Jess' POV
"Ako lang naman ang magiging tatay mo sa ayaw at sa ayaw mo" ang seryoso niyang sabi.
Teka! Di ba dapat sa ayaw at sa gusto mo yun? Mali ba ang narinig ko? Never mind na nga lang.
"Ok po ahmm.... Pwede po bang lumabas muna kayo kase, magbibihis pa po ako eh" ang sabi ko habang nakatalikod sa kanya.
"Bakla ka ba? Parang katawan lang ng lalaki di ka makatingin" bigla naman akong nainis sa sinabi niya.
"Opo bakla ako at tanggap ako ng mama ko kaya please lang po lumabas na kayo at magbibihis pa ako" ang sabi ko sa kanya.
Di ko alam kung anong pakulo ang gustong niyang mangyari. Pwede naman siyang mag cr sa kwarto ni mama, eh bakit dito pa sa kwarto ko.
"Totoo nga ang sabi ng mama mo na bakla ka. Sinayang mo lang ang kagwapuhan mo, edi sana marami kang babaeng paiiyakin. Alam mo ba noong una ay tinanggap ko ang sabi ng mama mo na bakla ka at mahal na mahal ka niya kahit na ganyan ka. Tinanggap ko yun kase mahal na mahal ko ang mama mo, pero ngayon... Ngayon naiinis ako sa mga bakla na kagaya nyo wala kayong ginawa kundi ang lumandi at sumubo ng sumubo" ang masasakit at mapang maliit na sinabi nito.
Hindi ko maiwasang tumulo ang luha ko habang nakatalikod sa kanya. Bakit lahat nalang ng tao ganyan ang tingin sa amin.
"Mawalang galang nalang po. Bakla man ako pero marunong akong rumespeto sa sarili ko at sa ibang tao, pero ang maliitin at gawing bisyo ang pagsasalita ng ganyan sa tulad ko eh di naman po ata tama yun." Humarap ako sa kanya habang tumutulo parin ang luha ko. Bakit ang hina hina ko? Bakit di pa ako masanay?
"Dahil ba straight ka, Eh normal ka na? Dahil ba bakla ka o tomboy kana eh wala na yung salitang respeto? Please lang po sawang sawa na kaming umintindi sa mga kagaya niyo! Pagod pa po ako sa school please lang.. Lumabas na kayo" tapos tumalikod na ako sa kanya.
"Wala akong paki-alam sa pinagdadaanan mo. Buti hindi ako naging kagaya mo hahaha.. Nakakaawa kayo!" Ang pasigaw nyang sabi. "Walang magmamahal sayo kase isa ka lang bakla. May nakita ka na bang dalawang lalaki na tumandang magka-sama ha?! Wala di ba? Wala!"
Ang sakit pala na ipa-mukha sayo kung anong halaga meron ka sa mundong ito.
Akala ko masaya na ako na tanggap ako ng mama ko pero hindi pa pala.
"Ano po bang ginagawa niyo dto sa kwarto ko?" Ang tanong ko. Pagod na kase ako sa maghapong nangyari sa akin tapos ito pa ang sasalubong sayo pag dating mo.
"Sinubukan ko lang naman kung totoo yung sinabi ng mama mo at di siya nagka-mali. Isa kang salot" ang naka ngisi sabi niya.
"Sige po baba na ako" saad ko pagkatapos kong mag bihis ay dumiretso ako sa pinto. Bago ko palang sana ito bubuksan ng muli siyang nag salita.
"Hindi pa ito ang huli kase nagsisimula palang tayo"
Tumakbo na ako palabas ng bahay kase di ko na talaga kaya ang bigat sa dibdib ko. Ayoko rin namang makita ni mama na umiiyak ako, kase ngayon ko lang nakita si mama na sobrang saya sa haba ng panahon na nagka-hiwalay sila ng papa ko.
Limang taon pa lang ako noon ng mag hiwalay sila ng mama ko at ang foreigne dad ko. Sumama daw kase si papa ko sa kabet niya na isang filipina rin. Sa totoo lang ay hindi ko na tanda kung gaano katagal ang pag durusa at pangungulila ni mama sa papa ko.
Kaya naman ng makita ko kay mama ang saya habang ipinapakilala nito ang bago niyang magiging asawa ay di ko rin maiwasang maging masaya para sa kanya.
Kaya naman titiisin ko nalang ang mga sasabihin ng tatay ko kesa naman mawala uli ang ngiti ni mama. Ganun naman siguro ang role namin eh, ang mag sakripisyo para sa taong mahal mo kahit masakit na, kahit mag mukha ka ng tanga. Basta makita mo lang sa kanila ang ngiti ay masaya ka narin para sa kanila diba?
Buti nalang wala si mama sa sala kundi makikita niya akong umiiyak. Ayoko kong nag-alala ito sa akin.
Lumabas na ako ng bahay at tumakbo ng tumakbo para pumunta sa tambayan ko sa tabing ilog tuwing nalulungkot ako o may pinagdadaanan. Doon ko lang nilalabas lahat ng sama ng loob ko.
Alas otso na ng gabi pero, nandito parin ako sa tabing ilog habang naka-upo ako sa ilalim ng puno at naka tingin sa mga bituin.
Ang sarap nilang tingnan. Parang ang saya saya nila. Parang nakakawala sila ng problema.
Kelan kaya nila kami matatangap? Meron bang magmamahal sa tulad ko na hindi lang libog o pera ang hanap nila. Doon Sa mga katulad ko tanggap nyo na ba sa sarili niyo kung sino ka? Dapat oo ang sagot mo. Tandaan mo mas masarap magpaka totoo kesa magtago. Pero kung hindi ay nasasayo naman yun. Alam kong hindi rin ganoon kadali ang maglantad.
Siguro kukutyain ka at iiyak at malulungkot ka, pero tandaan mo paano ka nila matatangap kung pati sa sarili mo ay di mo matanggap. Learn to love your self first. Be proud. Proud of who you are. Di mo kelangan na matangap ka ng lahat ang kelangan mo lang naman eh tanggapin mo muna sa sarili mo na ganun ka para kapag humarap ka sa iba atleast totoo ka.
Masakit lang naman na maliitin ka kaya di ko maiwasang umiyak. Tao din lang ako kagaya nyo.
Tumayo na ako kase alam kong nag-aalala na si mama.
Ganito kase sa probinsya pag dating ng alas syete eh kokonti nalang ang makikita mo sa kalye.
Habang naglalakad ako pabalik sa bahay namin ay di ko maiwasang kabahan at matakot dahil sa pag babanta ng tatay ko kanina lang.Sobrang liwanag ng buwan. Napaka-sarap pag masdan.
Habang nakatingala ako ay bigla nalang may bumusinang sasakyan sa likuran. Di ko napansin na nasa gitna na pala ako ng kalsada kaya naman bigla akong tumakbo sa tabi ng kalsada.
Nang dahil sa pagmamadali ko ay hindi ko inaasahan na may mababangga pala akong lalaki.
Ang lakas ng impak ko sa kanya kaya pareho kaming natumba sa damuhan.
Nakapatong ako sa kanya at sa di ko inaasahang pangyayari ay..
Nag....
Nag....
Nag Kiss kami!?!!!
...............................................................
Cno kaya yun??
Wew.. Hahaha, sorry nasira kase ang phone ko kagabi kaya di ako makapag open ng kahit ano huhuhu...
Sana nagustuhan niyo at sana me natutunan kayo. :)
Plsss.. Vote at comment naman po kayo.
Sana ma discover pa siya lalo. Tnx.
BINABASA MO ANG
Mali bang magmahal? (BoyxBoy) - COMPLETED!
RomanceAko si Jess, labing limang taong gulang. Isa akong bakla at hindi marunong magmahal. Paano kung sa mura kong edad ay magmahal ako ng tatlong lalaki. Lalaking matanda sa akin, lalaking una at lihim kong minamahal at ang lalaking hindi ko dapat mahal...