Dedicated to AwesomeDudeMiggy
Jess' POV
"Jess... I wont give up" ang sabi ni marcus. Hinalikan niya ako sa noo at niyakap ng mahigpit.
Ang alam ko lang Yumakap narin ako sa kanya. Pinatong ko ang baba ko sa balikat niya.
"Marcus bakit ganyan ka? Bakit hindi mo nalang ako sukuan. Masasaktan kalang sakin. Marcus please lang... Sumuko ka nalang"
Mas hinigpitan ko pa ang yakap sakanya at dun na nagsimulang tumulo ang luha ko.
"Jess pag nagmahal ka hindi ka dapat basta basta sumusuko. Hindi mo dapat sinusukuan ang taong mahal mo o ang mga taong nagmamahal sayo dahil ibig sabihin lang nun ...na sumuko ka nang maging masaya"
Kumalas ako sa pagkakayakap ko sa kanya at tinitigan ang kanyang mga mata. Ang ganda ng mga mata ni marcus kitang kita mo sa kanyang kung gaano sya kaseryoso sa sinasabi niya.
"Marcus hindi mo ko maintindihan at kahit anong gawin mo hindi mo ako maiintindihan" tumalikod ako sa kanya. Ayokong makita niya sa mga mata ko na mahal na mahal ko rin siya. Baka sakaling sumuko na sya.
"E di ipaintindi mo sakin.. Mahirap ba yun ha? Mahal kita at mamahalin ko kung anong mali sayo.."
Niyakap niya ako mula sa likod. Naramdaman ko na rin ang mga luhang pumapatak sa balikat ko. Nasasaktan ako kase nagkakaganito siya dahil sa isang tulad ko. Sa isang bakla.
"Marcus..." Nag crack na ang boses ko dahil sobra na ang pag-iyak ko. " marcus madumi akong tao, madumi akong nilalang kase hindi lang isang lalaki ang gumamit sakin pati narin ang tatay ko" napaupo na ako sa sahig dahil sa pag-iyak ko pero hindi siya bumitaw ng pagkakayakap sakin. "Marcus paulit ulit akong pinagsasamantalahan ng tatay ko.. Hangang sa wala na akong maramdaman, hangang sa lust nalang ang pinaniniwalaan ko sa kagaya namin. Marcus masakit maging bakla.. Pero alam mo kung anong mas masakit? Yung ipamukha sayo na hangang ganito nalang kami"
"Shhh...tahan na wag kanang umiyak please.." Pinunasan niya ang mga luha ko at hinalikan ako sa noo" jess kahit ilang lalaki pa ang maka-sex mo. Kahit pumanget ka pa. Kahit maging ano kapa... Jess puso ko na ang pumili sayo hindi ang mata ko. Oo aaminin ko na masakit na may ibang lalaking gumamit sayo pero mahalaga pa ba yun? Mahalaga pa ba na mas piliin ko pang pairalin ang pride ko kesa sa intindihin ang nararamdaman ko para sayo? Martir na kung martir basta akoy sayo at ika'y akin lamang" ang pag kanta nito sa huling linya.
Ewan ko pero napangiti ako sa huli niyang sinabi sakin.
"Ang korni mo ha! Hindi bagay sayo" pang-aasar ko sakanya tapos pinunasan niya uli ang luha sa pisngi ko.
Inalalayan nya akong tumayo.
"Ok lang naman na maging korni basta ba sa taong mahal mo..at ikaw yun jess.."
Nakita niyang naging seryoso ang mukha ko.
"May problema ba?" Ang tanong niya.
Gusto kong tanongin siya ng seryoso.
"Marcus tatangapin mo ba ako kahit na ganito ako?"
"Oo naman"
"Marcus tatangapin mo ba ako kahit na ibat- ibang lalaki na ang gumamit sakin?"
"Oo pero last na kung sino man yun ha" sabi niya.
"Tatangapin mo--"
"Naman e sagutin mo muna yung tanong ko" ang pagputol niya sa sasabihin ko.
"Oo na po! Last na yun" ang sabi ko tapos nag pout ako. Napangiti siya at pinisil ang ilong ko.
"Aray naman. Masakit kaya"
BINABASA MO ANG
Mali bang magmahal? (BoyxBoy) - COMPLETED!
RomanceAko si Jess, labing limang taong gulang. Isa akong bakla at hindi marunong magmahal. Paano kung sa mura kong edad ay magmahal ako ng tatlong lalaki. Lalaking matanda sa akin, lalaking una at lihim kong minamahal at ang lalaking hindi ko dapat mahal...
