"Hindi ako papayag!"
"P'wes wala ka ng magagawa Dave. Ang kasunduan ay kasunduan. 'Di ba napag-usapan na natin 'to?"
"Kayo naman palagi ang nasusunod eh! Mula pagkabata ko, kayo ang nagde-decision kung ano ang dapat kong gawin. Bigyan naman po ninyo ako ng freedom kahit papaano. Talaga bang anak ninyo ako o sunod-sunoran?" pagmamaktol ni Dave.
"Ina mo ako, ako ang nagpalaki sa'yo. Gusto lang naman namin ng Daddy mo na magkaroon ka ng future. Gusto lang namin na sumaya ka. Hindi na ba sapat iyon?" sagot ng kanyang inang naluluha na.
"At ipapakasal ninyo ako sa babaeng hindi ko man lang nakita o nakilala? Para ano? Para mas dumami ang kayamanan ninyo?" galit na sagot ni Dave. Dahil sa inasta niya, sinampal siya ng kanyang ina. Wala siyang ginawa kundi lumakad patungo sa labas. "She's coming here tomorrow with her parents. Be at your finest attitude. Huwag mo kaming ipahiya sa mga magulang niya" mungkahi ng kanyang mommy. Umalis si Dave na wala man lang sinabi. Pinaandar niya ang kanyang kotse at umalis.
Dave Vince Alvarez. Siya ang nag-iisang anak na lalaki ng mga tycoon na sina Mrs. Davina at Mr. Vincent Alvarez. Masunurin at matalinong bata si Dave. Marami ang may gusto sa kanya dahil sa kanyang ugali at gayon na rin sa kanyang ka-guwapohan. Mahal siya ng pamilya niya lalo na ang kanyang paboritong ate.
Mahal na mahal ni Dave ang kanyang ate. Sabi pa nga niya, kung magkaka-asawa siya ay pareho sa ate niya. Mas sinusunod ni Dave ang kapatid kaysa sa kanyang mommy at daddy. Walong taon ang agwat nila ng ate. Dahil sa closeness nila, minsa'y pumunta sila sa isang magandang lugar pero dahil sa hindi inaasahang mangyari, na-aksidente sila at sumakabilang-buhay ang kapatid niya. Hindi natanggap ni Dave ang nangyari. Dumaan ang ilang araw, biglang nagbago ang kanyang ugali. Eighteen years old na siya at nag-aaral sa isang pribadong unibersadad. In fact, noong first at second year college siya ay puro one ang grades niya sa lahat ng subject.
Angel's P.O.V
"Pasok ka ija. Ako na lang ang magdadala ng mga gamit mo" aniya ng isang katulong nang nag-doorbell ako.
"Salamat po pero kaya ko naman eh. Magaan lang po to" sagot ko sa kanya. Pumasok ako sa loob ng bahay at bumungad sa akin ang napakagandang disenyo at mga palamuti sa loob. "Sumunod ka sa'kin. Hinihintay ka na ni sir at Ma'am sa sala" sabi ng katulong sa akin. Kinakabahan ako sa mangyayari. Parang ayaw ko na lang tumuloy doon. Nang nasa sala na kami ay nakita ko ang isang lalaki at babae na nakatingin sa'kin.
"So, you are Angel, right?" tanong ng babae na sa pagkakaalam ko ay asawa ng lalaki na siyang totoo kong ama.
"Yes po Maam" matipid kong sagot.
Ako si Angelaine Gurrea. Seventeen na ako at nasa ikatlong taon na sa college. Ang dahilan sa pagpunta ko dito sa Maynila ay hindi dahil sa mamasukan bilang katulong kundi para makilala ang totoo kong ama. Bata pa ako, ang nanay ko at ang kinikilala kong ama ang katuwang ko sa buhay. Sa Bohol talaga ako galing. Hindi kami mayaman pero hindi rin kami mahirap. Kapwa may trabaho ang nanay at tatay ko. Guro si nanay sa pampublikong paaralan at si tatay naman ay isang electrician sa BOHECO. May dalawa akong kapatid sa nanay ko. Kahit na hindi totoong anak ay mahal ako ng tatay ko. Tinuri niya akong isang tunay na anak. Masaya ako dahil doon. Dalawang buwan ang nakalipas nang pumunta ang Secretary ng totoo kong ama sa amin. Sinabihan niya kami kung ano ang pakay niya. Nagalit ang nanay at tatay ko sa sinabi. Ipinasabi niya sa totoo kong ama na hindi namin matatanggap ang alok niya. Makaraan ang ilang araw ay nagkasakit ang dalawa kong kapatid. Malaki ang halaga ang kailangan namin upang maipagamot silang dalawa sa sakit na dengue. Halos iang linggo silang na-confine doon. Dahil hindi kami makabayad at wala ng natira sa ipon ng aking mga magulang ay napag-usapan namin ang tungkol sa alok.
BINABASA MO ANG
24 Hours
RomanceLOVE. Hindi 'yan pinipilit. Kusa itong dadating. FATE. Kahit anong pagsubok ang dadarating kahit may Great wall pa, kung kayo ang itinadhana, kayo talaga MEMORIES. Ito ang naiwan kay Angel mula nang maklimot si Dave. DEATH. Heartaches and reality.