Jess' POV
Tumayo na ako pagkatapos kong kumain. Sabay sabay kami nila mama at ni Tatay sho... ang di ko masabi ng maayos. kahit sa isipan ko di ko masabi ang pangalan niya dahil sa ginawa niyang pambababoy sa akin kagabi.
Dumating na si mama kani kanina lang at tinawag niya ako sa kwarto ko para kumain dahil may dala daw siyang pagkain para sa almusal namin. Sa totoo lang wala akong balak pumasok at lumabas ng bahay. Parang nahihiya ako sa sarili ko, nahihiya ako sa mama ko. Di ko alam kung bakit pero parang biglang may nagbago sa akin kahit kagabi lang siya nangyari.
Di ko na muna pinansin yun at tumayo na ako para tuluyan nang pumasok sa school. Papalabas na sana ako ng bahay ng biglang may humawak sa braso ko. Nagulat ako at nanginig sa takot. Hindi ako makagalaw dahil baka si tatay shone nanaman ito. Parang na trauma ako sa nangyari. Ito na ata yung pagbabagong nangyari sa akin, na Mabilis akong magulat at matakot dahil sa kanya.
Alam ko na kung sino ang humawak sa akin. Si mama. Parang nagulat din sa akin si mama sa reaksyon at mga kinikilos ko kase hindi ako nagsasalita kanina pa habang kumakain kami tapos hindi pa ako nagpaalam sa kanya na aalis na ako papuntang school. Ganoon kase ako tuwing papasok sa school. Nagpapaalam ako sa kanya at humahalik sa pisngi niya, pero di ko na magawa ngayon kase dahil sa nangyari nga sa amin ni tatay shone. Parang niloloko namin si mama kahit wala akong kasalanan.
Di parin ako humaharap sa kanya.
"Anak may problema ba?" Ang tanong ni mama.
Halata ang pag-aalala sa boses niya.
"Ma, wala po! ok lang po ako. Nagmamadali lang po ako kase marami pa kaming gagawin sa school" di parin ako humaharap sa kanya.
"Ah ganun ba? Oonga pala anak ipapahatid nalang kita sa driver natin. Teka, tatawagin ko lang siya" ang sabi ni mama.
Ha? Ipapahatid? Kanino naman? Wala naman kaming sasakyan ah, baka naman yun yung sasakyang nakita ko kagabi.
"Chard" ang pagtawag ni mama doon sa lalaki. "Hatid mo nga itong anak ko sa school para di na siya mag commute pa"
At bigla nalang may lumapit na lalaki sa amin. Matangkad siya, moreno, matangos ang ilong at gwapo. Mukha pala siyang bata kung titingnan.
"Anak si chard nga pala ang magiging driver natin at driver mo narin. 20 years old lang yan. Pamangkin siya at Pinapaaral siya ng tatay shone mo. Ngayon lang siya dumating kase lumuwas pa siya ng maynila para kumuha uli ng panibagong lisensya" ang pagpapakilala ni mama dito.
Tiningnan ko lang si kuya chard at nakita kong nakatingin din lang ito sa akin.
Lumapit siya at inilahad ang kamay nito sa akin. Tiningnan ko lang ang kamay nito na nag-aantay sa pakikipagkamay ko.
"Titingnan mo lang ba yan anak? Baka Mangawit ang kuya chard mo" ang sabi ni mama.
Para naman akong natauhan kaya Iniabot ko na ang kamay ko sa kanya para makipag kamay. Pero parang ayaw na nitong bitawan ang kamay ko. Kaya ako na mismo ang bumitaw.
"Ma, magko-commute nalang po kaya ako."
Sana pumayag si mama.
"Anak di pwede! Ayaw mo nun? mas mapapabilis ang pagpunta mo sa school tsaka para di ka na mamasahe pa"
Wala na akong nagawa kundi ang sumakay sa kotse ni tatay shone. Di ko parin pala nasasabi sa inyo na mayaman si tatay shone. Meron silang palaisdaan sa probinsya namin at dinidiliver sa manila.
Habang bumabyahe kaming pareho ay wala ni isa sa amin ang gustong magsalita. Hanggang nasa kalagitnaan na kami ng byahe saka lang ito nagsalita.
"Ako nga pala si Richard, pero chard nalang ang itawag mo sa akin para hindi ka na mahirapan pa. Tiyo ko nga pala ang tatay shone mo. Siya na ang tumutulong sa akin ngayon, simula ng mamatay ang mga magulang ko noong 10 years old palang ako. Tinuruan ako ni tito shone na mag maneho simula ng ampunin niya ako. Di na ako nakapag tapos ng pag-aaral ko dahil tinamad na ako, kaya nagtrabaho nalang ako sa kanya bilang driver. Naghahanap kase siya ng driver. Ayaw nga niya sa akin pero nagpumilit ako para may kitain din ako kesa naman mapunta sa iba ang ibabayad ni tito, di ba? Sa akin na rin para tulong narin sa akin"
BINABASA MO ANG
Mali bang magmahal? (BoyxBoy) - COMPLETED!
RomanceAko si Jess, labing limang taong gulang. Isa akong bakla at hindi marunong magmahal. Paano kung sa mura kong edad ay magmahal ako ng tatlong lalaki. Lalaking matanda sa akin, lalaking una at lihim kong minamahal at ang lalaking hindi ko dapat mahal...