Dedicated to JaysonVillanueva945
Jess' POV
Pag kagising ko ay wala na sa tabi ko si marcus. Ang sabi ni mama ay umuwi na daw ito kagabi pa. Hindi na daw niya nagawang pang magpaalam sa akin, mahimbing na mahimbing daw kase ang tulog ko.
"Ma pasok na po ako sa skul" ang paalam ko kay mama.
"Sige anak mag-ingat ka anak... Ay Oonga pala anak baka hindi mo na ako maabutan pa mamaya pag-uwe mo, aagahan ko kase ng punta dun sa kabilang isla mamaya, ang dami ko kasing gagawin dun" ang sabi ni mama.
"Sige po ma, mag-iingat po kayo dun ah" ang paalala ko kay mama. At hinalikan ko sya sa pisngi.
"Oo naman anak. Andun naman pati ang mga tyahin mo"
"Kahit na Ma, basta ingatan mo po sarili mo dun" di ko talaga maiwasang mag-alala sa kanya kase lage syang nag-aalala sakin.
"Sige na, ipapahatid na kita kay chard" dahil sa sinabing yun ni mama ay hindi ko maiwasang tumanggi sa alok ni mama. Ang awkward naman kase para sa amin ni kuya chard... kase nga po nagtapat siya ng feelings sakin.
"Ma wag na po.. Mag co-Commute nalang po ako" pero ayaw talaga ni mama na mag commute ako kase baka daw may masamang mangyari sakin. Uso na daw kase ngayon ang manloloko at masasama ang loob.
"Hindi pwede! Pag di ka nagpahatid kay chard, mag-aalala talaga ako ng sobra.. Gusto mo ba yun anak?" ang pangongonsensya nito. Haixt.. Syempre ayoko naman na mag-alala pa sakin ang mama.
"Sige nanga po" ang pagpayag ko.
Habang nasa byahe kami ni kuya chard ay wala ni isa sa amin ang gustong magsalita. Pero nagulat nalang ng bigla nalang syang may inabot sakin. Tiningnan ko lang yun kase naguguluhan talaga ako. Bakit nya ko binibigyan ng kwintas?
"Tititigan mo nalang ba yan" sa wakas nagsalita din sya.
"Para saan to kuya?"
"Para sayo yan.. Liligawan kita" ang diretsong sabi nito.
"Pero kuya may boyfriend na ako"
"E, ano ngayon? Mahal kita at kung may mahal kang iba! Ang tanga ko di ba? E ano magagawa ko kung ang puso't isip ko na ang nagsasabing magpaka tanga ako para sayo" haixxt..napa buntong hininga lang ako.
"Kuya chard, ano ka ba? Masasaktan kalang pag pinagpatuloy mo pa yan"
"Hayaan mo lang akong manligaw sayo jess, kahit masakit na. Basta maipadama ko lang ang pagmamahal ko sayo"
Ano ba yan? naawa ako kay kuya chard.
"Kuya mahal kita pero hangang kaibigan lang, sana patawarin mo ako" ang paghingi ko ng tawad.
"Wala kang dapat ihingi ng tawad Jess..... please, please lang kahit hindi ka pumayag na ligawan kita. Liligawan at liligawan parin kita. Kaya please tanggapin mo na tong regalo ko sayo"
Haiixxxt.. Sumasakit ang bungo ko sakanya. Tinanggap ko nalang ito para matapos na at baka malate pa ako sa klase ko. E kung makikipag diskusyon pa ko kay kuya, hahaba at hahaba pa to.
"Oo na! Akin na yang regalo mo" kukunin ko na sana sa kamay nya pero iniwas lang nito.
"Ako na magsusuot sayo. Talikod!" ang utos nito sa akin.
So.. tumalikod ako at naramdaman ko nalang na ikinakabit na niya yung lock ng kwintas sa leeg ko. Pero ang ikinagulat ko ay ang yakapin niya ako at bigyan ng isang mabilis na halik sa pisngi.
Natahimik lang ako sa ginawa niya "tara na?" Ang pagyaya niya sakin tapos pinaandar na niya yung sasakyan.
Ewan ko pero, wala na kong ginawa buong biyahe kundi ang sulyapan siya. Kita ko ang ngiti at saya sa mukha nito. Para siyang nanalo sa lotto.
![](https://img.wattpad.com/cover/53778242-288-k749252.jpg)
BINABASA MO ANG
Mali bang magmahal? (BoyxBoy) - COMPLETED!
RomantikAko si Jess, labing limang taong gulang. Isa akong bakla at hindi marunong magmahal. Paano kung sa mura kong edad ay magmahal ako ng tatlong lalaki. Lalaking matanda sa akin, lalaking una at lihim kong minamahal at ang lalaking hindi ko dapat mahal...