Jess' POV
"J <3 M"
Wahhhhh.... Grabe!
Kinilig ako dun sa nakasulat sa arm chair ko. Naka-ukit lang naman ang initials namin ni marcus.
Namumula na ako dahil sa kilig.
"Surprise" ang nakangiti niyang saad nito. "Inukit ko yan kanina, bilang tanda na totoo ang nararamdaman ko para sayo. Meron din ako nyan sa upuan ko para malaman nila na ang upuang ito ay para lang kay jess at kay marcus" tapos kinindatan nya ako. Wahhh..... Ang pogi pogi niya talaga.
Umakbay ito sa akin at sinubsub ang mukha ko sa dibdib niya. Napatakip ako sa mukha habang nakasubsob sa dibdib niya. Eh kase naman pinagtitinginan na kaya kami ng mga kaklase namin.
"Yiieeee..." ang pang-aasar ng ilan.
Yung iba naman walang reaksyon. Ang iba, nakataas ang kilay lalo na ang mga babae.
"Wag mo na silang pansinin. Ang mahalaga lang naman eh, ikaw at ako. Sa madaling salita ay TAYO"
Sobra sobra na talaga ang kilig na nararamdaman ko.
Iba talaga si marcus. Sana hindi siya magsawa na pakiligin at ligawan ako. Kase, konting push nalang nito mapapasagot na niya ako.
Ewan ko ba sa kanya. Kase, Hindi na ito nahihiyang ipakita sa lahat ang nararamdaman niya para sakin. Labis naman ang tuwa na nararamdaman ko ngayon, bibihira na ang lalaking ganito. Di pa man nagiging kami eh, pinapakita na niya kung gaano nya ako kamahal.
Yung ibang lalaki kase, kapag nasa boy to boy relationship eh, hindi nila masyadong ipinagmamalaki. Kase ayaw nilang mahusgahan sila, ayaw nilang kutyain sila, ayaw nilang pag taasan sila ng kilay.
Kung palaging ganito na lang ang itatatak natin sa isipan natin eh, wala talagang mangyayari. Parang sinabi narin natin na tama sila! Na sila lang ang may karapatan! Na wala tayong karapatan na ipahayag o ipakita sa iba na proud tayo na ganito tayo.
Paano tayo magiging malaya kung ang lage nating iisipin ay ang sasabihin ng iba!
.
.
.
.
Dumating na si maam at nag simula na kami sa mahabang klase.
Di ko alam kung nakikinig pa ba itong katabi ko o ano. Eh, pano ba naman kase, sakin lang sya nakatingin.
"Ano bang ginagawa mo ha? At sakin ka nalang nakatingin. Pag ikaw nakita ni maam, papagalitan ka talaga nun" ang sabi ko sa kanya.
"Diba sabi ng mga teachers natin gawin nating inspirasyon ang pag-aaral" ano daw?
"E anong kinalaman ko naman dyan sa pinagsasabi mo?"
"Eto nag-aaral ako habang nakatingin sayo. Pinag-aaralan ko kase ang gagawin natin once na magpakasal na tayo"
Tumingin ako sa unahan kung saan nagtuturo ang teacher namin.
Pinipigilan kong ngumiti at kiligin. Nagpuntahan lahat ng dugo ko sa mukha dahil hindi ko na mapigilan ang pamumula ko sa kilig. Nakatitig parin ito sa akin. Nakakailang.
Totoo ba to? Iniisip na nya na ako ang papakasalan nya? Haisstt.. Marcus naman eh, wag ka ngang magpakilig.
_____________
Sa wakas natapos na rin ang klase namin. Buti nalang sabado bukas at makakapag pahinga narin ako.
Pero bakit ako natakot sa na isip ko. Ay oonga pala kapag sabado at lingo umaalis si mama para puntahan ang maliit naming restaurant na nasa kabilang isla.
Takot kase ako sa tubig kaya hindi ako sumasama kay mama, lalo na kapag sasakay sa bangka. Pakiramdam ko kase lulubog ang bangka na sinasakyan namin.
BINABASA MO ANG
Mali bang magmahal? (BoyxBoy) - COMPLETED!
RomanceAko si Jess, labing limang taong gulang. Isa akong bakla at hindi marunong magmahal. Paano kung sa mura kong edad ay magmahal ako ng tatlong lalaki. Lalaking matanda sa akin, lalaking una at lihim kong minamahal at ang lalaking hindi ko dapat mahal...
