Jess' POV
Pagkarating namin ni marcus sa classroom namin ay kinuha ko na sa kanya ang bag ko. Oo magkaklase kami kaya di ko na napigilan ang damdamin ko na magtapat sa kanya noon.
Ikaw ba naman, makita mo palagi at makasama mo sa iisang classroom ang crush mo. Ewan ko na lang sayo kung hindi ka mahulog sa kanya lalo.
Andito pa kami sa may pinto ng class room at hindi pa kami pumapasok.
"Salamat nga pala sa pagdala mo ng bag ko, sige na maupo na ako sa upuan ko" tapos pumasok na ako sa loob. Hindi ko na tiningnan pa ang reaksyon niya o hintayin ang sasabihin niya. Naupo na ako sa bandang likod kung saan ang paborito kong pwesto, kung saan tahimik, at hindi masyadong napapansin. Yun ang gusto ko. Loner kase ako.
Pagka upong, pagka upo ko ay may umupo din sa tabi ng upuan ko. Si marcus.
"Bakit nandito ka? Diba doon sa unahan ang pwesto mo?" Ang takang tanong ko.
"Eh, paano ako makakapag focus sa klase ko kung ang iniisip ko eh malayo sa tabi ko sige nga"
"Ang korni mo marcus. Sige na lumipat kana dun at baka magalit pa si maam" ang pagkonbinsi ko sa kanya.
"Ayoko. Dito na ako at walang makakapigil sa akin" ang pagmamatigas niya. Haist. Sige na nga.
"Hoy ikaw dun ka na sa upuan ko simula ngayon" ang pananakot ni marcus doon sa lalaking nakatayo sa tapat ng inuupuan niya na dapat siya naman talaga katabi ko.
Walang nagawa yung kaklase ko. Hanggang sa dumating si maam at nagsimula na siyang magturo. Sinabi narin ni marcus kay maam na dito na siya sa likod uupo simula ngayon. Sumasakit daw ang mata niya pag malapit sa blackboard. Nagpalusot pa talaga ang mokong na ito.
Habang nagtuturo si maam ay bigla nalang may humawak sa kamay ko. Hinawakan ni marcus ang kamay ko. Di ko alam ang gagawin ko. Sobra na siguro ang pamumula ko dahil sa kilig, hiya at takot na baka makita kami sa ganitong pwesto. Tumingin ako kay marcus. Nakita ko siyang nakatingin kay maam na busy sa pagtuturo kitang kita ko ang malaking ngiti nito sa labi. Ewan ko pero napangiti narin ako sa kanyang ginawa. Tinuloy ko nalang ang pagsusulat ko habang nakahawak parin ito sa kamay ko. kinikilig talaga ako.
Ahhhhhhh..... Ang sigaw ko sa sa loob loob ko. Grabe di ako makahinga sa kilig.
...........................
Natapos ang klase namin na hindi binibitawan ni marcus ang kamay ko.
Nakatingin si marcus sa akin Habang inaayos ko ang mga gamit ko para umuwi.
Lumabas na ako ng room. Sumunod lang sa akin ang loko hanggang makalabas kami ng eskwelahan. Hindi ko na napigilan ang sarili kong tanungin siya kung bakit siya sunod ng sunod sa akin, stalker lang?
"Stalker ka ba? Bakit kanina ka pa sunod ng sunod sa akin" ang sabi ko sa kanya.
"Sabi kase nila follow your dreams so.. yun ang ginagawa ko ngayon ang sundan ka" ang parang ewan nitong sagot sa tanong ko.
"Alam mo mister lee, gutom lang yan"
"Gutom na nga ako kaya tara na dun, bili tayo ng fishball. Treat ko" tapos hinila niya ako. Wala na akong nagawa kundi ang magpa hila sa kanya.
Pinaglagay ako nito ng fishball sa baso. Pagka bili namin ay pumunta kami sa may bench sa ilalim ng puno ng mangga. Ang sarap ng hangin, ang presko.
Tumuhog siya ng isang fishball at sinubukang isubo sa akin pero umiwas ako. Parang napahiya siya sa ginawa kong pagtanggi.
"Marcus madaming tao nakakahiya. Baka kung anong sabihin nila sa atin. Baka kung anong sabihin nila sayo. Ayokong madamay kapa sa kamalasan ko. Ayokong kutyain ka nila na bakla ka. Ok lang sa akin kung ako ang kutyain nila. Pero ikaw, hindi ka sanay" ang sabi ko sa kanya habang nakatitig sa mga mata niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/53778242-288-k749252.jpg)
BINABASA MO ANG
Mali bang magmahal? (BoyxBoy) - COMPLETED!
RomansaAko si Jess, labing limang taong gulang. Isa akong bakla at hindi marunong magmahal. Paano kung sa mura kong edad ay magmahal ako ng tatlong lalaki. Lalaking matanda sa akin, lalaking una at lihim kong minamahal at ang lalaking hindi ko dapat mahal...