Paki play nalang po ng kanta sa multimedia "like im gonna loose you"
____________________________________
Jess' POV
Hinihintay ko si marcus sa canteen kase Siya na daw ang bibili ng kakainin namin ngayong lunch break. Kinuha ko muna ang cellphone ko sa bag at nagsimulang maglaro ng kung ano-anu kase masyadong mahaba pa ang pila sa canteen.
Habang nasa kalagitnaan ako ng paglalaro ay naramdaman ko nalang na may tumapong tubig sa damit ko. Hindi pala tubig, juice pala.
"Sorry hindi ko sinasadya" ang paghingi nito ng tawad. Teka, parang kilala ko kung kaninong boses yun ah..iniangat ko ang ulo ko mula sa pagkakayuko para makita ko ang taong nakatapon ng juice sakin at hindi ako nagkamali sa nakita ko.
"Leslie?"
"Oo ako nga to friend. Sorry ha, akala ko kase basahan. Ikaw lang pala yan" parang nainis naman ako ng konti sa kanyang sinabi.
Lalapitan nya sa ako para punasan, pero pinigilan ko siya.
"Wag na ok lang ako" ang nakangiti kong saad.
"Ganun ba? Sorry talaga, ikaw kase eh.. masyado kang MALANDI" na binigyang diin ang salitang malandi.
Hindi ko alam kung anong nangyayari sa besfriend ko.
"Leslie... Ano bang nangyayari sayo bakit ka nagkakaganyan?" Ang di ko maiwasang tanong sa kanya.
"Ikaw! Anong nangyayari sayo? Hindi ka naman ganyan dati ah, noong una ok lang sakin na kahit sinong lalaki ang kasama mo pero ang isa-isahin mo lahat ng gwapo dito sa school natin, especially marcus.. parang sobra na ata yun"
"Hindi naman ako ang lumalapit sa kanila eh Sila ang lumapit sakin. Hindi mo rin naman ako masisisi at saka wag kangang makapagsalita dyan ng kung anu-ano kase, hindi mo alam ang pinagdaanan ko" napatayo na ako kase sobra na sya. Naiinis na talaga ako.
"Malandi ka parin. Hindi mo ba alam na kaya ayaw kong sagutin ang mga manliligaw ko kase..."
"Kase ano? Kase si marcus ang mahal mo? Ganun ba? Leslie kami na! Kami na ni marcus. Sorry pero mahal ko din siya" ang pag-amin ko dito hindi kase nya alam na kami na. Ayoko rin namang lokohin siya. Kaya pala noong mga nakaraan araw ay hindi na ito naglalapit sakin. Hindi ko narin naman masyadong pinagtutuunan ng pansin yung mga yun kase napariwara nga ako that time.
Nakakaagaw na kami ng atensyon sa canteen. Kita ko sa mukha ni leslie ang pagkagulat sa mga sinabi ko.
"Leslie kaibigan kita kaya sinasabi ko to sayo.. Mahal ko si marcus at mahal din nya ako kaya please lang" lalapitan ko na sana siya pero binantaan ako nito.
"Wag kang lalapit"
"Leslie...."
"Sinabing wag kang lalapit eh, traydor ka! Isa kang ahas! Kamag-anak mo si galema. Tatay mo si zuma at nanay mo si Malandificent!"
Akmang sasampalin niya ako ng pigilan siya ni marcus.
"Sige subukan mong saktan ang taong mahal ko at ako ang makakalaban mo"
Niyakap ako ni marcus at hinalikan sa noo. Yumakap narin ako ng mahigpit sa kanya. Alam kong madaming mata ang nakatingin sa amin pero hindi ko na alam kung bakit parang nagkaroon ako ng lakas na loob na ipakita sa kanila ang relasyon namin. Hindi pa kase namin inaamin sa buong school kase nga sikat si marcus.
Dahil sa ginawang yun ni marcus ay hindi bigla itong nag walk out.
"Tara na umuwi nalang tayo. Ipagpapaalam nalang kita kay maam"

BINABASA MO ANG
Mali bang magmahal? (BoyxBoy) - COMPLETED!
RomanceAko si Jess, labing limang taong gulang. Isa akong bakla at hindi marunong magmahal. Paano kung sa mura kong edad ay magmahal ako ng tatlong lalaki. Lalaking matanda sa akin, lalaking una at lihim kong minamahal at ang lalaking hindi ko dapat mahal...