. Saka na pag kaya mo na akong buhayin at pagnakatapos na tayo ng pag-aaral, e high school panga lang tayo"

"Kaya na kitang buhayin, mag tatrabaho ako at mag-aaral ng sabay" siya.

"E mahirap yun..mag-aral muna tayo" ang naka-pout kong sabi. Natawa lang siya. Tinitigan niya ako sa mata ng seryoso.

"Jess.. walang mahirap pagdating sayo, lahat gagawin ko para sayo, para patunayan ko na kahit ganyan ka ay dapat kayong irespeto." hindi ko alam kong matatawa ako o maiiyak sa mga sinasabi niya. "Jess.. pagnakipag halikan kaba ng nakapikit ay alam mo ba kung babae o lalake ang kahalikan mo. Di ba hindi? Pag ineX-ray ba ang dalawang taong naghahalikan ay alam mo ba kung babae o lalaki o parehong babae o lalaki ang naghahalikan, di ba hindi? Jess.. ang ibig sabihin lang nun na ang love ay walang mata,kasarian, edad o estado sa buhay. Kung hindi nila kayang ipakita na normal tayong couple, ako kaya ko kase mahal kita at walang mali dun" dahil sa sinabi niyang yun ay niyakap ko siya ng mahigpit at hinalikan sa pisngi. Tama siya, babae ka man o lalake kung mahal mo ang isang tao ay dapat marunong kang rumespeto at irespeto ang pagmamahal na meron sila.

"I love you" ang sabi ko.

"Mahal din kita" ang sabi ni marcus at binigyan niya ako ng mabilis na halik sa labi. Hindi na ako nahihiyang ipakita sa kanila kung ano ako. Kung ano kami, kase wala kaming ginagawang masama. Kung sa tingin nila ay mali itong ginagawa namin ay hindi ako hihingi ng pasenya, bakit? Simple lang. Hindi lang ikaw ang tao sa mundo at hindi lang ikaw ang may karapatang magmahal at maging masaya.

*********

Pagkarating namin sa bahay ng pinsan ni marcus ay nagbayad na kami kay manong.

"Salamat po manong" ang sabi ni marcus.

"Jess dito nga pala ako tumutuloy sa pinsan ko pag meron tayong pasok." Ang sabi niya habang naglalakad kami papunta sa gate ng pinsan ni marcus. Nang tingnan ko ang bahay ay hindi naman siya ganun kalaki pero makikita mo dito na modern siya. Pinindot ni marcus ang door bell, pagkapindot ng mga tatlong pindot ay narinig na namin ang pagbukas ng gate. Pagkabukas ng gate ay bumungad sa amin ang isang matandang babae na kung titingnan mo ang uniform niya ay mahahalata mong isa siyang kasambahay.

Mali bang magmahal? (BoyxBoy) - COMPLETED!Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon