Part 23

10 0 0
                                    


Elaine's P.O.V

Nasa terminal na kami patungong Carmen. Nasa second to the last kami umupo sa pandalawahang upuan. Napatingin ako kay Dave dahil napansin kong kanina pa siya nakatingin sa akin. Para tuloy akong nahihiya.

"Uy bakit?" tanong ko.

"Wala naman. Bawal bang tingnan ka? Kinikilig ka sakin no?" aba ang kapal niya ha. Pero kinikilig din naman ako.

"Kapal" nang sabihin ko iyon ay bigla niya akong niyakap.

Hindi ako makapagsalita at parang nanigas ang buong katawan ko. Para akong maluluha. Miss ko na ang pagyakap niya.

"Okay ka lang ba?" tanong ko.

"Inaantok ako" para siyang bata nang sabihin niya 'yon.

Wala akong magawa. Wala naman sigurong malesya diba? Magkaibigan namin kami. Hindi pala, mahal namin ang isa't-isa. Noon. Pero mahal ko pa rin siya ngayon.

Umalis na kami. Habang nasa byahe ay di ko maiwasang mapatingin kay Dave. Ang sarap siguro ng tulog niya. Noong una, nahiya ako dahil ang sama ng tingin ng mga tao sa amin dahil sa sobrang PDA namin. Hindi ko na lang sila pinansin. Ang importante nasa sakin ulit siya.

Naglagay ako ng earphones at pinatugtog ko ang A Thousand Years ni Christina Perri. Hindi ko namalayang nakatulog na rin ako sa byahe.

"Elaine nandito na tayo" may narinig akong boses habang kinukuha ang earphones ko.

"Dave"

Nagsmile siya sa akin at nginitian ko rin siya.

Bumaba na kami at pumara ng sasakyan papunta doon. Hindi kami nahirapan ni Dave. Pagpunta namin doon ay kumuha agad si Dave ng litrato naming dalawa.

"Isa pa Elaine" ang kulit niya.

"Sige na nga" tugon ko.

Bawat may makitang magandang view ay kinukunan niya ng litrato. Ang ganda talaga rito. Maraming turista ang nandito.

"Dave, punta tayo doon oh!" sabi ko sa kanya at tinuro ang isang burol kung saan may mataas na hagdan.

"Sige" sabi niya.

Pag-akyat namin doon ay bigla niya akong hinawakan sa kamay. Holding hands. Hindi ko na pinansin ito dahil mas kinikilig ako kung makikita kong magkahawak ang aming mga kamay.

"Ang ganda ng view rito" sabi ko habang pinagmasdan ang nagraramihang burol.

"Parang ikaw" tama ba ang narinig ko kay Dave?

Bigla niya akong inakbayan at gamit ang cellphone niya ay kumuha siya ng litrato naming dalawa. Hindi ang camera niya ang ginamit niya.

Nakakailang shots na kami ha. Hindi ba siya nagsasawa? Pumunta kami sa ibang pwesto. Doon may nakita kaming isang batang lalaki na umiiyak at mag-isa. Nilapitan namin ito.

"Bata, ano'ng nangyari sayo? Ba't ka umiiyak?" tanong ni Dave saka lumuhod para magkapareho na sila ng height ng bata.

Umiiyak pa rin ang bata. "Nawawala kasi ang Mommy at Daddy ko"

Nagtinginan kami ni Dave na para bang tinatanong ang isa't-isa kung ano ang gagawin namin.

"Gusto mo hanapin natin sila?" tanong ni Dave sa bata at kumalma naman ito.

"Talaga po?" tanong ng bata at tiningnan kami.

"Oo. Huwag kang mag-alala, mababait naman kami. Tutulungan ka namin" sabi ko.

24 HoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon